Napabuntong -hininga nalang ako pagka-alis ni Mr. Sandejas.Puro nalang Yassi. Kakasawa na. Tinapik ako ni Kaye.

"Kain tayo?" sabi niya. Nilingon ko siya at bahagyang tumango. Sabay kaming pumunta sa buffet ng pagkain. Hindi ako umiimik. Nakakatampo, ako ang nandito pero puro Yassi ang bukambibig ng mga bisita sa paligid. Lalo na kapag kakausapin nila si Kaye tungkol kay Yassi.

Sa isang table lang kami ni Kaye kasama ang iba pang homeowners. Nagkakasiyahan ang lahat at pansamantala kong nalimutan na left out ako kanina. Felling out of place. Pero hindi na ngayon nang magumpisa na ang pagames at sayawan.

"Gusto mo bang sumayaw?" bigla ay tanong ni Kaye sa akin.

Natigil naman ako sa pagpalakpak. Saka ko lang namalayang kami nalang pala ang natitirang nakaupo. Lahat ay nagsisipagsayawan na. Paano ba naman ang mga kasapi ng asosasyon ay may mga asawa na. Parang kami lang ata ni Kaye ang single. Tinanggap ko ang palad niya. Hindi ko inaasahan ito.

"Marunong ka bang magsayaw?" kinikilig na tanong ko, habang naglalakad kami papunta sa gitna.

"Of course ,hindi sing-galing ng iba pero marunong naman ako. Yassi thought me how to dance before.. " nakangiting sabi niya.

Ouch naman! Pero ok lang. Ang importante isasayaw niya ko. Huminto kami sa gitna. Inilagay ko ang mga kamay ko sa balikat niya. Hawak naman niya ako sa beywang ko. Napakainit ng pakiramdam ko sa kamay ni Kaye na nakahawak sa beywang ko. Sa wari ay para bang may kuryenteng nagsiklab sa loob ko papunta sa puso ko hanggang kumalat sa buong katawan ko. Isang sensasyon na sa pagka-alala ko ay ngayon ko lang naramdaman. Lahat ng sama ng loob ko ay napawi ng lahat. Sapat na ang ngiti ni Kaye na nakatunghay sa akin. Nagkatitigan kami. Mata sa mata. Pakiramdam ko ang ganda -ganda ko sa paningin niya.

Hindi kami naguusap, basta nagtitigan lang kami habang nakangiti sa isat-isa. Para bang nagslow motion ang lahat sa paligid namin. Ipinikit ko ang mga mata ko. Hiniling ko na sana hwag nang matapos pa ang musikang pumapailanlang. Kung titigil man sa paginog ang mundo, ang nais ko ay manatili lang ako sa ganitong posisyong kasama si Kaye. Kung guguho man ang mundo ora mismo ay mamatamisin ko.

"Thanks.. " sa wakas ay nagsalita na si Kaye. She grinned, perfect white teeth flashing in the semi darked hall.

Nagpapasalamat siya para saan?

"I thought this dance would bore me to death.. to tell you frankly I enjoyed this...akala ko hindi ko ito magagawa sa ibang babae bukod kay Yassi... "

Napalunok ako. Ok na sana kaso nasingit na naman si Yassi. Pinilit ko nalang na hwag pansinin ang sinabi niya. Ngumiti nalang ako at tumungo. Ayokong makita niya ang pagbalong ng luha ko. Mukhang wala nga talaga akong laban kay Yassi. Hindi na ako nakapagsalita.

Isang masigabong palakpakan ang nangibabaw pagkatapos ng matamis na sayaw na iyon. Ang lahat ng mga mata ay nakatingin sa amin ni Kaye na nasa gitna ng bulwagan. Nagkagulatan kaming dalawa nang mapansing kaming dalawa nalang ang natira sa gitna. Natatawa kaming bumalim na sa pwesto namin. Namumula ako sa kilig at sa hiyang naramdaman ko.

Lumipas ang ilang oras ay nag-announce ang host ng couples of the night winner. Nangiti ako. May ganon-ganon pa pala sa party na to.

Nagtilian ang lahat nang suspense pang sabihin ang mga pangalan ng winner. Lumakas ang palakpakan nang marinig ko ang pangalan ko at pangalan ni Kaye. Nagkatinginan kami at nagkatawanan. Kami pa talaga ang winner eh hindi naman kami couples.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now