*Chapter 17

25.4K 266 2
                                    

*Chapter 17

Nath's POV

Sa buong araw ng sunday si Erin lang ang nasa isip ko. Kung anong gagawin ko sa aming dalawa.

I know wala naman kaming commitment. Pero maganda pa rin yung clear di ba? Para naman walang umasa sa amin.

Hays... Hindi ko naman makausap si Alice tungkol dito dahil alam ko naman ang sasabihin nun. Na si Dave ang piliin ko. Well I guess I am just looking for a reason para ipamukha sa akin na si Erin ang pipiliin ko. But the thing is I am still confuse. Kung ang nararamdaman ko ba ay dahil si Erin ay kaugali at kamukha ni "Erin" from the past o dahil si Erin ay si Erin ngayon na nasa present.

Magulo ba? Ako rin naguguluhan na talaga eh. Hay!

-Monday morning-

Naglalakad ako papuntang office. Balita ko night shift na sila Erin kaya malabong makita ko siya. One month din kasi ako sa morning shift at next month pa ako magpapalit ng schedule.

"Nath, problemado itsura mo." sabi bigla ni Alice.

"Kakagulat ka naman sis. Wala ito. Stress lang."

"Wow. Si Miss Workaholic stressed daw."

"Haha. Tao lang naman ako uso din ang mapagod noh." sagot ko naman.

"Lokohin mo lelang mo."

"Oo nga." palusot ko.

"Dahil sa trainee ko yan noh?" pangungulit niya.

"Sinong trainee?" pataymalisya naman ako kahit alam ko na sino tinutukoy niya.

"Sino pa ba? Erin Genesis? Does it ring any bell?"

"Haha. Siya agad ang reason."

"Oo naman sister. Talk to me."

"Ahm... Maybe some other time. Gotta go. Bye sis." at pumasok na ako sa office ko.

Hay... Pati ibang tao nakakaramdam na hindi ako okay. Erase! Erase! Erase!

I need to focus. Mas paglalaanan ko na ng pansin itong work ko. Baka sakaling mawala siya sa isip ko.

Erin's POV

Night shift na at sasabak na kami sa gera. Hehe.

Sabay nga kaming pumasok ni Anne. Well actually mga 4 hours pa lang naman kame magtetake ng calls eh. Kaya hindi pa masyadong gera ang haharapin namin.

"Kinakabahan ako babe." bulong ni Anne.

"Aisus. Ikaw pa. Keri natin ito." pagpapalakas ko sa loob niya kahit na pati ako kinakabahan pa rin.

"Basta tabi tayo babe."

"Sure."

Ayun na nga. First two hours ng pagtatake namin ng calls. Yung unang customer ko lahat na yata ng naimbentong mura nasabi sa akin. Pero sabi nga diba it's nothing personal. Kaya pasok sa isang tenga labas sa kabila. Hihi.. Kung didibdibin ko yun sayang naman ang work at tatanda ako agad. Sayang beauty ko. Haha!

Maganda palang diversion itong work ko. Hindi ko naisip kahit isang minuto si Nath. Well ngayon lang ulit. May bigla ba naman kasing sumigaw na Nath sa hallway. Akala ko nga si Nathalie Belle eh. Iba pala.

Kinabahan pa naman ako. Alam mo yung may something ka sa isang tao tapos ginagawa mo ang best mo to forget pero may biglang magpapaalala. Ayun yung naramdaman ko kaya itong puso ko parang na-electric shock at ang bilis ng tibok.

"Oh babe hindi si Nath mo yun." sabi bigla ni Anne.

"I know."

"Alam mo pala lumingon ka pa para tignan kung sino yung tinatawag. Hehe. Denial ka babe."

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Where stories live. Discover now