*Chapter 43

19.2K 206 10
                                    

*Chapter 43

Nath's POV

Nakauwi na rin. Kahit na pagod sa work at late ng nakauwi happy pa rin ako.

"Good eve anak. Late ka na nakauwi ah." Bungad ni mama.

"May inasikaso po ako." Sabi ko naman.

"Hmmm... napansin ko this past few months masaya ka." Sabi ni mama.

"Palagi naman po akong masaya eh." Sagot ko naman.

"You finally came back." Sabi ni mama at niyakap ako.

Nagtataka man sa sinabi niya yumakap na lang din ako. Pumasok na ako sa room.

Naligo na ako. At dahil maganda ako pati usok at alikabok kasi ayaw akong tantanan. Wahaha! Feelingera lang.

After the shower humiga na ako at niyakap si minion. I turned off the light at lampshade na lang ang nakabukas.

"Alam mo ba minion someone reminds me of the person who gave you."

Well alam ko namang hindi siya sasagot. Pero tuloy lang ako sa pagkausap sa kanya.

"The smell. How she walks. How she talks. How she looks at me. Kaparehas talaga. Hayy.. Sa tingin mo this is the right time to finally give in my heart?"

At syempre walang sagot. Parang nakatitig lang sa akin at nakasmile.

"Hay! Ang hirap kasi! Ayoko mafall sa kanya dahil kamukha niya yung taong yun. Gusto ko mahalin siya dahil mahal ko siya wala ng iba pang reason. Teka? Hindi pa nga ba ako in love sa kanya? Minion naman! Wag mo akong tignan at nakangiti ka pa." Sabi ko na parang baliw na.

"Ahhh! Asar. Sana kahit isang sagot lang naman." Sabi ko. Frustrated na eh.

"Kung siyang nakakapagpasaya sayo go for it." Bilang may nagsalita.

"Minion! Nagsalita ka!" Sigaw ko tuloy at napabangon bigla. Nababaliw na nga ata ako. Promise narinig kong nagsalita siya.

"Oo nga nagsalita ako. Go for the person who makes you happy." Sabi ulit nung boses.

"Ahhhh! Nagsasalita ka!" Sigaw ko ulit.

Then someone turned on the light at pumasok si papa.

"Haha! Sabi na nga ba at kinakausap mo pa rin yang alien na yan eh." Sabi niya.

Lakas din ng trip ng tatay ko noh? Grrr.

"Pero anak seryoso ako sa sinabi ko. If that person makes you happy dapat mo siyang mahalin. Enough reason na yun to take a risk." Sabi niya.

"Opo. Pagiisipan ko mabuti yan. At papa hindi po alien ito. Minion ang tawag dito." Sabi ko.

"Oo na alien or minion pa ang tawag dyan.Welcome back princess." Sabi na lang ni papa.

"Parehas kayo ni mama. Parang kaninang umaga lang nandito ako ah." Sabi ko.

"You know what we mean by that." Sabi niya.

Nawala nga ba talaga ako? Hay! Ewan! Naggoodnight na rin si papa at natulog na ako. Maaga pa sa office bukas.

-------------------------------

Kinabukasan

As I've said maaga ako sa office. Ganado nanaman ako kasi nga di ba nasa work na ulit si Erin.

Ano nanaman kayang ka-cutan ang gagawin niya? Hay! Can't wait to see her.

Mga 4pm na. Isang oras na lang uwi na din ako. Hmmm... hindi ko pa rin nakikita si Erin. Saklap naman ng hindi ko makita kahit na anino lang niya.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant