Part 39

2.6K 59 0
                                    



Nilingon ni April si Elly nang sikuhin siya nito nang mahina. Inginuso nito ang pagkain niya na pinaglalaruan lang niya.

"Kung ayaw mo, puwede bang akin na lang 'yan?" Tanong nito.

Itinulak niya ang plato sa harap nito.

"Ano naman ngayon ang drama natin, sis?" Sabi nito. "Parang hindi ako updated sa'yo ah, sige na, sabihin mo na." Sumubo ito ng pagkain.

Bumuntong-hininga siya bago nagsalita.
"Mahirap ba akong mahalin?"

Pinaikot nito ang mga mata nito. "Hay naku, ilang beses mo nang tinanong sa akin 'yan, ano ba? Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na napakasuwerte ng mga lalaking minamahal mo. Iyon nga lang, palagi kang napupunta sa maling lalaki." Tumaas ang isang kilay nito. "Bakit na bring up na naman ang issue na yan?"

Umiling siya. "W-Wala. Bigla ko lang naisip na magtanong. Talaga lang sigurong may mga taong malas sa pag-ibig...tulad ko."

"Puwede ba, tigilan mo ang kakaisip sa mga ganyang bagay?"

Hindi siya umimik. Hindi niya masabi ritong si Miguel ang dahilan ng bagong sugat sa puso niya. Hindi niya dapat binigyan ng ibang kahulugan ang pag-o-open up nito sa kanya tungkol sa childhood nito at ang halik na iginawad nito sa kanya. Walang kahulugan para dito ang mga iyon.











Miguel


Kakauwi lang ni Miguel. Niluwagan niya ang kanyang necktie at saka umupo sa sofa. Binuksan niya ang lamp shade bago hinugot sa kanyang bulsa ang isang kapirasong papel. Tahimik na binasa niya ang nakasulat doon.

Miguel,
          Take care of yourself.

                                         April.

Napangiti siya.







April

Naalala ni April ang mga pointers na sinabi ni Miguel kung paano siya makakalimot mula sa pagkabigo sa pag-ibig. Hindi na siya naglalasing. Nagpapaka-busy na rin siya. Sa sobrang pagkasubsob niya sa trabaho, nanibago sa kanya ang mga kasamahan niya. Tuluyan na rin niyang nakalimutan si Paul. Kung nahihirapan man siyang mag move on ay dahil kay Miguel.

Hindi madaling kalimutan ito dahil naangkin na nito ang kanyang puso. Ano ba ang mayroon sa pagkatao nito at hindi siya maka get over dito? Ang nakakainis pa ay hindi naman niya naging nobyo ito para maguluhan siya nang ganoon. They were just mere acquaintances.

"Gumimik naman tayo mamaya," pukaw sa kanya ni Ronan. "Hindi ka na sumasama sa amin."

"I'd love to but---"

Pinutol ni Elly ang anumang sasabihin niya. Inakbayan pa siya nito.

"No more buts, sis. We'll have fun tonight!"

Hindi na siya nakatanggi sa mga ito. Mukhang nag-aalala na naman ang mga ito sa kanya. Nahalata siguro ng mga ito na gumagawa na naman siya ng sariling mundo niya. Nagpasalamat siya at napapalibutan siya ng mababait na kaibigan.


Laking gulat ni April na kasama rin pala si Miguel sa gimmick nilang magkakaibigan. Inimbita pala ito ni Ronan pero nakalimutang banggitin sa kanya. Huli na para mag-out siya kaya pinilit na lang niyang magpakakaswal kahit alam niyang hindi papasa sa kahit sinong direktor ang acting niya.

Si Miguel naman ay hindi kakikitaan ng kakaiba. In fact, lalo siyang nasaktan dahil tila malamig ang pakikitungo nito sa kanya. And just when she thought she already had enough for tonight, there came another surprise.

Isang grupo ang dumating at pumuwesto ang mga ito sa katabing mesa nila. They were Paulo's colleagues. Kasama rin ito sa grupo. Nagtama ang kanilang mga mata. Napatingin sa kanila ang mga kaopisina niyang nakakakilala rito. They were all waiting for her reaction.

Inalis niya ang tingin kay Paulo. Wala na siyang ibang nararamdaman para dito kundi sandaling pagkagulat dahil nagkita sila nito roon. In fact, she was more aware of Miguel who was sitting on the other side.

Hinuli ni Elly ang tingin niya. Nginitian niya ito bilang assurance na okay lang siya. Saka niya itinuon ang pansin sa iniinom na punch. Patingin-tingin siya sa kanyang relo. Gusto sana niyang mauna. Sigurdo siyang iisipin ng mga ito na dahil kay Paulo kaya nais na niyang umalis, pero sa huli ay nagpaalam pa rin siya.

"Guys, I'm sorry but i have to go." Tumayo na siya bago pa makaprotesta ang mga ito. Nag paalam din siya kay Miguel pero hindi na niya hinintay na sumagot ito.

Umalis na siya. Malapit na siya sa kanyang sasakyan nang may tumawag sa kanya. Nilingon niya kung sino iyon. Si Paulo.

"Puwede ka bang makausap?" Tanong nito.

Sandaling tinitigan niya ito bago siya tumango. Sasabay na sana siya sa paglalakad nito nang may pumigil sa isang kamay niya. Gulat na napalingon siya. Si Miguel! May nabasa siyang matinding pagtutol sa mga mata nito.

"Sino siya?" Tanong sa kanya ni Paulo.

Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Miguel na nakahawak pa rin sa kanya. Sinubukan niyang kumawala rito pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Let me go..."

"What? Are you going to make a fool of yourself again?" Maigting na tanong nito.

Hindi nito pinansin si Paulo. Sa kanya lang nakatuon ang mga nito.

Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. How dare him say that? If she hadn't known better, iisipin niyang nagseselos ito kay Paulo. But she wouldn't buy that crazy idea anymore.lalo pa at alam niyang may ibang babaeng nagmamay-ari sa puso nito. Sa isiping iyon ay lalong nagrebelde ang puso niya.

"Let me go," mariing ulit niya.

"Pare, bitiwan mo siya," sabad ni Paulo.

Tinitigan lang siya ni Miguel. Wala itong sinabing anuman. Tinanggal nito ang isang kamay nito na pumipigil sa kanya. Pero nabasa niya sa mga mata nito na tila nakikiusap itong huwag siyang sumama sa dating nobyo niya.

Iginiya na siya ni Paulo.
She fought hard not to look back.


CONTINUE....

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon