Part 11

2.8K 104 0
                                    

April


Humahangos na pumasok si April sa conference room na itinuro sa kanya ng napag tanungan niyang reception officer. Sinalubong siya ni Ronan.

''Akala ko ay hindi ka na makaka abot. Mabuti na lang wala pa rin iyong presidente kaya hindi pa kami nag sisimula.''

Nakahinga siya nang maluwag sa narinig. Kanina pa siya nag-aalala. Ayaw niyang mag karoon ng bad impression sa kanilang kliyente lalo na at sila ni Ronan ang hahawak sa bagong project na iyon.

Naka upo na silang lahat sa conference room nang pumasok si Rod.

''I'm sorry to keep you waiting. Mr. Villuna has just arrived. We'll start in a moment,'' Nakangiting wika nito.

Kasama niya roon sina Ronan at Arthur at isang representante ng Villuna Group of Companies. May ilang mga bagay silang kailangang i-finalize bago nila simulan ang project. Abala siya sa pag tingin sa portfolio nang maramdaman niyang may pumasok sa conference room. Nag taas siya ng tingin at nakita niya si Rod na may katabing isang lalaki. Biglang nanlaki ang mga mata niya.

Nag sitayuan ang mga kasama niya at isa-isang binati ang lalaki. Pero siya ay nanatiling naka upo at  nakayuko. Would he recognize her? Inayos niya ang kanyang bangs sa pag babaka-sakaling kahit kaunti ay mag iba ang hitsura niya. Pumikit siya nang mariin. Of all people, bakit siya pa ang kailangang maging presidente?

''Forgive me for being late,'' kapag kuwan ay wika nito. ''Puno ng sasakyan ang Parking area kaya kahit ang reserved slot ko ay may kumuha,'' parinig nito sa kanya.

''Wala bang nakalagay nag sign?'' tanong ni Rod.
''Meron,'' sagot ni Mr. Villuna.
''Baka hindi marunong bumasa,'' biro pa ni Rod. Sandaling nag tawanan ang mga ito. Hindi naman siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Hiyang-hiya siya.

''Shall we start?''

Nag angat siya ng tingin. His eyes passed each of them until it stopped at her direction. She saw recognition dawned on his face. Agad siyang nag baba ng tingin. Hiling na lang niyang matapos agad ang meeting.

Isa-isa silang ipinakilala ni Arthur. ''Mr. Villuna, these are Architect Ronan Marquez ang Architect April Magbanua. Sila ang hahawak sa project.''

Hindi na siya naka iwas. Napilitan siyang tingnan at ngitian nang pilit si Mr. Villuna. Ano kaya ang naglalaro sa isip nito? Ngumiti ito. Napaka plain ng ngiting iyon pero para sa kanya ay parang may ibang kahulugan iyon. Or was she just being paranoid?

''Gusto kong matapos ang remodelling ng mga villa within four months or mas maaga pa,'' Maawtoridad na sabi nito.

''We will do our best, Mr. Villuna,'' sabi ni Ronan.
''it's fifty year-old Spanish villa. I want to preserve some of its part but i want some changes, too. As you all know, we will be converting it to a resort.''

The meeting went on and April felt she was not there. Nagsusulat siya pero lumilipad ang isip niya.Dalawang beses lamang yata siyang nag salita. Nasa harap nito ang dark sunglasses na suot nito kanina. Siniko siya nang mahina ni Ronan. His eyes were warning her. Nang tila matauhan ay saka lang niya nakitang sa kanya nakatingin ang lahat.

''Ahm...I'm...'' hindi niya alam ang sasabihin. What was the question anyway? She looked at Ronan for help. He mouthed the word ''inspection.''

''On your signal, Mr. Villuna. Ire-request lamang naming mag karoon kami ng ocular inspection bago namin simulan ang plano,'' sagot nito para sa kanya.

''Maybe we can visit the site this week?'' sabi niya para maka bawi. Get a grip, sita niya sa sarili. What's with him? Ano ngayon kung na-witness niya ang vulnerable moments ko? wala siyang paki alam.

''It's almost the end of the week,'' sabi ni Mr. Villuna. Base sa tono nito ay parang sinasabi nitong stupid idea ang sinabi niya.
''Next week would be fine. Let's say...Tila nag isip ito. ''Monday?''
''It's fine with me,''
''All right, we can move on to other things.''
They continued with the meeting. Pag katapos niyon ay parang lalong sumakit ang ulo niya. Nauna nang lumabas ng conference sina Mr. Villuna at Rod. Sumabay sa kanya si Arthur.

''Ano'ng nangyari sa'yo kanina?'' tanong nito.
''I'm sorry.'' Hinilot-hilot niya ang kanyang sentido. ''Masakit kasi ang ulo ko.''
''It's my fault. Hindi nalang sana kita pinilit na lumabas kagabi,'' salo ni Ronan.
''No,it's my fault,'' sabi niya rito. ''Hindi mo naman sinabing mag pakalasing ako kagabi. Promise,hindi na uli ako iinom. Nakakahiya pala ako kapag lasing.''

''I know how you work, April. Ang inaalala ko lang ay ikw. Baka hindi mo pa kaya.''
''Thanks, Arthur. I'll be fine.'' pinilit niyang ngumiti. ''I'll see you at the office.''

Pag labas nila ng elevator sa basement parking ay nag kanya-kanya na sila. Lumakad siya patungo sa kanyang sasakyan. Kinapa niya ang calling card na nasa bulsa ng pantalon niya. Hindi niya nagawang tingnan iyon nang kunin niya sa bumangga sa kanya. Sana  ay hindi siya 'yon, aniya. Pilit parin siyang umasa na sana ay hindi si Mr. Villuna ang naka bangga sa kanya kahit napatunayan na niya iyon sa meeting. Pumikit siya at itinaas ang calling card. Saka siya dahan-dahang dumilat at binasa ang pangalang naka sulat sa card. Miguel Villuna. President. Villuna Group of  Companies
''Oh,no! siya nga,'' bulalas niya. Parang lalong sumakait ang ulo niya. Napabilis ang pag hakbang niya patungo sa kanyang sasakyan. Naihilamos niya ang kamay sa kanyang mukha pag kakita sa sign na nagsasabing naka reserve ang slot na iyon para sa presidente ng kompanya.

Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa kahihiyan. Hinanap niya ang Porsche at nakitang naka park iyon nang alanganin sa isang sulok. Napangiwi siya. Paano pa siya makakaharap dito kapag nakatrabaho na niya ito?.






haba...😀😀

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon