Part 13

2.6K 74 1
                                    

April

Kinahapunan ay bumalik si April sa gusali ng Villuna Group of Companies. Alumpihit siya at aalis na sana nang makita siya ni Rod.

''Miss Magbanua, is there something i can do for you?'' nag tatakang sabi nito. ''Why are you here?''
''I-I'm here to see Mr. Villuna,'' sagot niya.
''Gano'n ba? Let me see if he can attend to you.'' nakangiting pinaupo siya nito sa sofa. Sandaling umalis ito. ''He's free. come on in,'' sabi nito pag balik. Iginiya siya nito papunta sa opisina ni Mr. Villuna.

Ninenerbiyos siya. Sana lang ay hindi iyon halata sa mukha niya. Binuksan ni Rod ang isang pinto at pinapasok siya nito roon. The room was elegant and had an atmosphere of supremacy. Nasa gitna niyon ang executive table kung saan nakaupo si Mr. Villuna at nakatingin sa LCD monitor ng computer nito.

Iniwan na siya ni Rod. Napalunod siya bago kinuha ang atensiyon ni Mr. Villuna.

''I-I came here to...'' hindi niya masabi ang kanyang pakay. Tiningnan siya nito at nginitian nang makahulugan. They held each other 's eyes.

''I didn't expect you to come this soon.''
Nagbaba siya ng tingin at saka nagsalita.
''I wouldn't like to apologize for what happened this morning.''
Hindi naman na siguro niya kailangang banggitin dito ang tungkol sa naunang engkuwentro nila. He looked at her intently. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng panliliit.

''I didn't see the post when i parked the car.'' saka lng siya nagkaroon ng lakas ng loob na salubungin ang mga mata nito.

''yong aksidente kanina, I was experiencing a bad hair day so I'm sorry if i was...a bit rude.''

Tumayo ito mula sa swivel chair at lumakad sa kalapit na filing cabinet. May kinuha itong folder doon at binasa. He seemed oblivious of her presence. O sadya lang nitong ipinakita sa kanya na hindi ganoon kaimportante ang presensiya niya para ibigay sa kanya ang buong atensiyon nito.?

''I'm normally not like that. I'm just in a tight corner so please accept my apologies,'' patuloy niya.

''Well, thats relief,'' sab nito. She was startled at his retort and then felt annoyed. Nainis na naman siya rito.

''Na-estimate mo na ba 'yong damage ng kotse mo?'' Tanong nito habang nagbabasa. ''I'll pay for it. You can go directly to my secretary to settle the amount.''

''H-hindi ko pa napapatingnan.''
''So, may kailangan ka pa bang iba?''

Dini-dismiss na siya nito. Hindi na ba nito matagalan ang presensiya niya?

''Nothing else, Mr. Villuna,'' mahinang sagot niya.

''I'll see you on Monday then.'' bumalik ito sa desk nito.

''Yes. Good day.'' Tumalikod siya at mabilis na lumapit sa pinto. Pero bago siya makalabas doon ay nagsalita uli ito.

''Just call me 'Miguel.' i hope you stay on your usual self when we start working. I can't afford to waste my time dealing with people who experience sudden lapse o behavior.''

Napaka arogante talaga! bakit hindi na lang nito tanggapin ang apology niya at hayaan nalang siya nito ? bakit kailangan pa nitong sabihin iyon ?

''Of course,'' nakataas ang noong sagot niya.
''Good-bye.'' nanggigil na lumabas siya ng pinto. What a brute! nagsisisi siya na nag apologize pa siya.


😌😌😌

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon