Ano, hindi ka pa uuwi? Ulit ni Elly.

Mauna ka na lang. Hindi ko pa tapos ang ginagawa ko, aniyang ibinaling ang pansin sa kanyang computer.

Okay, mag-ingat ka, sabi nito at saka nauna na.

Nang mapag-isa ay tinitigan uli niya ang kanyang cellphone. Gaano ba kaabala si Miguel para hindi man lang ito makapag-text at kahit isa para sabihin sa kanya kung makakapunta ba ito o hindi. Naiinis na nagbuga siya ng hangin.

Hindi niya alam kung saan siya higit na naiinis: sa pambabale-wala ni Miguel, o sa katangahan niya.

Binalikan niya ang ginagawang plano para makauwi na rin siya. Masyado siyang engrossed sa ginagawa kaya bahagya pa siyang nairita nang tumunog ang kanyang cellphone.

Sino ba ang istorbong 'to? Aniya nakatingin pa rin siya sa plano nang abutin niya ang kanyang cellphone at sagutin ang tawag.

Where are you? Sabi ng isang iritadong tinig sa kabilang linya.

Hindi niya puwedeng ipagkamali sa iba ang boses na iyon.

Miguel? Paniniguro niya.

Mag-iisang oras na akong naghihintay ngunit kahit anino mo ay hindi ko pa nakikita.

Pakiramdam niya ay mabibitiwan niya ang kanyang cellphone.









Hindi parin makatingin si April nang diretso kay Miguel. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong ayusin ang sarili dahil sa pagmamadali. Nagawa niyang makarating sa lugar na iyon sa loob lamang ng limang minuto.

Nakita agad niya si Miguel na seryosong-seryoso habang nakaupo ra pandalawahang mesa.

I-i'm sorry kung pinaghintay kita. Hindi mo naman kasi sinabing pupunta ka. Kung alam ko lang, kanina pa sana ako nandito.

He smiled curtly. Wala akung oras mag reply dahil sa sunud-sunod na meeting. I just barely read your message. Pagkagaling ko sa huling meeting ko ay dito na ako tumuloy. Para lang malamang wala ka palang balak pumunta.

Im sorry, hinging paumanhin uli niya.

Well, ano ba'ng dahilan ng meeting na'to?

It's not really about work. Hinintay niyang magsalita ito pero hindi ito umimik kaya nagpatuloy siya.

I just want to clear myself. Noong nasa Subic tayo, ang sabi ni Ronan ay inihatid mo raw ako sa kuwarto ko. I was drunk that time. Kung mayroon akung nagawa that night, please, kalimutan mo na lang sana. I promise it won't happen again.

Bakit?

Napatitig siya rito. Ha? Nagtatakang tanon niya.

Bakit ka uminom nang gabing iyon? You seemed perfectly fine that day, curious na tanong nito.

Napalunok siya. Matagal bago siya nakapag salita. Minabuti na niyang magsabi ng totoo rito.

That day was supposed to be me and Paulo's first year anniversary. I was just...hindi niya maisip kung ano ang tamang sabihin.

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon