*Chapter 19 (edited)

24K 250 11
                                    

*Chapter 19

Erin's POV

Hay... Nakakalungkot naman. Napapalapit na kasi ako kay Nath pero yung account na napuntahan ko sa TalkANet biglang nag-pull out. So wala pa munang work for few months. Maghintay na lang daw kami para sa bagong account na bubuksan nila. Sabi pwede naman daw kami mag-apply sa iba pero ayoko naman.

Nagpaalam na ako kay Nath. Pwede pa naman kami magkita sa labas ng office eh.

Ramdam ko naman na sad din siya. Pero sabi niya gagawin daw niya lahat para makabalik ako agad.

Touch naman ako di ba. Pero okay na din. Yung plano ko maisasatuparan ko na. Haha. Parang villain lang. Pero good plan naman yun noh.

Nagresearch ako tungkol sa past ni Nath. Kung saan siya pumapasok noon at kung anong year at section.

Nagpunta na ako sa telephone booth. I went back 7 years ago. Sakto naman sa plan ko kasi naghahanap sila ng substitute teacher. Siyempre wala naman akong diploma o proof na nakagraduate ako. Bumalik ako sa past dala ang list of requirements na kailangan para makapasok sa Saint Vincent Academy.

Siyempre saan ba ang takbuhan ng fixed document. Sa RECTO! Hihi.

Alam ko it is bad pero wala naman akong intention na masama eh.

So after I completed all the requirements ay nagpunta na ako sa past ulet. Year 2006.

Interview with the principal.

Demo teaching.

At hola! Pasok na ako. I will start na daw the next day.

Balik nanaman sa present day. Kapagod lang eh. Nagpaalam ako kay papa na sasama ako kay Anne magbakasyon sa province nila. Uuwi muna kasi si Anne sa Tarlac. Kinausap ko naman si Anne at nagkasundo na kami kung anong sasabihin kay papa. Pinaliwanag ko kasi sa kanya na para mapalapit ako kay Nath. Alam naman ni Anne na head over heels ako kay Nath kaya okay lang.

-Flashback-

"Anne I badly need your help." sabi ko sa kanya while we are eating sa KFC.

"Ano yun? Makaenglish ka wagas ha." sagot niya habang lumalamon ng fries at mac salad.

"Pero promise mo sa akin hinding hindi ka tatawa?"

"Ano nga yun?"

"Ganito na lang, dalian mong kumain dyan at may pupuntahan tayo."

"Sure."

Pagkatapos naming kumain ay dinala ko siya sa telephone booth.

"Huy! Bakit mo ako dinala dito? Kung gusto mo ako i-rape sabihin mo na lang. Hindi yung idadaan mo ako sa dahas. Hehe" biro ni Anne.

"Baliw! Halika dito wa telephone booth." Hatak ko sa kanya papasok sa booth.

"Dahan dahan naman ang beauty ko! Asar ka friend tatawag ka lang sa ganitong lugar pa." Reklamo pa niya.

"Tahimik! Mamaya mawawala yang reklamo mo." So nagdial na ako at dinala ko siya sa time ng katipunan. Hehe. Para ma-experience din niya yung napuntahan ko before.

Sobrang hindi ko maipinta yung itsura niya. From *_*    -_-   %_%  o_0    +_+  @_@ ganito

kabilis ang pagpapalit niya ng facial expression. Epic talaga! Haha.

"Mga mananakop! Hulihin sila at ikulong sa bodega!" Biglang sigaw nung isang katipunero.

Ang weird kasi ng suot namin sa paningin nila.

"Pakana ito ng mga kastila! Dakpin sila!" Sigaw ulit ng isa.

"EXCUSE ME?!" Sigaw ni Anne.

"Anong kabaliwan ito Erin?!" Bulyaw ulit niya sa akin.

Hinatak ko na lang siya pabalik sa telephone booth. Tapos bumalik na kami sa present time.

So I explained lahat kay Anne. Lahat ng plano ko. Naniwala naman siya kasi naexperience niya first hand. Muntik nga lang niya ako patayin kasi hindi ko na daw dapat siya dinala sa time na katipunan. Haha

-End of flashback-

I packed my things at dinala ko yung naipon kong pera nung may work pa ako. Diba may date yung mga pera? Pinili ko talaga yung luma. Haha. Para pwede ibili dun. Alangan naman yung bagong pera ang dadalin ko? Baka sabihin play money. Hehe

Hindi ko na dinala yung motor ko. Magtataka naman si papa kung dadalin ko.

Naglakad na ako papuntang telephone booth. I made sure na walang nakasunod sa akin. Mahirap na eh.

--August 7, 2006--

Monday morning. Nagmamadali akong naglakad papuntang Saint Vincent Academy. First day ko kaya bawal malate. Nahirapan kasi akong gumising almost 3am na ako nakatulog. Sobrang excited kasi ako. Hihi.

Kung tatanungin ninyo kung bakit ako nakapasa sa interview at teaching demo, well bachelor of education ang course ko. Kahit di pa nakatapos eh my idea na ako. Magaling to eh. Haha

"Good Morning Miss Jaime." bati nung principal sa akin.

"Good morning ma'am."

"Ready for your first day?"

"Yes ma'am."

"I warn you. They are the worst class here. I hope makatagal ka habang wala pa ang homeroom teacher nila."

"I will stay po. Don't worry." sabi kong nakasmile. Malamang kahit gaano kahirap kailangan kong panindigan ang gagawin ko.

Tapos na ang flag ceremony at pumasok na ang lahat sa kani-kanilang rooms. I composed myself.

Inhale...

Exhale...

Inhale...

Exhale...

Awooh! I can do this!

Pumasok ako sa room. Grabeng mga bata! Ang iingay nila. Pero the moment they saw me they all kept silent.

Wow. Okay. Naramdaman nila ang presence ko. Buti naman tumahimik sila.

"Good morning guys! I will be your substitute teacher while Mrs. Manansala is on leave. I am Erin Jaime."

Note: hindi ko ginamit ang real name ko. Kasi sabi nga huwag baguhin ang nakatadhana di ba. So eto na yun.

"Good morning Miss Jaime!"

Nagpakilala lahat ng mga students. Nang si Nath na nakinig talaga ako. Bata pa lang siya maganda na talaga siya.

"Hello. I am Nathalie Belle Cruz. You can call me Nath." she smiled before taking her seat.

Nakakainlove naman oo.

Nagdiscuss na ako ng lesson. Hindi ako masyadong makapagfocus pero I did my best para hindi ipahalata na kay Nath lang ako nakatingin.

After my class ay napagalaman kong may annual camping pala ang Saint Vincent Academy. So nagpunta ako sa principal's office to know more about it lalo na ako ang substitute adviser ng class nila Nath.

Boring pa ang first day. Pero since nakasama ko na ang class marami na akong activities na naisip para sumaya ang discussion namin.

End of chapter.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Where stories live. Discover now