*Chapter 14

24.4K 279 6
                                    

*Chapter 14

Erin's POV (Aka Gen)

Dahil nasa bahay si Anne ay hindi na ako nakapunta kay mama. Sa susunod na linggo na lang.

Nagkwentuhan lang kami ni Anne. Masarap naman palang kasama ito eh. Makulit at palagi akong napapatawa sa mga biro niya. Madali nga siyang mahalin eh. Kaya lang nga hindi talaga siya ang hinahanap nitong puso ko. Hihi.

Nagpunta ako sa kusina at naiwan ko yung phone ko sa sala.

Pagbalik ko nakangisi naman si Anne.

"O bakit parang baliw ka jan?"

"Oy ikaw stalker ka na ha. Itong wallpaper mo!"

"Akin na nga yan! Nakikialam ka ng gamit." kunwari galit ako. Nakakahiya kasi. Hehe

"Lakas ng tama mo kay Nath noh? Sabagay aaminin ko na reyna siya ng mga dyosa. Tol akin na lang siya. Haha"

"Lumayas ka na nga dito sa amin kung aasarin mo rin lang ako!"

"Eto hindi na mabiro talaga. Hehe."

"Asar ka."

"Gusto mo ilakad pa kita sa kanya."

"Talaga?" excited ako bigla. Hehe

"Malamang hindi! Hindi naman kami close noh. Hahahaha!"

"Tawa ka pa. Sana pasukan ng langaw yang bibig mo. Tsk!"

"Sakit ng tyan ko sa reaction mo babe. Parang may thousand stars bigla yung mata mo. Eeeppiic!"

"Grrr...! Umuwi ka na sa inyo!"

"Hahaha... Joke lang babe. Last na hindi na kita aasarin"

"Siguraduhin mo. Kakaladkarin kita pauwi sa inyo."

"Opo ma'am! Hehe.."

Nagkwentuhan pa kami ni Anne. Loko loko din si Anne eh. Palagi akong tinutukso tungkol kay Nath. Ako naman si ewan tuwang tuwa. Haha..

--after a month--

Sa wakas tapos na yung training namin. May graduation daw. Parang college lang eh. So isa-isa kaming tinatawag at binigay yung mga certificate of completion.

Hindi naman maalis yung ngiti ko kasi nandun nanaman si Nath. Si Anne nga palagi ang siko sa akin.

"Babe para kang timang. Malusaw naman si Nath sayo."

"Ganda kasi niya. Hindi ko mapigilan."

"Haha. Eto naman. Mas maganda ako sa kanya sa malayo ka pa nakatingin."

"Aisus.. Itong best friend ko nagseselos. Maganda ka rin. Mas maganda lang siya. Haha"

Nagpout naman si Anne. Hinayaan ko na lang. Iniwan ako sa kinauupuan ko at tumabi siya kay Yvonne. Sabi na nga ba may something sa dalawang yun. Nakaholding hands pa kasi.

Yep, nakaget over na rin si Anne sa akin. Ngayon best friends na kami kahit babe pa rin ang tawag niya sa akin.

"Erin Genesis Reyes."

Yun oh ako na ang tinawag. Lumapit ako sa trainer ko at nakangiting inabot ung certificate. Nagpapicture pa kami kasama si Nath. Haha!

Pagkatapos ng ceremony nagkayayaan ang group namin na uminom sa bar. Since sweldo naman sumama kaming lahat.

Nasa reception desk ako at hinihintay si Anne dahil nasa washroom pa siya. Sakto namang dumaan si Nath.

"Hey Belle."

"Oh hey."

"Sama ka naman."

"I don't know. May gagawin pa kasi ako."

"Loosen up a little bit. Puro ka work."

"I wish. Haha. Pero baka humabol ako."

"Talaga?"

"Yep. Niyayaya din ako ni Alice eh."

Si Alice pala yung trainer ko.

"Sige. Wait kita."

"O sige na aalis na kayo."

"Bye!"

Pagdating naman ni Anne.

"Alam ko yang ngiti mong yan Gen!"

"Haha! Ano nanaman?"

"Nakausap mo si Nath noh?"

"Haha.."

"Sabi na nga ba eh. Lika na nga. Party party na muna tayo!"

Hinila na niya ako paalis.

Nang makarating kami sa bar ang ingay, mausok, at ang daming tao. Palibhasa friday night eh.

"Ayun sa VIP room daw tayo!" sigaw ni Anne. Sobrang lakas kasi ng tugtog.

"Tara na!"

Ang daming alak na inorder nila. Syempre pati pulutan. Nagtext muna ako kila papa. Magwoworry kasi yun.

1AM na pero wala pa rin si Nath. Kakasad lang kasi sabi niya susunod siya.

"Wag ka na sad babe. Ayun yung hinihintay mo oh."

Parang nagliwanag naman nung paligid. Si Nath nga! Nagsmile na ako.

"Hey Belle!" sigaw ko.

"Erin! Sabi sayo susunod ako."

"Buti naman."

At pumasok na siya sa VIP room. Doon ko napansin na may kasama siya. Napakunot yung noo ko. Sino kaya ang mukhang linta na yun?

"Alice!"

"Nath! O kasama mo pala si Dave."

"Miss ka na daw nitong makasamang lumabas eh."

"Everyone!"

"Everyone!"

Dahil sa maingay at puro kantahan ang mga kasama ko inagaw ni Alice yun mic.

"Everyone!" ayun nakuha na niya yung attention ng lahat.

"Meet Dave. Ang papable boyfriend nitong si Nath!"

"Hi DAVE!" sigaw naman ng lahat except me and Anne.

"Babe."

"Anne."

Nagkatinginan lang kame. Parang dinurog ng paulit ulit yung puso ko. May boyfriend na pala siya. Hindi ako makahinga..

"Huy... Breath!"

"Anne." yun lang ulet yung nasabi ko. Hindi ko maramdaman ang sarili ko. Parang huminto na ang lahat. Sobrang dilim. Wala akong makita. Wala akong marinig. Sabay takbo palabas ng room. Hindi ko kaya.


Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Where stories live. Discover now