*Chapter 15

24.8K 290 14
                                    

*Chapter 15

Nath's POV

Niyaya ako ni Alice na pumunta sa night out ng class niya. Well gusto ko ngang sumama. Kasi nandun si Erin.

Sa nakaraang mga linggo naging close kami. Nagsimula yun nung yayain niya akong maglunch. Sobrang gentlewoman niya. Daig pa nga niya si Dave eh.

I love it when she blush. Alam ko dahil yun sa pagtawag ko sa kanya ng Erin. Napansin ko yun nung una ko siyang tawagin sa pangalan na yun.

Ang cute niya. Ang sweet pa. Hay... Nalilito na nga ako sa nararamdaman ko. Hindi buo yung araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Lalo nang kulang ang araw ko kapag hindi ko siya nakikitang nagba-blush.

Pupunta naman talaga ako sa night out nila. Bigla lang sumulpot si Dave sa office kanina kaya sinama ko na.

Nakita ko kung gaano kasaya yung face ni Erin nung nakita niyang dumating ako. Ang cute talaga niya. Nakakakilig din kung paano niya ako tignan. Yung feeling mo sobrang ganda mo. Ayun yun eh. Haha.

Kaya lang nung makita niya si Dave nagiba agad yung itchura niya. Yung itsura ng boyfriend/girlfriend mo kapag nagseselos. Ganun na ganun yung face niya.

I felt so awkward pa nung ipangalandakan ni Alice na boyfriend ko si Dave. The whole time kay Erin ako nakatingin. I saw that she was hurt. Daig pa ang nalugi dahil sa 10 billion scam. Tapos patakbong lumabas sa room. Sumunod naman si Anne sa kanya.

Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Almost an hour na pero hindi pa bumabalik si Erin. Si Anne kanina pa dito.

Pasimple akong lumapit kay Anne.

"Ahm..."

"Ano?"

"Si Erin?" pabulong kong sabi.

"Nasa labas. Sa may bartender."

"Thanks."

"Wala yun. She's hurt."

"I know."

Nagpaalam ako kay Dave na pupunta sa washroom. Sasama pa sana siya pero sabi ko na maiwan na siya.

Naglakad ako papunta sa may bartender. I saw her na nakatalikod at umiinom.

"Erin."

"Hmmm.."

"Erin."

"Yes?"

"Lika na sa loob."

"I'm fine here."

Shemay.. Ang bango ng hininga niya kahit nakainom. Nilapit kasi niya yung mukha niya sa akin para hindi kami magsigawan para marinig namin ang isat isa.

"Let's go na."

"Leave me here and go back to him."

"Selos. Lika na." hinatak ko siya.

Nakita kong naparami na yung inom niya pero kaya pa rin naman niyang maglakad.

"Wait. I need to pee." at tinanggal niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

Dumiretso siya sa washroom. Hinintay ko siya sa labas nung cubicle.

Paglabas niya naghilamos siya to freshen up. Hinawakan ko yung kamay niya. Tinignan lang niya yun at tinabig yung kamay ko.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Where stories live. Discover now