Part 34

2.6K 55 0
                                    

Hindi tumigil si Elly sa pangungulit ky April dahil hindi pa rin ito naniniwalang walang namamagitan sa kanila ni Miguel.

''Masasabunutan na talaga kita. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala nga? Kailan ba ako naglihim sa'yo?'' Naiinis nang sabi niya. Nasa pantry sila at doon siya ini-interrogate nito.

Humalukipkip ito. ''I smell something fishy.''

Tumawa siya. ''Anong klaseng pang-amoy ba 'yang sa'yo?''

''Basta!''

''By the way, pumunta ka sa Sunday kina Mommy. Doon nalang ba tayo magkikita o sasabay ka sa akin papunta ro'n?'' Pag iiba niya sa usapan.

''Hindi n'yo na ako kailangang imbitahin. Lagi naman akong nasa inyo.'' Namaywang ito. ''Wag ngang ibahin ang usapan.''

She rolled her eyes. Hindi talaga niya ito matatakasan. Wala siyang inilihim dito maliban doon sa pagkalasing niya sa Subic. She wanted to keep that to herself.

''Paano mo ipaliliwanag 'yong eksenang nakita ko noong inihatid mo siya sa sasakyan niya no'ng birthday ni Mica?''

''Anong eksena naman 'yon?'' Pinagtaasan niya ito ng isang kilay. ''Alangan namang hindi ko siya pasalamatan sa paghatid niya sa akin?''

''I'm not talking about that. Ang sinasabi ko, eh 'yong sinabi niya bago siya sumakay sa kotse.''

Naalala niya ang tagpong iyon....

Gabi na nang maisipang umuwi ni Miguel. Tawag ng kagandahang-asal ay inihatid niya ito hanggang sa labas ng bahay. Namayani ang nakakailang na katahimikan sa pagitan nila.

''Salamat uli sa paghatid,'' wika niya.

Tumango lang ito.

''Bibisita ka ba uli sa site next week?''

''I don't think so. Maybe the week after.''

''Gano'n ba?'' Na-disappoint siya sa sagot nito pero pinilit niyang ngumiti. ''Well, I guess I'll just see there.''

''I don't think so. I think we'll be seeing each other very soon...''

Napaisip na naman siya sa sinabing iyon ni Miguel. Ano ang ibig sabihin nito? Apat na araw na ang nakalilipas pero wala pa rin siyang balita dito. Baka business lang ang tinutukoy nito. Hindi niya alam na narinig din pala iyon ni Elly dahil sumunod ito sa kanya. Hindi na nga siya tinantanan nito.

''So, ano nga ang ibig niyang sabihin?'' Pangungulit nito.

''Bakit kaya hindi siya ang tanungin mo?'' Pairap na sabi niya.

❤❤❤❤


T

uwing Linggo ay nagkikita-kita ang buong pamilya ni April para magsalu-salo. Sa pagkakataong iyon ay naisip nilang mag-lunch nang sabay-sabay. Nagbakasyon sa kanila ang kuya niya at ang pamilya nito kaya kompleto sila. She wouldn't missed that day.

Nagluto muna siya ng baked macaroni bago nagtungo sa kanilang bahay sa Antipolo. Inihinto niya sa tapat ng gate ang kanyang sasakyan at saka niya kinuha sa backseat ang dalawang tray ng baked macaroni bago siya pumasok sa bahay nila.

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon