*Chapter 11

27.8K 319 8
                                    

*Chapter 11

Anne's POV

Si Anne nga pala ako. Dati kafling ko lang dati si Gen. Nakakatuwa kasi siya. Ang cute niya talaga pero ubod ng sungit naman.

Nagulat nga ako nung nakita ko siya kanina. Kawork ko pa siya eh. Happy na rin ako kahit napipilitan ako sa work ko.

Nagsimula akong mainlove sa kanya nung nakita ko kung gaano siya kasweet at gentlewoman. Yung tipong kapag may bf ka eh ipaghihila ka ng upuan sa resto, siya yung tatayo sa bus para makaupo ka, papaunahin kang sumakay sa sasakyan at marami pang iba.

Kaya lang hanggang sa friendship lang daw maooffer niya. Ouch naman sa puso ko diba? Pero alam ko talaga wala pa siyang girlfriend kaya panay pa rin ang pangungulit ko sa kanya.



Napansin ko talaga kung paano tignan ni Gen si Nath kanina.

Habang naglalakad kame sa footbridge tinanong ko siya.

"Babe kilala mo si Nath?"

"Hindi."

"Sunget! Kilala mo eh. Yung tingin mo sa kanya iba. Parang may stardust yang mata mo. Tapos parang nalagyan ng tape yang lips mo panay ang smile sa kanya."

"Ingay!"

"Kilala mo eh."

"Hmp! Ingay sabi."

"Siguro siya gf mo. Kaya ka siguro nakapasok dun dahil sa kanya."

Ang sama ng tingin niya sa akin. Oh-ow... Trouble. Napasobra yung sinabi ko. Alam ko naman nakapasok siya dahil kaya niya.

"HINDI SIYA ANG GIRLFRIEND KO DAHIL WALA AKONG GIRLFRIEND!"

"Sorry." nakakatakot na siya. Sobrang napikon siya sa sinabi ko.

Hindi na niya ako pinansin. Sasakay na sana siya ng bus pero hinila ko siya.

"Sorry na talaga."

Naging soft naman na yung facial expression niya. Nakahinga ako ng maluwag.

"Okay."

Alam niyo yung feeling na mahal na mahal mo yung isang tao pero ang layo ng tingin niya. Alam naman niya yung motive mo pero sa halip na sa iyo tumingin sa malayo pa.

It hurts kaya. Ganun na ganun nararamdaman ko kay Gen. Dati naman wala akong feelings for her. Fling lang. Happy na nga ako nung nakikipagflirt pa siya sa akin. But I just felt it.

Yung kinikilig ako kapag nasa malapit ko lang siya. Kahit nga sulyap lang sa akin parang pakiramdam ko nahuhulog na yung panty ko. Ganoon ako kainlove sa kanya.

Kaya nga kailangan ko talagang malaman kung sino o kung meron nga ba siyang girlfriend. Baka sakaling mawala na itong kabaliwan ko sa kanya.

I tried my luck again sa pagtatanong sa kanya.

"Babe naman, may girlfriend ka na ba talaga? Bakit wala naman ako nababalitaan sa mga barkada?"

"Tsk! Ang kulit lang eh. Iwan kita." sabi niya at akmang sasakay na sa bus ulit.

"Ano kasi?"

"Alright, wala akong girlfriend. Happy? Please shut your mouth. Nakakapagod ka lalo."

"Okay." sabay kapit ko sa arm niya. Sa wakas! Wala naman pala. Haha.. So pwede pa kami. I'll make her fall hard for me.

Sumakay na kami ng bus. Ayun standing at nagpakagentlewoman nanaman siya at ako yung pinaupo niya.

"Babe ikaw na lang upo kandong ako sayo." pacute kong sabi.

Tinignan lang ako ng masama ng lola niyo. Sungit talaga eh. Haha. Pero kahit na ganun sobrang cute pa rin niya sa paningin ko. Nababaliw na nga ako.

"Dalawa pong Coastal." sabi niya sa kundoktor.

"Pamasahe mo?"

"Ai akala ko libre mo."

"Swerte mo naman."

"Hihi.. Eto na oh."

Ilang kembot pa nasa Coastal na kami.

Pila...

Pila...

Pila...

"Sa wakas nakasakay din. Ang lamig babe."

Nakita naman niyang nilalamig ako talaga. Ang lakas kasi ng ulan tapos ang lamig pa sa bus dahil sa AC.

Binigay naman niya yung jacket na suot niya. Sh!t lang! Ang bango.. Bakit ganun eh ang pawis niya kanina?

"Para kang timang dyan."

"Hehe.." ang bango kasi talaga at kanina ko pa inaamoy yung jacket niya.

"Oh mga 1:30 am pa po makakaalis itong bus. Kailangan pa pong punuin eh." sigaw nung driver.

Wow! Ano bang swerte ang dumapo sa akin? Aside sa kawork ko na si Gen ayun stranded pa kami for the next hour. Haha.

Nakita ko namang iritable nanaman si Gen. Kilala ko itong babaeng ito. Ayaw niya naghihintay.

Nakita ko siyang pumikit. After few minutes malalim na yung paghinga niya. Nakatulog na pala. Mukha ngang pagod. So inayos ko yung ulo niya at sinandal sa balikat ko. Magkatabi kasi kami. Sa may bandang window. Hindi naman niya inalis yung ulo niya. Nakatulog na talaga. :)

So after 2 hours nakarating na rin sa Cavite City. Tipapik ko yung braso niya.

"Hindi mo ako ginising. Nandito na pala tayo."

"Okay lang yun babe. Ayos ka na malapit na tayong bumaba oh."

"Nga pala yung pamasahe ko oh." sabay abot nung pera niya.

"Kiss mo na lang ako." nakangisi kong sagot.

"Asa. Kahit doublehin mo na lang pamasahe ko."

"Ito naman. Dati gustong gusto mo na hinahalikan kita."

At ayun tumingin siya sa akin kulang na lang balatan niya ako.

"Haha. Sige wag na. Libre mo na lang ako sa tricycle. O kaya mas maganda pa rin yung kiss."

"Tsk. Para po!"

"Haha! Cute mo babe."

Nakababa na kami sa bus. Pinauna niya akong sumakay sa trike. Kahit na masungit hindi pa rin nawawala yung pagkagentlewoman nito.

Nakarating na kami sa bahay. Mga 3 kanto pa kasi ang layo ng bahay nila Gen eh.

Bumaba muna siya para makalabas ako ng trike. At syempre sinamantala ko yung kagkakataon. I kissed her on her lips. Mabilis lang. Baka kasi ipasalvage na ako nitong si Gen. Haha. Sabay takbo papuntang gate ng bahay namin.

Nakita ko namang naiinis nanaman siya. Hinintay kong mawala sa paningin ko yung trike bago ako pumasok sa bahay.

Parang ayokong basain itong lips ko ah. Haha. I can somehow still feel her lips to mine. Yiiihhh... Kilig much! Naisahan ko siya. Grabe. Nakatulog na siya sa bus ang bango pa rin ng breath niya.

Naligo na ako at humilata sa kama.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