Part 14

2.6K 73 0
                                    


April




Tanghali na nang magising si April kinabukasan. Nakatulugan niya nang nagdaang gabi ang pag-iisip at pag hihintay sa tawag o reply ni Paulo sa text message niya. Kinapa niya ang cellphone sa ulunan niya para i-check kung may bagong message siya. Nadismaya siya nang makitang walang mensahe roon.

Nasaktan na naman siya. Hindi na talaga siya pinapansin ni Paulo. Ano ba ang gagawin niya ? napapikit siya ng mariin. Ilang araw pa lang ang lumilipas mula nang makipag hiwalay ito pero pakiramdam niya ay taon na ang katumbas niyon. Namimis na niya ito.

Biglang sumingit sa isip niya ang mga nangyari sa kanya nang nagdaang araw at ang mukha ni Mr. Villuna habang kausap niya ito. Sobrang Arogante nito. Ayaw na niyang alalahanin ito pero bakit bigla nalang itong sumingit sa kanyang isip? kung puwede lang na huwag nang dumating ang araw ng Lunes para hindi niya makasama ang mayabang na lalaking iyon.

Bumuntong-hininga siya nang tuluyan nang bumangon. Sinimulan niya ang kanyang araw. She spent the weekend with Elly. Nag pasama itong mag-shopping dahil kaarawan daw ng pamangkin nito. Mag hapon silang nag-ikot sa mall. Nang mapagod ay kumain sila sa paborito nilang kainan.

''Anong oras kayo pupunta sa Zambales bukas? tanong nito habang kumakain sila.

''Eight ng umaga kami aalis ng office,'' sagot niya. Sa Zambales ang site ng project nila para sa mga Villuna.

''Mag dadala ako ng kotse kaya hindi na ako sasabay sa service van.''

''Sigurado ka? mahaba-haba ang biyahe. Baka mapagod ka lang.''

''Okay lng 'yon.'' hindi nalamang niya sinabing gusto niyang mapag isa kaya ayaw niyang sumabay sa service van.

''Kasama niyo si Mr. Villuna bukas, right?''

''Oo,'' nababagot na sagot niya.

Ngumiti ito at hindi niya nagustuhan ang kahulugan niyon.

''I saw him,'' wika nito.

kumunot ang kanyang noo.

''Saan? kailan?''

''Sa Internet, saan pa?'' Lumapad ang ngiti nito. Mesmerized ang anyo nito na animo naengkanto.

''Highly profiled kaya ang taong iyon kaya searchable siya kahit saang search engine. Kaya nakita ko na kung ano'ng hitsura niya. Napaka guwapo pala niya.''

''At antipatiko,'' dagdag na sabi niya.

Pinag taasan siya nito ng kilay.

''Says who?''

''Huwag mo ngang pangarapin 'yong taong 'yon,'' nainis na sabi niya.

Humalukipkip ito. ''Bakit ka naiinis sa kanya? Dont you see him as a man? He's so hot!''

''I don't give a damn, kahit siya pa ang pinaka hot na lalaki sa buong mundo.''

''Well, look who's talking. Natatandaan ko noon, inis na inis ka rin  sa isang lalaki. 'tapos, nagulat na lang ako boyfriend mo na siya.''

''That's a different story.''

''Oh, yeah. 'Paulo' yata ang name ng lalaking 'yon, Well, kung ako sa'yo, maiinis uli ako sa kanya. Look what he's done to you. Minahal mo siya pero sinaktan ka lang niya.''

Hindi nalang niya pinatulan ang sinabi nito.

''Kung ako sa'yo, ibabaling ko na lang ang pansin ko sa ibang lalaki. Well, i think, ang pag kainis mo kay Mr. Villuna ay isang magandang sign.''

''Shut up!''


😌😌😌

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon