Part 18

2.2K 64 0
                                    

Continue....



Kinabukasan ay inaapoy ng lagnat si April. Pinuntahan siya ng mommy niya. Kasama nito ang apat na taong gulang na pamangkin niya.

''Tita, why are you sick?'' inosenteng tanong ni Mica.

Ito ang paboritong pamangkin niya. Nakatunghay ito sa kanya habang nakahiga siya sa kama.

''Mica, huwag ka rito sa kuwarto. May sakit ako. Baka mahawa ka,'' pagtataboy niya rito. Bahagyang napalakas ang boses niya dahil masakit ang ulo niya.

''Tita, are you angry?'' mangiyak-ngiyak na sab nito.

Tinitigan niya ito. Ang akala siguro nito ang galit siya.

''Mica, Tita is not feeling well. Go to mommy, okay?''

Pumasok sa loob ng kuwarto ang mommy niya.

''Mommy, wag n'yo nang papasukin si Mica rito.''

She caught the sad look on her niece's eyes. Naawa siya rito dahil pati ito ay nadamay sa bad mood niya. Hindi niya sinasadya kung nasaktan niya ang damdamin nito. She was just not feeling well. Ang masakit pa roon, doble ang sakit na nararamdaman niya: sakit sa katawan at sakit sa puso. Niyaka niya ang kanyang unan.

Kinahapunan ay bisita ni April si Elly. Sinabi niyang mukhang ilang araw siyang hindi makakapasok sa trabaho dahil sa sakit niya.

''Don't worry, kami na bahala,'' sabi nito.

''Bakit kasi sumugod ka ro'n? Naku, kung wala ka lang sakit, sinabunutan na kita.!''

''Magsama kayung dalawa,'' nainis na sabi niya.

''Kaming dalawa? Nino?'' nagtatakang sabi nito.

Hindi niya sinabing ito at si Miguel ang tinutukoy niya. Paulit-ulit nalang ang mga ito sa pagsasabi kung gaano siya katanga sa pag-ibig. Bigla niyang naalala ang project nila kay Miguel. Hindi pa niya tapos gawin ang ibang mga plano. Sa linggong iyon na ang meeting nila pero wala parin siyang maipi-present. Bumangon siya at kinuha ang kanyang laptop.

''May sakit ka. Magpagaling ka muna bago mo isipin ang trabaho,'' sabi sakanya ni Elly.

''No way,'' kahit masakit ang mga kalamnan niya ay binuksan niya ang kanyang laptop.

''Hindi ko hahayaang isipin niyang incompetent ako sa trabaho. Kailangan kong matapos ang mga plano.''

''Bakit naman niya iisiping incompetent ka? I dont think ganoong tao si Mr. Villuna.''

''You don't know him Elly, He's a monster.'' humalakhak ito.

Pero hindi rin siya nakatagal sa harap ng monitor dahil lalong sumakit ang kanyang ulo.

''I told you, girl, ipahinga mo na muna 'yan. Si Ronan na ang bahala riyan,'' naninising sabi nito sa kanya.

Napahinuhod siya nito. Pero pag-alis nito ay hindi siya nakatiis. Pinilit niyang ituloy ang ginagawang plano. Na-challenge siya sa mayabang na lalaking 'yon.






😌😌😌

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon