*Chapter 3

39.7K 475 13
                                    

*Chapter 3

Kinabukasan...

"Good morning anak." sabi ng papa ko.

"Morning pa, good morning tita."

"Anak tawagin mong mama si Beth. Asawa ko yan at anak na ang turing nya sayo."

Nabadtrip ako sa sinabi ng papa ko,

"Pa, isa lang ang mama ko at hindi siya yun." sabi ko.

Nag walk out ako ng hindi pa kumakain. Umakyat ako sa kwarto at kinuha yung bag ko kagabi. Nasa kusina naman sila kaya tahimik akong naglakad sa sala palabas. Balak ko bumalik dun sa napuntahan ko kagabi. Pumunta ako sa garahe at kinuha yung motor. Tinulak ko ulit hanggang sa daan. At pinaandar. Pumunta ako sa daan na pinasukan ko kagabi na nawala ako. Pinasok ko agad yung motor ko at gaya ng dati parang ang layo ng lugar. Drive lang ako ng drive hanggang sa umabot ako sa phonebooth. Wow! Totoo nga yata at hindi ako nananaginip kagabi. Nag isip muna ako ng date na pupuntahan ko.

Ahhmmm. Ah! I wanna see mom! Ano kaya ang itsura ko nung pinapanganak nya ako? Kinuha ko yung phone nag hulog ng piso.

"Welcome! For english press 1, para sa tagalog pindutin ang 2, para iti ilocano pindutem ti 3, para keng kapampangan pindutan me ing 4." Pinindot ko ang 2 Tapos nagsalita na naman ang automated lady.

"Salamat sa pagtawag! Ito ay isang kakaibang telepono. Kung nais mong mapunta sa past press 1 kung nais mo sa future press 2. Para bumalik sa main menu, press O."

Pinindot ko ang 1.

"Para pumunta sa eksaktong lugar at date pindutin ang area code at and taon na gusto mong balikan. At para sa eksaktong oras ng pupuntahan, i-set ang relo mo sa nais na oras."

Sinet ko ang oras ng relo ko sa 2:00 am. Mas maaga ng 30 minutes ang oras ko mahirap na kasi baka hindi ko makita agad yung bahay namin at lumabas na ako sa mundong ibabaw bago ko pa makita, Ano ba to!? Uto uto naman ako. Hindi naman nakakahiya itry kasi wala naman nakakakita! Haha. Dinaial ko ang area code.

046-431-1989

At same ng nangyare hinigop na naman ako ng handset.

After that almost like roller coaster sensation ay napunta ako sa same na lugar na napuntahan ko. Yes! Im so excited. Same sign board "huwag babaguhin ang nakatadhana, ang nakatadhana ay nakatadhana" Hay nako..takbo ako agad sa pinakadulo. Siguro kaya 12 itong mga kantong ito dahil ito ang month, pasok ako sa 12th na kanto. Pag labas ko sa kanto 31 doors naman ngayon ang meron magkakasunod. Ah now I'm getting how this works. Ito siguro ang mga date. Tumakbo ako agad sa 11th door. Pagpasok ko lumabas ako sa same place. Sa telephone booth at ang telephone booth ngayon mukhang kagagawa lang. Makintab pa at mukhang bago. Nilabas ko ulit ang flashlight ng cellphone ko at pumunta sa main road. This time yung daan hindi simentado. Naglakad ako at hinanap ang lugar na kinakatayuan ng bahay namin. Nakilala ko yung ibang bahay dahil yun pa rin ang itsura nila sa present. Puro christmas lights na rin ang ibang bahay because it's almost christmas na. At yung bahay ni Mrs. Sungit Salazar ay same pa rin ang itsura sa present. May nataas na bakod na kala mo eh ayaw talagang ipasilip ang loob ng bahay nila. At dahil kapit-bahay namin siya ay for sure yung tabing bahay na maliit ang bahay namin. I remembered this was exactly how it looked noong bata pa ako. Pinatay ko yung ilaw ng cp ko baka pagkamalan pa akong magnanakaw nito. Sino ba naman kasi ang taong nasa tamang katinuan na sisilip sa bahay ng may bahay in 2:30am!? Sabagay ako matino ang pag-iisip pero gagawin ko yun. I don't care what they say. Napakaimportante kaya ng mission ko dito. Yes, parang mission impossible ito at kailangan kong makita ang most precious memory kung kelan pinanganak ako ni mama. Ayun nga at sumilip ako sa bintana na medyo bukas. Nakita ko yung isang lalake na nakikita ko dati sa picture. Kitang kita ko yung itsura niya. Younger version iyon ni papa. Parang naupuan niya ang isang basket na siling labuyo ah. Hindi siya mapakali at panay ang lakad tapos he's sweating like a river. Si mama siguro yung nakahiga sa kama kasama ng isang nakauniform na parang mid wife. At ito na nga si mama. Hindi ako makapaniwala na ipapanganak niya na ako ngayon. Si papa ko naman wow ang pogi nya pala nung bata bata pa siya. Kaso parang tanga na lakad ng lakad. Haha.

