*Chapter 49

18.7K 202 3
                                    

*Chapter 49

Erin's POV

So far everything is going well. Masaya ako na tanggap ako ng family ni Nath. Ang sarap kaya sa feeling ng open ka sa family ng mahal mo. I know there are some na katulad ng relationship namin ay family ang problema.

Nasa office ako ngayon. Buti nga at night shift na rin si Nath eh. Kaya hindi na kami nahihirapan na magkita. Ang maganda pa same time kame at same off. Swak yun sa beach vacation namin.

First break ko kaya pinuntahan ko siya sa office niya.

"Hey ganda." Bati ko.

"Oh hi! Break mo na?" Tanong niya.

"Yep. 15 minutes nga lang. Bitin yun." Sabi ko.

Nagcoffee kami sa may pantry. Syempre kasama namin si Anne.

"Nath sino pala yung kasama mo sa vacation natin? May picture ka?" Tanong ni Anne.

Pinakita naman ni Nath yung picture ni Angela sa phone niya.

"Single ba?" Pangungulit ni Anne.

"Single and very free to mingle." Sagot naman ni Nath na nakangiti.

"Best sabi mo 2 rooms lang pinareserve mo diba?" Tanong ni Anne sa akin at ngising aso pa.

"Haha! Best naman alam ko yang ngiti mong yan. Kahit single yung tao ang tanong magugustuhan ka ba?" Tawa kong sabi.

"Best wala ka namang bilib sa alindog ko. Natural magugustuhan ako nun!" Sabi naman niya.

"Ewan ko lang ha." Sabi ko.

"Watch and be amazed." Sabi niya.

Patawa talaga itong kaibigan ko. After nun ay natapos na rin ang break namin. Balik work nanaman. Kahit na sobrang dami ng calls na dumarating na sa dami ay wala na kaming time huminga ay masaya pa rin ako. Every 2 hours kasi break time ko at nakikita ko yung inspiration ko. Palagi ngang magaganda ang scores ko sa monitoring.

I was busy talking to a customer ng sabihan ako ng supervisor ko na wag muna magtake ng call after ko matapos sa kausap ko. May importante daw siyang sasabihin.

Dali-dali kong tinapos ang call ko. Syempre naman sa lahat ng call centers ang meeting or huddle ang pinakagusto namin. Ibig sabihin kasi nun ay iwas muna kami sa mga galit sa mundo na callers.

"Boss I'm done with my call." Paalam ko sa supervisor ko.

"Ahh yeah take a seat. I'll just finish this one report. Then I'll talk to you." Sabi niya.

"Yes boss." Sagot ko naman.

Si Anne napansin na wala akong ginagawa kaya tinawag muna ako.

"Huy! Bakit hindi ka nagtetake ng call?" Bulong niya. Bawal kasi magtagalog eh sa loob ng floor eh.

"Ewan ko kay boss. Sabi niya may sasabihin daw. Hinihintay ko lang siya." Bulong ko ulit.

Tumango lang siya. Tapos tinawag na ako nung supervisor ko.

"Tagalog tayo wag kng maingay ha. Kakasawa ng magenglish eh." Sabi niyang natatawa.

"Okay po." Sabi ko naman na nakangiti.

"Pinaghuddle break kita kasi nakita ng mga operations manager ang performance mo. Nakita nilang magada ang score cards mo. At sakto naman they are looking for new trainers. Pinakinggan nila ang mga calls mo for the past week and satisfied sila. So by January you will start your training to be a trainer." Paliwanag ni boss.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Grabe lang! Ako mapopromote! Waaaahhhh!!!!

"Erin?" Sabi ng sup ko.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Where stories live. Discover now