His Personal Slave - 32.

Magsimula sa umpisa
                                    

OH NOOOOOOOOOOOOOO. I KNOW THAT LOOK. TT_TT

“D-DJ... Joke lang naman!”

“Walang joke-joke...” ayan na siya...

“TAKBO! HAHABULIN KA NA NI PIGNEY! HUWAAAAAAA!” sabi ko habang tumatakbo ako ng mabilis. Huwaaaaaaa!

Hindi niya ako mahahabol... hindi niya ako mahahabol... hindi--

“HUWAAAAAA-- HIHIHI! TAMA NA DJ-- HIHIHI!” kinikiliti na naman kasi ako sabay hinahalikan yung leeg ko. Huwaaaaaa!

“DJ NAMAN! TAMA NA-- WAHIHIHIHI!” hindi na ako makapagsalita... hahahaha! Nakikiliti ako wahihihihi!

Maya-maya tumigil na siya na, nakasmirk pa ang loko! Hiningal ako dun ha.

“Nakakaasar ka!”

Hinawakan niya lang yung kamay ko. “Sabi sayo eh, masamang mag-joke...” sabay wink sakin.

“Sira...” napatingin ako sa mga schoolmates namin, nakatingin na naman samin. Nakakahiya. (_ _)

“DJ... uwi na tayo?”

“Sige... hatid na kita.” nagsimula na kaming lumakad palabas ng gate. Hindi pala siya nagkokotse minsan kasi mas maganda daw na maglakad kami pag hinahatid niya ako. Para mas matagal daw kaming magkasama. Ang sweet niya talaga.

“Wag mo na nga pansinin yung ibang tao, basta masaya tayo.” aish paano niya nabasa naiisip ko?

“Sira... oo na. Kasi naman eh, bakit ba kasi ang boyfriend ko, kasing-gwapo mo pa?”

“Kath... hindi ko kasalanan kung habulin ako ng mga babae...” sabay lip-bite na naman... sira-ulo!

“Parang biglang lumakas yung hangin dito...”

“Nagsasabi lang ako ng totoo.” yabang talaga.

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon