*Chapter 46

18K 220 9
                                    

*Chapter 46

Nath's POV

That was indeed the best date ever. I did not expect that it will be like this. Yung sobrang saya ko. At ramdam kong special ako sa bawat bagay na ginagawa niya para sa akin.

Ang sarap sa feeling yung alam kong may tao na handang magbigay ng extra effort para lang sumaya ako. At yung little things na ginagawa niya para ipakita na mahal niya ako. Pero katulad ng sabi ko sa kanya. Not yet. Ayoko pa na habang siya ginagawa ang lahat para ipakitang mahal ako, ako naman hati pa rin ang isip at puso. Alam niyo naman readers kung nakakino pa ang puso ko di ba?

Hindi ako makatulog. Sino ba naman ang makakatulog nito? I know I am falling for her, it's just the anxiety is still with me. What if kapag sobrang mahal ko na siya bigla na lang niya akong iwanan ulit?

Hay! Ano ba naman kasi itong puso ko.

"Nath? Sleep ka na. You have to rest." Sabi bigla ni Erin.

"Hmmm.. Hindi pa kasi ako inaantok." Sabi ko.

"Ahh.. What if we play a game. Baka pagkatapos nun antukin ka na?" Sabi niya.

"Sure. Anong game ba?" Sabi ko naman.

"Logic game lang. 3 questions lang pero dapat correct lahat ha." Sagot niya.

"Ahh. Okay. Anong rules?" Tanong ko.

"I'll do whatever you want if you win. Then vise versa. Okay ba yun?" Sabi niya.

Urgh! Nakita ko na ito eh! Nangyari na ito. Pero syempre ibang tao naman. At magaling na ako sa ganitong mga laro.

"Okay! Let my victory begin." Sabi ko.

"Yabang nito. Tignan natin ang galing mo." Sabi niya.

"Magaling talaga ako." Sabi ko tapos tinawanan ko siya.

"Okay. Unang tanong, paano ipasok ang giraffe sa ref?" Tanong niya.

Urgh! Sabi ko na kaso nakita ko na ito. It was 7 years ago! Ganito rin yun eh! Erase! Iba na ito. Hindi dapat icomparesa nangyari na. Iba si Erin.

Kunwari nagisip ako. Kunot noo effect pa nga para kunwari nahihirapan akong sumagot. Si Erin nakangiti na akala yata niya eh mananalo siya sa akin. Haha!

"Ang sagot ay..." binitin ko pa siya. Nakakatuwa kasi yung anticipation na nakikita ko sa face niya.

"Ano? Tagal mong sumagot. Hindi mo naman yata alam. Paano ka naging head ng recruitement kung yun lang hindi mo alam?" Pangaasar niya.

"Akala mo ha? Madali lang yun! Dapat buksan mo yung pinto ng ref ilagay sa loob yung giraffe at isara yung pinto. Oha! Kala mo ha!" Sabi ko na pinipigilang matawa ng malakas baka kasi magising yung kasama namin. Lalo na yung itsura niya nakakatawa talaga. Parang batang inagawan ng candy eh.

"Okay. Isa pa lang naman yun. I'll make sure yung next hindi mo masasagot." Sabi niya.

"Bring it on." Sabi ko naman. I know ako mananalo. ^_^

"So may isang plane na babagsak dahil sa lahat ng appliances sa buong mundo nasa loob at isa lang ang dapat mong ihulog para hindi magcrash yun. Ano ang ihuhulog mo?" Tanong niya with a playful smirk on her face.

"Malamang yung ref. Ipasok mo ba naman yung giraffe sa loob eh edi mabigat." Sagot ko naman with a grin.

From this :D to O_O ang facial expression niya. Nakakatuwa talaga. Haha! She expected me to give a wrong answer.

"Okay. Last sigurado na talaga ako hindi mo na ito masasagot. May nagde-date sa Rizal park. Tapos bigla silang namatay. Bakit sila namatay?" Sabi niya.

Uy... seryoso na siya. Haha! Cute eh. Pero in fairness hindi ko alam yun ah. Isip isip...
Alam ko may connection yun sa mga tanong niya. Kaya ang magiging sagot ko related sa naunang answers ko.

"Sa tingin ko kailangan mo ng magprepare para sa ipapagawa ko sayo. Dahil for sure ako ang panalo." Sabi ko sa kanya with full confidence.

