*Chapter 10

27.1K 346 10
                                    

*Chapter 10

Nang makabalik na ako sa present ay dali-dali akong nagpunta sa sakayan ng bus papuntang Manila.

Candy crush, minion rush, at zombie tsunami ay nakarating na rin ako sa harap ng building ng TalkANet.

Binati ako ni manong guard, pinagsign sa log sheet, nabigyan ng company pass at na-inspect na ang loob ng bag ko. Pumasok na rin ako sa loob ng office.

Shemay parang nahihilo pa ako ah. Dahil ata sa pagsakay ko sa elevator eh. Asar kasi nasa 8th floor pa yung office.

Diretso muna ako sa wash room. Pulbos pulbos din kasi sa face. Oilyness is next to ugliness alam niyo yan.

1:45pm. Ayan malapit na yung appointment ko. Umupo muna ako sa lobby yun kasi ang sabi ng receptionist.

I was checking my facebook ng mapatingin ako sa entrance ng floor. And there she is. Nakablue na checked polo and brown slocks. She looked so beautiful sa suot niya. Parang she was in a spot light pa nga sa paningin ko.

Then we were called for the orientation. Ayun naman. Siya pala yung magoorient sa amin. Kapag sinuswerte nga naman.

So kahit na bored ako sa mga sinasabi nila si Nath lang yung tinititigan ko.

Nang magbigay sila ng break sa orientation nagstay lang ako sa kinauupuan ko. Wala pa naman akong close kaya nagonline na lang ako.

"Ahem..."

Napatingala ako at tinignan kung kanino galing yung boses. And to my surprise si Anne!

Dinedma ko lang siya.

"Dito ka rin pala magtatrabaho babe! At magkawave pa tayo. Galing naman!"

"Lakas ng boses mo. And don't call me babe." Nilakasan ko talaga yung pagkakasabi na wag niya akong tatawaging babe. Paano ba naman kasi napansin ko si Nath na napatingin sa kinauupuan ko.

"Aw babe. You can't easily brush me off." sabay dikit sa akin.

Asar naman itong babaeng ito. Of all places pa dito ko pa makikita ito.

"Leave me alone or I will make you." bulong ko sa kanya.

"Like I've said, hindi mo ako madaling maiiwasan. I'll make you fall for me too." full of confidence na sabi niya.

Okay naman sana itong si Anne. Mabait siya at maganda pa nakakainis lang super clingy siya. Kaya lang I think I found my girl na. At si Nath yun.

"Ahh basta. Dito ako sa tabi mo. Sabay tayo umuwi later ha."

"Suit yourself." at hindi ko na siya pinansin talaga. Nakakainis kasi. Panay pa naman ang tingin ni Nath sa amin.

After few more hours natapos na rin yung orientation. Nagmamadali akong umalis kasi tatakasan ko si Anne. Pero may radar yata itong babaeng ito kasi naman palabas pa lang ako naunahan na niya ako sa entrance nung room.

"I'm ready babe. Tara uwi na tayo."

"Tsk. May sarili ka namang paa para makauwi." Naiinis kong salita.

"Eh paano kung may mangyari sa akin sa daan. Sa ganda kong ito baka may mga rapist pa dyan. You know I am only yours babe."

Napaisip naman ako bigla. Konsyensya ko pa kapag may nangyari nga sa dito. Almost 12 na at malayo pa ang uuwian namin. Grrr..

"I guess I don't have any choice. Konsyensya pa kita."

"Yehey!"

"Tsk... Parang bata. Tara na!"

Kumapit pa nga siya sa kamay ko. Pilit ko namang tinanggal ang kamay niya sa braso ko pero pinaglihi ata ito sa linta ang hirap alisin sa pagkakadikit. At umalis na kame sa building.

--Nath--

Not knowing na kanina pa ako nakamasid kay Gen at Anne. Nung nakita ko si Gen kanina bago ang orientation parang nagbalik ako sa kabataan ko. Ganun na ganun ang itsura ni Gen na nakilala ko noon kapag seryoso.

Yung medyo nakakunot pa yung kilay at kinakagat kagat yung inner side ng cheecks niya. Sobrang cute niya kasi napapa-pout siya kapag ginagawa niya yun.

Hay...pero bakit naiinis ako dun sa lumapit na babae sa kanya. Epal lang eh based sa narinig ko wala naman sila relationship. Makakapit sa braso niya parang mawawala si Gen. Grrr...

Gusto ko pa naman lapitan si Gen. Pero paano ko naman magagawa yun? Wala naman reason para lapitan ko siya. Hmmm...

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Where stories live. Discover now