*Chapter 50

21.1K 222 18
                                    

*Chapter 50

Nath's POV

Ganda ng balita ni Erin. Akala ko ko nga kung ano na. Ang drama kasi niya. Tapos natawag ko pa siyang babe! Kahiya naman yun! Hindi pa nga niya tinatanong kung gusto ko siyang maging girlfriend ako naman eto at babe na ang tawag sa kanya. Buti na lang naniwala  siya sa palusot ko. I am really happy para sa achievement niya.

-------------------------------------------

-December 21-

Christmas party sa office ngayon. Lahat halos nakared or green. Ang dami ring food at activities. May disco ball pa at masasayang christmas songs. At magsisimula ang party ng 9pm sa 10th floor ng building.

Nasa office muna ako. Kahit kasi saturday at off ko ay napagusapan namin nila Erin na pupunta kami. Kaya naman hinihintay ko na lang sila. Hindi na rin ako mapakali. First party ko ito with her. Yung walang inhibitions dahil sa ibang tao. Hindi pa kami pero I would like others to know that she is mine. Andame kasi umaaligid sa kanya. Mapababae at lalaki. Lalo na nung inannounce sa floor na promoted na siya. I guess pandagdag appeal yung galing niya.

I remembered nga last week yung dalawang guys na naglakas loob na ayain siya sa party na ito.

-flashback-

"Hey! I'm Billy. Can you go with me sa party?" Sabi nung isang guy.

Ako naman selos. Natural! Ganda ni Erin at hindi maiiwasan ng mga ganitong pagkakataon.

"Dude hindi tayo talo. Baka mas marami pa akong chicks sayo." Sabi niyang natatawa.

Umalis tuloy bigla yung guy. Haha! Pahiya siya eh.

Tapos yung isang guy naman. Ewan kung anong pangalan nun.

"Erin! Can you be my date sa christmas party?" Tanong niya.

Natawa kaya ng malakas si Erin dun. Yung pati nga tao sa paligid napatingin sa amin.

"Sorry dude. What's with you guys? Pare you are barking at the wrong tree." Sabi niya.

Lulugo-lugong umalis tuloy yung lalaki.

Then hindi pa dyan nagtatapos! Ang magandang gwapo kasi si Erin. Dame ko karibal. Grrrr!

"Hey Erin! I heard your not into boys. So I guess of I can be your date..." hindi na natuloy nung girl yung sinasabi niya kasi nagsalita na si Erin.

"Sorry beautiful. Pero may kasama na kasi ako na dyosa sa party." Sabi niyang nakangiti tapos tinignan ako.

Umalis agad yung girl. Eh siya na kasi magyaya kay Erin. Haha! Ganyan nga boys and girls! Alamin ninyo ang inyo at sa akin!

Pero dyosa daw kasama niya? Eh hindi pa nga niya ako niyayaya ah! Grrr! May kasama siyang iba?!

"So may kasama ka na pala." Sabi ko.

"Oo." Matipid niyang sagot.

"Sino?" Tanong ko.

"Yung dyosa. Pakilala ko sayo." Sabi niya tapos hinila ako sa cr.

Pinaharap niya ako sa salamin tapos sabi niya, "Nath meet the goddess." Sabi niya sabay turo sa akin.

Awww... Ako daw goddess? Naka naman! Ganda ko eh. Sabi niya yun ha?! Hindi ko tinataas ang sarili kong upuan. Nabasa niyo ang sinabi niya. Haha!

Hinampas ko yung braso niya. Enebe... Kinikilig ako eh.  ^_^

"Sinong may sabi na papayag akong maging date mo?" Sabi ko.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Where stories live. Discover now