*Chapter 48

19K 222 12
                                    

*Chapter 48

Erin's POV

"Wooohooo!" Sigaw ko. Ansaya kasi eh.

Talon talon pa na parang may  trampoline.

"Huy may natutulog dito!" Sabi ni Anne.

"Ay sorry. Masaya lang eh." Sabi ko naman.

"Asar ka. May 1 hour pa akong pwede matulog bago tayo pumasok eh." Sabi niya.

"Saree best friend. Happy lang ako." Sabi ko tapos hinila siya para bumangon tapos niyakap ko.

"Anyare ba?" Tanong niya.

"Wala na si syokoy! Haha! Bumalik na sa dagat kung saan siya nababagay. Hahaha!" Sabi ko.

"Sinong syokoy naman yan. Ansaya mo lang ha." Sabi niya.

"Sino pa edi si Dave! Break na sila!" Sabi ko.

"Best hindi ako bingi. Makasigaw ka ha." Sabi niya.

"Sorry ulit. ^_^" Sabi ko.

"Oh ikaw na ang masaya ang love life. At dahil ginising mo ako at masaya ka libre mo ko mamaya." Sabi naman niya.

Aba! Inuutakan ako nito. Pero okay lang. Masaya nga ako di ba?

"Sure! Kahit saan pa yan. Saya diba? Solo ko na si Nath. Wala ng syokoy!" Sabi ko pa rin. Hindi ko maalis yung excitement at saya sa boses ko eh.

"Happy for you Erin." Sabi niyang seryoso.

"Thank's Anne." Sabi ko.

Hay! Salamat wala ng asungot sa love story namin ni babe Nath.

Masayang pumasok ako sa work. Good vibes eh. Kaya kahit na sobrang irate ng mga customers na kausap ko smile pa din. Walang makakasira ng mood ko. Haha!

One week na nakalipas na masaya ako. Grabe. Mas lalo kaming naging sweet ni Nath sa isa't isa. Palagi kaming sabay kumakain, tapos text sa isa't isa or calls. Ngitian kapag nagkikita pero alam kong may kilig factor ang bawat simple gestures namin. Hindi nga lang masyadong vulgar sa office. Syempre iwas issue eh.

Niyaya pala ako ni Nath sa kanila sa off ko. Honestly, hindi ko yun inaasahan. Natatakot ako sa mangyayari. Nakita nila ako before. Ano kaya ang magiging reaction nila? Galit din ba sila sa akin? Sasabihin ba nilang layuan ko si Nath? Kahit na masaya ako sa progress ng love story namin ni Nath hindi ko maalis yung takot na nasa loob ko. Pero alam ko naman na wala lng kangyayari sa akin kung mabubuhay ako sa takot. Kailangan ko itong harapin dahil alam ko sa huli ng laban nandun si Nath na naghihintay sa akin.

----------------------------------------

(Dinner with Nath's family)

Kung nung mga nakaraang araw kinakabahan at natatakot ako. Ngayon parang any moment mag-ku-colapse ako. Halo-halong emotion kasi ang nararamdaman ko. I'm scared to death na baka paghiwalayin nila kami.

I just wore a casual blue dress and 2 inch heeled sandals. I put a little make up and let my hair fall. Hay. Paganda din kasi kapag may chance.

Breath in...

Breath out...

Breath in...

Breath out..

Parang sa bawat milisecond kasi ganun na lang ang pagtaas ng blood pressure ko sa kaba. I called Nath na malapit na ako sa meeting place.

Sinundo na ako ni Nath sa meeting place namin para sabay na kami pagpunta sa kanila. Syempre alam na alam ko yung address niya pero siya hindi naman alam yun diba.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Kde žijí příběhy. Začni objevovat