Part 10

2.7K 120 4
                                    

April

Napasigaw si April nang may bumanggang sasakyan sa likuran ng pulang kotse niya. Tutop ang dibdib na lumingon siya. Bulag ba ang sira-ulong driver ng kotseng iyon? Hindi ba nito nakita ang taillight ng kotse?
Mabilis na bumaba siya ng kanyang kotse at kinatok ang bintana ng sasakyang bumundol sa kanya. Bumaba ang bintana niyon at nalantad sa kanya ang driver. Naumid siya. Hindi man niya nakita ang mga mata ng lalaki dahil naka suot ito ng dark sunglasses,batid niyang magandang lalaki ito. Parang pamilyar ito sa kanya. Parang nakita na niya ito pero agad din niyang kinalimutan ang naturang posibilidad.

Naghubad ito ng sunglasses at tinitigan din siya. Tama ba ang nakita niya o namalikmata lang siya? Rumehistro sa mukha nito ang sandaling rekognisyon.
"I'm terribly sorry," hinging paumanhin nito,nag labas ng calling card. "Here's my card. Give me a call kung anuman ang damage ng kotse mo at babayaran ko. Nag mamadali kasi ako."

Wala  pa rin siyang mahagilap na salita. Pakiramdam niya ay umakyat ang dugo sa ulo niya.

"Can you move your car to the side so that i can park my car?''

Noon lang niya napansin ang bagung-bagong Porsche nito. Napatingin siya sa kanyang kotse. May nakita siyang kaunting yupi roon. Ibinalik niya ang tono.

''Ah,gan'on...'' Hinablot niya ang calling card. ''Sige,hintayin mo ang tawag ko.'' Luminga siya at nakita ang isang parking slot na natanaw na niya bago pa man siya bungguin nito. Siguro ay doon din ito pupunta.

Tumalikod na siya at sumakay uli sa kanyang kotse. Nag park siya sa nag-iisang available slot. Pag katapos ay taas-noong bumaba uli siya ng sasakyan. Eksakto namang huminto ang Porsche at bumaba roon ang lalaki. Nilagpasan niya ito bago pa man ito makapag salita.

''Hey,Miss!'' Pahabol na tawag nito. Hindi niya ito pinansin. Lalo siyang nag madaling lumakad.



kahit walng mg basa
continue....

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon