*Chapter 33

19.1K 206 8
                                    

*Chapter 33

Erin's POV

Ayan. Last day ko na sa school. At ito na yung kinakatakutan ko. Ano na ang dapat kong gawin? Ayoko ng malayo kay Nath. Hindi ko kayang malayo na sa kanya. Hindi ko rin kayang isipin na hanggang dito na lang ito.

Nakakatakot. Yan ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya ng totoo. Kung pwede lang na dito ko na lang sa past ituloy ang buhay ko ay iyon ang gagawin ko. Pero alam kong hindi iyon tama. Alam kong isang malaking kabaliwan iyon.

Pumasok na ako sa school at iniwan ang negative feelings. Kailangan kong maging masaya kahit ito na ang last day. Pwede ko naman siya makita pa. At yun ang nagpapalakas sa loob ko ngayon na harapin siya.

Since wala akong class sa section nila Nath ay ginawa ko ang lahat para makita pa rin siya. As usual sabay kaming naglunch kasama si Angela. Sinabi nila sa akin na puntahan ang section nila after ng school hours.

Kulitan at tawanan muna kaming tatlo. At since sa bahay kami kumain ay lambingan muna kami ni Nath bago pumasok ulit sa school. Nandyang kumakandong siya sa akin tapos hahalik sa pisngi ko. Syempre hindi pwede sa lips dahil kasama namin si Angela. Haha! Tapos holding hands at bigla bigla na lang yayakap.

15 minutes na lang at kailangan na namin pumasok sa school. Pumasok muna ako sa room ko para magpalit ng shirt. Since friday ay pwedeng magjeans at shirt lang ang mga teachers.

Nagulat ako kasi bigla na lang yumakap si Nath mula sa likod ko. Natanggal ko na yung shirt ko at nakabra lang kaya ako buti hindi na ako magpapalit ng jeans. Kaya ito yung face ko oh O_O. Shock eh.

"N-Nagulat naman ak-ko sayo. T-Teka bibihis ako." Nauutal pa ako. Kasi naman! Her cheek was rested on my bare back and it gives shivers to every nerve I have.

"Payakap lang." Sabi niya.

After mga 20 seconds siguro yun pero feeling ko 20 years na ay bumitaw na siya sa akin.

"Sexy." Sabi pa niya.

At syempre ang inyong lingkod ay todo blush! Enebe kese!

She walked towards me and gave me a nerve wrecking kiss. Grabe! Hindi ko maimagine na ganito kapusok si Nath. Pero natutuwa ako kasi alam kong sa akin lang siya magiging ganito.

"Hoy kayo dyan! Mamaya na yan malelate tayo!" Sigaw ni Angela sa labas ng room.

Nagkatawanan naman kami ni Nath.

"Ang ingay mo talaga best." Sabi ni Nath paglabas namin.

"Kainitan ng araw kasi anong ginagawa ninyo." Natatawa niyang sabi.

"Wala. Nagbihis lang kaya ako." Sabi ko naman.

"Naku Miss Erin! Wag mo nga akong lokohin. Style mo bulok! Alam ko na yan hindi ako pinanganak kahapon!" Sabi niya pa at tumawa ng malakas.

"Aba't itong batang ito!" Sabi ko.

"Yaan mo na babe. Alam mo naman na hindi buo ang araw niyan kapag hindi tayo ininis eh." Awat naman si Nath sa akin.

Nagkatawanan na lang kaming tatlo. At pumasok na.

_____________________________

Sa wakas natapos na rin ang pagtuturo. Dumaan muna ako sa principals office para magpaalam. Wala kasi si principal sa monday pagbalik ko para kuhanin ang mga gamit ko. Saglit lang kaming nagpaalam sa isat isa.

Makikita ko na si Nath ulit. At gaya ng sabi nila at dumaan ako sa room ng section nila. Nandoon ang buong class.

"Mam!" Sigaw nung isang student.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Where stories live. Discover now