*Chapter 4

33.8K 419 6
                                    

chapter 4

Nakakatuwa talaga dahil feeling ko hawak ko ang oras. Ang masakit lang hindi ko na kayang baguhin ang fate. Hindi ko maliligtas si mama ko sa tragedy. Bakit nga ba kasi hindi pwede? hmmmm isip isip.. Ah naisip siguro ng time machine na isa akong mapakealam na tao. Haha. Baka imbis na si Rizal ang nasa piso baka ako na. Pwede ko kasi icopy sa internet ang ginawa niya at ako na ang magpublish. Di ako na ang magiging national hero! Haha. Baka nga naman kasi masira ang history pag ganun. Nakakalungkot lang talaga na hindi ko mapigilan ang nakatakda. Pero it's okay. Masaya ako dahil binigyan ako ng chance makilala ang mama ko. Tanggap ko naman na ang nangyari. I'm really thankful enough dahil nagkaroon ng wirdong time machine.

Nagbihis na ako pumunta sa phone booth. Sinet ko ng time na 7am at ang year ay 1992 years old ako noon. Pumasok ako sa kahit anong month at day. Nagtago ako ulit sa may window at sumilip. Umiiyak ako noon dahil feeling ko nagugutom ako. Si mama ko halos maiyak na din dahil pag tingin niya sa lalagyan ko ng milk isang kutsara nalang. Hindi enough yun para sa isang bote ng dede ko. Naawa ako kay mama.

"Anak, hintayin natin si papa ha? Nasa trabaho pa. Mamaya bibilan ka nya ng milk. Eto nalang. Subuan kita ng kanin."

Nahabag talaga ako sa nakita ko kaya ang ginawa ko tumakbo ako pauwi sa present time. Binuksan ko ang cabinet ko at hinanap yung pera kong naatago. May isang libo pa naman pala ako. Tumakbo ako sa store bumili ako ng 1 can of milk at vitamins. Syempre ang payat ko kaya. Para tumaba ako.

Bumalik ako agad sa time na yun at naglakas ng loob kumatok.

"Tao po? Ah pinadala po ako ng barangay para ibigay ito."

"Eh bakit ganyan ang suot mo?"

Ay oo nga pala. Yung suot ko pala nakalimutan ko.

"Ah costume po." Magtataka talaga siya dahil suot ko ang super skinny jeans ko.

Hindi na siya nagtanong. Yung tingin nya sa akin parang kilala nya na ako dahil magaan na ang loob nya saakin. Parang napaluha siya dahil sa ibinigay ko.

"Salamat ha. Taga saan ka ba? "

"Sa malapit lang po."

Hindi na siya nagtanong pa kahit na mukha akong wirdo siguro sa paningin niya. Parang ramdam ko na tiwala agad siya saakin eh.

Pinapasok niya ako sa maliit naming bahay at kahit wala na silang food nagtanong siya saakin kung ano daw ang gusto ko.

"Ah wala po." sabi ko.

"Ilang taon ka na ba?"

"23 po. "

"Haha. Ate kamo nalang. 26 palang ako. Salamat dito ah. Makakatulong ito ng malaki saamin. Ano kasi pangalan mo?"

"Ahm Gen po."

"Po na naman. haha. Ano ito bakit ang bearbrand dito iba ang itsura? Parang pinaganda."

Natawa ako.

"Ah. galing po US yan. Haha. Huwag kayo mag alala pagkain talaga yang mga yan." sabi ko.

"Itong cerelac na ito nasabi na ni Erik ito sa akin. Ibibili nga daw niya si Erin pag-uwi niya sa linggo. Ang alam ko ay mahal ito buti naman at may libreng galing sa barangay."

"Oo nga eh. Masarap nga ito. Tikman mo pa." sabay lapit sa kanya ng ginawa kong cerelac para kay baby Erin.

Natuwa siya saakin.

"Sige nga."

Sinawsaw nya yung kamay niya sa mangkok at dumikit yung food. Tapos sinubo nya.

Natuwa siya.

"Oo nga no. Ang sarap nga nito. Pang mayaman na pagkain. "

Tinignan niya si baby Erin. Natawa siya.

"Oh bakit baby Erin? Gusto mo itong pagkain na bigay ni ate Gen?"

At nagsmile yung baby. Ang cute ko talaga nung bata ako. Sinubuan niya yung baby at nagustuhan naman talaga ni baby Erin ang food. Natuwa ako sa nakita ko dahil tuwang tuwa si mama sa binigay ko. Ang saya ko dahil nakakabonding ko si mama. Bigla siya nagsalita.

"Gen, kamag anak ba kita? Bakit magaan ang loob ko sayo? Hindi ko maipaliwanag. Parang kilala na kita noon pa. Hindi ko din alam kung bakit kamukha kita. At bakit ang bilis mo nakuha ang tiwala ko?"

Nabigla ako sa tanong ni mama. Nahalata niya pala. "Ah ewan ko din po eh."

Ibinaling ko ang usapan sa ibang tanong.

"Ah si papa po? Ah i mean si papa po ni Erin? "

Nakita ko sa mukha niya na parang napakarami niyang tanong pero sinagot nya ako.

"Ayon. Nasa trabaho. Nagtatrabaho siya sa isang convinience store sa Maynila. Minsan lang siya umuwi kasi malayo. "

"Ganon ang sipag pala po ni pa..papa ni Erin. Hehe "

Tumawa siya.

Ayoko pa sana umalis pero pansin ko marami pang trabaho si mama.

"Ah sige po. Alis na ako. Mukhang madami pa kayo trabaho eh. "

"Irene nalang itawag mo ikaw talaga masyado kang magalang. Oh sige. Ingat ka. Salamat pala sa binigay mo ha?"

"Ah sige Irene. Salamat sa pagwelcome. Pwede ba kita maging kaibigan? Pwede ba ako dumalaw dito?"

"Nako oo naman. Kahit araw araw pa. "

Nag smile ako at umalis na. Balik sa telepono at paglabas ko umuwi na ako saamin. Sobrang saya ng nararamdaman ko dahil nakasama ko si mama. Pag uwi ko humiga lang ako iniisip ang mga nangyare. Maghapon lang ako nagstay sa bahay.

Napakaweird din kasi dati ayoko talagang magstay sa bahay. I would rather go sa place ng mga kaibigan ko. Pero ngayon ay eto at nasa bahay lang ako.

"Erin nandiyan ka pala. Lika at magmeryenda muna tayo."

Lumabas naman ako ng room ko at sinaluhan si tita sa pagkain niya. Nagkwento lang siya sa akun samantalang tahimik lang ako.

"Ahm... Tita may sasabihin po sana ako."

"Ano yun?" nakangiti niyang tanong.

"Kasi po yung pagtawag ko sa inyo ng tita. Sana po wag sumama yung loob ninyo. Kasi po ano..." hindi ko mapaliwanav sa kanya ang gusto kong sabihin.

"Naiintindihan kita Erin. Tanggap ko na wala talagang makakapalit sa mama mo sa pagiging ina niya sayo. At handa akong maghintay kung kelan mo ako matatawag na mama."

"Salamat po tita. Tinuturing ko naman po kayong pangalawang mama ko. Just give me time po at darating din tayo sa panahon na matatawag ko na kayong mama." sagot ko na nakangiti.

Tinuloy na namin ang pagkain.

Masarap pala sa pakiramdam yung okay kayo ng mga kasama mo sa bahay.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon