*Chapter 37

17.6K 177 16
                                    

*Chapter 37

Nath's POV

Paggising ko sa umaga ay yung text agad ni babe yung nabasa mo. Smile naman syempre! Ang sarap kaya sa feeling na unang tao na babati sayo yung mahal mo.

So later pagbalik niya galing sa mama niya magkikita kami ulit. Hihintayin ko na lang siya.

Bumangon na ako at naghilamos at toothbrush tapos lumabas ng room. Naabutan ko naman sila papa at mama na nasa lamesa na.

"Kain na tayo. Tawagin mo n nga si Nick." Sabi ni mama.

Pinuntahan ko naman si Nick at ginising na siya. Masayang nagalmusal ang kasama ang fam ko.

Tapos ay nagprepare na kami para magsimba.

After nun ay diretso kami sa fastfood place kasi yun na ang nakaugalian namin. Nakita ko naman si Angela at ang aga pa may kadate na.

Lumapit ako saglit sa table nila habang kumakaway kay Angela. At dahil nakatalikod yung girl sa akin naisip ko na siya naman ang pagtripan gaya ng ginagawa niya sa amin Erin ko.

"Hey baby!" Bati ko kay Angela tapos nagbeso pa. Nakita ko nagulat siya pati yung girl.

Wow lang ha! Magaling ang taste ng bestfriend ko. Ganda ng kasama niya. Parang model.

"Baby pakilala mo naman yang kasama mo." Sabi ko at umupo pa ako sa tabi ni Angela.

"Ha? Nath anong ginagawa mo dito?" Gulat pa rin n sabi niya.

"Baby kasama ko sila mama. Nakita ka nga nila tapos sabi nila sabay ka saamin eh." Sabi ko na nilandian yung boses ko tapos niyapos pa yung arm niya.

Nakita ko yung galit sa mata nung girl. Si Angela naman gulat na gulat.

"Alam ba ni Erin ang ginagawa mo?" Sabi ni Angela.

"Sinong Erin? Baby sino ba kasama mo? Ate mo?" Sabi ko pa rin.

"Nath ano ba?" Naiinis na si Angela.

Natatawa naman ako.

"Girlfriend ko yang nilalandi mo." Sabi nung girl.

"Ai! So dalawa pala tayo. Akala ko ate ka niya." Sabi ko na sobrang pigil sa tawa.

"What the hell Nath! Sabihin mo ang totoo kay Alex!" Sabi niya.

Oh ow! Galit na ang best friend ko. Hihi

Binitawan ko na yung kamay niya. "Sorry na best. Hihi. Kasi ikaw lagi mo kami pinagtitripan ng babe ko. Gantihan lang. Sorry Alex never in my whole life na magkakagusto sa babaeng ito. Mas maganda sa kanya girlfriend ko." sabi ko sabay wink sa babae tapos pinakita ko yung picture namin ni babe sa phone na binigay niya as a proof.

Tumawa naman din siya. Si Angela namumula kasi galit na. Haha!

"Sweet revenge best. Yan ang napapala ng nangiistorbo sa momeng namin ni Erin. Haha!" Sabi ko.

"Sumbong kita kay Erin kala mo! Alex honey wag kang lalapit sa bestfriend kong ito. May rabis ito." Sabi niya.

"Angela baby wala akong rabis. Ikaw kaya. Haha! At kahit magsumbong ka kay Erin ako kakampihan nun!" Sabi ko.

"Asar! Baby! Ewww! Hindi ako pumapatol sa panget! Asan ba si Erin at ng maitali ka na sa kanya?" Sabi niya na natatawa na rin.

"Binisita si mama niya. Babye na nga sa inyo. Sorry sa istorbo bestfriend" sabi ko kay Alex. Nginitian naman ako tapos nakipagshake hands pa.

"Best friend kwentuhan tayo minsan." Sabi pa niya.

Inirapan lang ako ni Angela at bumalik na ako sa table namin.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon