*Chapter 28

20.5K 212 9
                                    

*Chapter 28

Erin's POV

Hayahay ang araw na ito! Ang saya lang! Akalin ninyo readers in just one day ay yung result na ipinunta ko sa past ay nakuha ko na. She is also in love with me.

Yes. She is also in love with me. Ang saya di ba?

At sobrang ganda niya kanina. Bagay niya yung suot niyang dress. Tapos yung ayos ng buhok niya ang ganda. She looked so sensual and elegant kaya. Yung tipong parang messy yung buhok pero ang ganda pa rin sa mata. Ang plano ko nga magpapaganda talaga ako para mafall na siya sa akin. Sabi nga di ba kapag nakita ng mata na maganda e maganda din ang magiging reaction ng tao sa isang bagay. Pero ako ang mas nastar struck eh. Mas maganda pa siya sa pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa. Oo na alam ko oa na. Eh sa maganda nga po eh.

Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari ngayong araw na ito. Instead na ako ang gumawa ng ways para mapalapit kay Nath ay siya pa ang panay sa pagpapakilig sa akin.

Una yung tananong ko siya tungkol sa order namin. Ang cute lang. Nauutal pa siya. Haha! Tapos tinawag niya akong babe. Akala ko tuloy mali lang ako ng dinig pero inulit niya eh. Malinis naman ang tenga ko para hindi ko marinig yun noh.

Honesly I never expected her to act that way. Ako dapat ang gumagawa nun eh. Pero tinamaan ako ng swerte eh. Haha!

Akalain kong ang pinakamamahal ko pa ang nagpakilig ng husto sa akin. Her actions caught me totally off guarded. Kasi nga I was prepared na ako ang gagawa ng mga yun.

Worthy yung pagpunta ko dito sa past. Nakilala ko pa yung parents niya. Actually sobrang kabado ako. Hindi ko na lang pinakita kay Nath. Nakita ko rin kasi kung gaano siya kabado kanina.

But it turned out so well. Nagbiruan pa nga kame eh.

Kilig, saya at kaba. Yan lahat naramdaman ko na sabay sabay. So mas malala pa yung sumakay ako ng sampung beses sa roller coaster. Basta hanggang ngayon hindi ko maalis sa muka ko yung ngiti.

Napalitan pa kami ng ilang text ni Nath bago ako nakatulog.

--The next day--

Maaga akong nagising. Kailangan ko kasi magtime travel ulit para bumili ng bonggang tent para sa amin ni Nath.

So nagtext lang ako kay Nath ng goodmorning at pinuntahan ko na yung telephone booth.

Nagpunta ako sa year 2016 para maghanap ng cool na tent. Pangangatawanan ko yung pagtawag niya ng spy kid sa akin. Haha!

So after few hours ay nakakita na rin ako. Enough lang sa dalawang tao. May free na solar panel para may ilaw sa gabi na pwedeng isaksak sa battery. May comforter na rin na kasama tapos dalawang maliit na upuan. Parang pang forest camping tlga. Syempre yung pinili ko yung kasya lang kami ni Nath. Baka may umepal pa kasi na makitulog. Haha!

Bumilik na rin ako sa past. Nagtext ako ulit kay Nath. Nagkasundo kami na pupunta siya sa bahay para magdinner. Pinayagan naman siya kaya dali dali akong nagpunta sa palengke para ipagluto ang mahal ko.

Kahit isang katiting na pagod hindi ko maramdaman kasi lahat ng ito para kay Nath.

Bumili ako ng ingredients para sa carbonara. Madali kasi gawin un. Tapos bumili na lang ako ng roasted chicken at garlic bread. Bumili din ako ng paperplates at spoon and fork. Wala nga kasi akong gamig di ba? At sa lutuan naman makikigamit ako sa landlady ko. Magbabayad na lang ako para sa lpg.

Umuwi na ako agad. Nadatnan ko na nga si Nath sa labas ng bahay ko.

"Hello. Hindi mo sinabing pupunta ka na. Kanina ka pa?" Bati ko sa kanya habang binubuksan yung pinto. Nakashorts lang siya at shirt pero ang cute pa rin niya tignan. Nakalugay lang yung buhok niya.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Where stories live. Discover now