Narinig ko yung midwife. "Sige iri pa."

Napatingin ako kay mama, nakita ko ang sakit na naramdaman niya base on her facial expresion. I can't explain the pain I saw in her eyes.

Naiiyak siya. Umiiri siya. At ako na parang timang, napapairi din ako pag umiiri siya. Naiinis ako sa sarili ko ng konte. Ang hirap ko naman kasi lumabas pinapahirapan ko si mama. Lakas ng kapit ko sa matres nya ah. Ano ba baby gen! Bitiw ka na.

Ma, isa pa kaya mo yan! sabi ko sa isip ko. Narinig ata ako ng mama ko. At huminga siya ng malalim at umiri ng napakahaba.

"Malapit na." sabi ng midwife.

"Sige pa."

Tapos lumabas na ako sa wakas. Nakahinga ako ng malalim. Kinuha ako ng midwife at pinalo sa pwet! Nu ba yan. Delicate pa ang skin ko pinalo na ako. Ayan umiyak tuloy ako. Parusa ko ba yun dahil pinahirapan ko si mama? Nakita ko si papa napaluha siya sa tuwa. This is the second time that I saw him cry. Yung una nung nawala si mama. Kahit na nandun ako sa time na naiyak si papa siyempre I am too young to know na umiyak siya.

Pinunasan ng midwife ang dugo sa katawan ko at binalot ako ng lampin. Binigay niya ako sa papa ko. Baby girl sabi niya. Nakangiti si papa. Hindi lang basta ngiti yung nakita ko sa face niya. I saw how happy he was at kung gaano kaproud ang mukha niya dahil may baby na siya. What I liked the most ay yung paraan ng paghawak niya sa akin. Kahit nakikita ko lang it seemed to warm and well protected.

"Irene, mahal eto na ang anak natin."

Si mama ko napaluha sa tuwa kahit mahina pinilit nya bumangon para tignan ako. Wala na yung pain na nakita ko sa mukha niya kanina. Napakaamo na ng mukha niya. At kahit may mga butil ng pawis pa sa noo niya at magulo ang buhok makikita pa rin kung gaano siya kaganda. Tapos yung smile niya nakakahawa dahil mararamdaman mong from the heart yung sayang nafe-feel niya. Naluha ako ng makita ko ang saya nila ng una nila akong nakita. Nakakatouch.

"Mahal, gusto ko ang anak natin ipangalan natin sa name mo at saakin. Siya na si Erin Genesis. Erik at Irene. Kaya Erin. Genesis dahil siya ang beginning of our happiness."

Tumingin siya kay mama at tulog na pala sa pagod si mama kaya tinabi niya muna ang baby na ako kay mama.

Naiyak ako sa nakita ko talaga. Dahil sa tuwa. Hindi ko manlang naapreciate yung first name ko. Pinag isipan pala ni papa yun. Mula ngayon. Yun na ang gagamitin ko. Nakangiti ako umalis. Bumalik ako sa telephone booth. At hinigop ako pabalik sa lumang telephone both. I guess nandito na ako. It works!! Sinampal ko ang sarili ko. Aray! Yes ramdam ko. Totoo ang nakita ko. Nakita ko nga si mama. Hindi panaginip. Totoo ang time machine!

Nagmadali akong umuwi sa bahay at pag dating ko lagot. Hindi pa pumasok sa work si papa. Nakatayo sa may pinto. At mukhang galit. Sinalubong ko siya ng hug at kiss.

"Sorry pa. Sorry tita."

Hindi ko yun usual na ginagawa. Kadalasan akong dumederetso sa room.

"Pa, promise magpapakabait na ako." sabi ko. Nagulat si papa ko.

"Bakit anak? Muntik ka bang mabangga? Second life mo na ba 'to?" sagot ng papa ko.

"Second life agad? Di ba pwedeng narealize ko lang?" Tumawa ang papa ko.

"O sige na nga. Promise yan ha?"

"Opo." sabi ko.

"Dahil dyan hindi ako papasok sa work. Pupunta tayo sa paborito mong KFC!"

"Talaga pa? Halos hindi ko na maalala ang huling kain natin dun ng kasama ka eh."

"Totoo nga anak. Kung ayaw mo kami nalang." biro ng tatay ko.

"Uy wag naman pa. Ako nalang pengeng pera." ganti ko,nagtawanan kame at pumunta na sa kfc.

I suddenly had a change of heart dahil sa nakita ko kanina. Seeing how happy my dad was nung pinanganak ako. Yung paraan ng pagtingin niya sa akin na punong puno ng love. He deserve a good daughter. And I know my mom will be happier kung ang only daughter niya ay mabait at sumusunod sa papa niya kaya yun ang gagawin ko.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon