*Chapter 18

24.4K 265 9
                                    

*Chapter 18

Erin's POV

Ahaha! Parang baliw ako na nagda-drive pauwi sa bahay. Tawa kasi ako ng tawa. May naisip na kasi ako para mapalapit kay Nath.

-The next day-

Bumili ako ng bouquet sa flowershop. Napag-alaman ko kasi na stargazer lilies daw ang gusto ni Nath kaya papadala ko sa kanya. Hehe.

"Paki-deliver na lang sa address na ito." binigay ko sa saleslady yung address at kung anong oras dapat ipadala. I also put a note.

"You are like stars in the sky. I will never get tired gazing at you. E.G."

Ayan. Initial ko lang. Para iwas intriga na rin sa office.

Nath's POV

-Sa Office-

"Miss Nath you have a to recieve a package at the reception area." sabi ng guard sa akin.

"Okay." sumunod na ako sa reception desk.

Paglapit ko ay isang bouquet na puro stargazers. Naman! My favorite flowers! I sign the recieving papers at dali-dali kong tinignan ang note.

"You are like stars in the sky. I will never get tired of gazing at you.

E.G."

Nagsummer sault naman itong puso ko. E.G. Alam kong si Erin yun. Nakakakilig naman kasi talaga eh. Nung una nga akala ko si Dave eh.

"Wow Nath! Ganda naman niyan. Galing kay Dave?" sabi bigla ni Alice.

"Bigla-bigla ka naman sumusulpot sis. Nakakagulat ka." sabi kong nakangiti.

"Kanino nga yan galing?" pangungulit niya.

"Secret! Haha!"

"Parang alam ko na kung kanino yan galing ah." sabi niya sabay hablot sa note.

"Alice naman!"

"Hehe." tawa lang ang sinagot niya sa akin.

From this O___O to ^_^

Ayan yung facial expression niya after mabasa yung message.

"Wow! Haba ng hair mo sister! Kilig much!"

"Heh!" nakangiti pa rin ako.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko! YOU ARE IN LOVE!"

"Hinaan mo naman yang boses mo. Wala tayo sa palengke." suway ko sa kanya.

"Eh hindi ko mapigilan eh. Kung ayaw mo siya sister akin na lang. Ang sweet!"

"Akin ka dyan!" aba't asa pa itong friend ko na ibibigay ko si Erin ko sa kanya.

"Damot sister."

"Magtrabaho ka na nga. Haha."

"Sige na nga. Asar ito. Pero kakakilig talaga. :)"

^_^ ngumiti lang ako.

Hay... Pero napaisip pa rin ako. Paano na. I am in a relationship pero possesive pa rin ako pag dating kay Erin. Hay.

I will just enjoy what is in front of me. Bahala na si batman.

Sa loob ng ilang linggo palagi akong nakakatanggap ng mga regalo kay Erin. Siyempre palaging masaya ang puso ko. Naalala ko tuloy nung nainterview ko siya. Tinotoo niya yung sinabi niya she will make me smile sa araw-araw.

Busy ako na binabasa yung profile ng isang applicant ng lumapit si Erin sa akin.

Kilala naman na siya ng mga staff dito kaya okay lang na pumasok siya sa office. Ang alam kasi nila malapit na kaibigan ko siya.

"Ahem.."

Napalundag yung puso ko. Kasi naman nakakamiss siya. Kahit puro gifts siya hindi ko siya nakikita.

She was wearing a yellow dress at nakasneakers. Ang cute! Nakakita na ako ng nakadress while wearing sneakers pero si Erin na yung pinakacute. Tapos curly pa yung buhok niya at may konting blush on.

Nakakapagduda tuloy kung bisexual nga itong si Erinsa pagdadamit niya.

O__O ayan pa mukha ko oh. Hehe

"Yes?"

"Ahm.. Care for lunch?"

"Sure. Pero tatapusin ko itong last na applicant."

"Okay. I'll wait sa labas." at ngumiti pa sa akin.

Makalaglag panty naman itong smile ni Erin. Yung dimples niya na sobrang crush ko.

"No dito ka na lang." pigil ko sa kanya.

"Pwede ba?"

"Oo naman! Upo ka muna dyan. Bakakasimayumagawsayo."

"Ha? Ano yung huli mong sinabi?" tanong niya. Halos kainin ko na kasi yung huli kong sinabi. Kakahiya naman kapag sinabi ko talaga yun sa kanya.

"Wala. Wait tawagin ko na yung applicant."

After kong mainterview yung applicant we went to a resto.

Sabi na nga ba maraming mapapalingon kay Erin. Sarap tusukin ng mga mata nila! Grr...

"Dami mong fans." sabi ko ng makaupo kami sa loob ng resto.

"Ha? Ikaw kaya yung tinitignan nila."

"Sus. Ikaw kaya."

"Yaan mo sila. Ako naman sayo lang nakatingin eh." sabi niya at nagsmile nanaman.

Naramdaman kong nagblush ako. Yung parang teenager na pinansin ng crush niya. Ganoon yung feeling eh. Haha.

"It makes me happy kapag napapa-blush kita." sabi niya.

"Haha. Ikaw talaga. Order na nga tayo."

Kumain na kami. Actualy hindi ako nakakain masyado. Siya lang ang tinitigan ko. Ang cute talaga.

"Hindi ka naman masyadong nakakain." sabi niya.

"Okay na ako. Makita ka lang busog na ako." seryoso kong salita.

Nagblush naman siya. Ayiiih! Ang cute talaga!

"Haha. I love it naman kapag nagba-blush ka. Tara na have to go back."

"Okay. Tara na."

Naglakad na kami pabalik sa office. Hay ang saya lang eh. Sobrang kilig lang. :)

Erin's POV

Dinalaw ko si Nath sa office. Nakakamiss na kasi siya. Nung pagpasok ko sa interview room at nakita niya ako nastarstruck ang lola ninyo. Haha!

But I have to say. Mas maganda naman siya. Light blue knee dress at nakafish tale braids. Tapos light make up lang. Kakatulo laway nga. I had to check kung may laway nga ako. Hihi.

Nakakainis yung mga lalaking tumitingin sa kanya. Parang gusto na siyang lamunin ng buo eh. Grr... Umaandar nanaman yung pagiging possesive ko pero hinayaan ko na lang. Ako naman yung kasama niya.

After namin naglunch umuwi na ako. Off ko kasi. Kailangan ko lang na makita siya.

Ta-ta for now!

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Where stories live. Discover now