"Sagot mo muna bago ka magyabang dyan." Sabi niya.

"Kasi nahulugan sila ng ref." Sagot ko with a smug on my face.

"Sabi ko nga panalo ka eh. Bakit ba kasi hindi ko na lang tinanong kung anong gusto mong gawin ko di ba? Mas madali pa yun. So ano na?" Sabi niya looking at her hands.

"Awww... Ang cute ng bata oh. Talo kasi. Okay let me think about my prize. Hmmm?" Sabi ko while I held her hand.

Nakatingin siya sa akin as if studying a microorganism with scutiny. Iniisip siguro kung anong ipapagawa ko. I looked at her face. Her thick lashes. Those deep brown eyes. That perfect nose. And those pink, full and luscious lips.

"Kiss me." Sabi ko. And before ko pa marealize kung anong nasabi ko ayun na. Wala ng bawian nasabi ko na eh..

Shock was written all over her face. Kung nagulat ako sa nasabi ko mas ang epekto nun sa kanya.

"Ahh... Ehhh... Ano kasi... Sigurado ka?" Sabi niya.

Since wala ng atrasan ito sinabi ko ng yun ang ipapagawa ko sa kanya. She rubbed her hands rapidly then wiped her sweats. Ang lamig naman kasi may airconditioner sa room pero pinapawisan. She even smelled her breath that made me giggled. Alam ko naman how her breath smells. A delicious mixture of something sweet and minty.

Umusog siya sa tabi ko. Then she checked at Anne making sure she was asleep.

"Ahem.. Ahm... Ano... Ahhh... Ngayon na ba?" Sabi niya. I can see in her face na kinakabahan siya.

"Ay mga next year na Erin. Okay lang maghintay tayo. Natural ngayon na." Sabi ko. Kunwari relaxed lang ako pero ang puso ko parang hinahabol ng sampung toro sa bilis ng tibok.

"Sabi ko nga." Sagot niya then she moved closer.

Closer...

Closer...

Writer naman! Bakit slow motion ang kilos namin! Ang bagal! Wanna kiss her na eh! Tsk!

(Aba itong character ko demanding. ^_^)

Closer...

I can smell her breath. Her lips are so close as if I can taste them already. Gabuhok na lang yung pagitan naming dalawa. Feeling ko nga konting tulak na lang ng hangin maglalapat na ang mga labi namin.

There you go. Konti na lang! Konting konti na lang talaga. Asar kasi si writer slow motion pa kami.

Ayan na!

Ayan na...!

Aaaayyyyaaaannnn nnnnaaaaa!!!!

Tapos biglang bumangon si Anne. Napatingin sa aming dalawa. Yung antok ata niya nawala nung nakita kung gaano na kalapit ang face ko kay Erin kasi ganito kalaki yung mata niya O_O... Nakakahiya! Bigla tuloy kami naghiwalay ni Erin.

Asar! Ayan kasi may slow motion pang nalalaman si writer. Grrr!

"Ano... Sorry! Sa cr na ako matutulog! Tama! Dun na lang ako." Sabi niya at dali-daling pumasok sa cr ng room ni Erin.

Nagkatawanan naman kami ni Erin ng malakas. Alam niyo yung sobrang ayun na eh! Mahahalikan ko na siya pero epic fail pa! Nakakatawa at the same time disappointing. Pero alam ko namang walang kasalanan si Anne dun. Kaya ako na mismo yung kumatok sa pinto ng cr para lumabas na siya.

"Hey Anne! Labas na diyan. Lika na!" Sabi ko.

"Sorry talaga. Minsan kasi sabihan niyo ako. Para alam ko kung kelan ako gigising ha?" Sabi niya.

Natawa naman ako. Tapos bigla siyang nagtago sa likod ko na parang 5 years old.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kasi yung oh! Kakainin ako ng buhay!" Sabi niya sabay turo kay Erin.

Natawa ako ulit. Ang lola niyo kasi mukhang badtrip. Pagkakataon na kasi eh.

"Wag mong pansinin yan. Ako bahala. Tulog na ulit." Sabi ko.

Nahiga na ulit kami. Yumakap na lang ako kay Erin. Tapos yumakap din siya sa akin.. Hay... Kahit walang kiss happy na ako sa ganito. Hindi ko namalayan ay nakatulog na kami.

End of chapter

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Where stories live. Discover now