"Sorry Mr. Lao, ha, masyado akong maraming tinanong tapos personal pa, anyway salamat sa interview na to.."

"Magpapasalamat ka lang, hinampas mo pa ako, alam mo namang hindi kalakihan ang katawan ko.. " nangingiting sabi ni Nykieh, sa lakas kasi ng hampas ni Yasmin, ay para bang close na sila. Nakita rin niya ang pagkabigla ng dalaga at agad na tumigil sa paghalakhak, na hindi niya maintindihan kung bakit ba tumawa. Wala namang nakakatawa sa sagot niya.

"Ay sorry Mr. Lao, ang daldal ko po kasi.. kung ano-ano na ang tinatanong ko.. "

"Yon naman talaga ang trabaho mo di ba? Alamin ang lahat tungkol sa akin, so itatanong mo talaga ang kahit na ano, hindi ba? "

Nabigla na naman si Yasmin sa tinuran ni Nykieh. "Oo nga no? Ay, tanga-tanga mo talaga Yas!"

" Ah, haha oo nga, pasensya na Mr. Lao, nastarstruck kasi ako sayo..! " iyon naman talaga ang totoo, nawawala siya sa focus dahil sa gwapong mukha nito. Nawawala tuloy siya sa sarili. Ngumiti lang si Nykieh kay Yasmin. Naaamaze siya sa mukha nito kapag nageexplain. At napakahonest,kung ano ang nararamdaman nito ay iyon din ang lumalabas sa bibig niya.

"Nykieh..! Just call me Nykieh, tama na ang Mr. Lao, masyadong pormal. Isa pa Ms. Lao ako.. 😁" sabay lahad ng kamay kay Yasmin.

"Ok, Nykieh.. " pag-uulit ng dalaga, tinanggap niya ang kamay ni Nykieh at nagtawanan pa sila.

Nagpatuloy ang kwentuhan nila pero labas na sa trabaho ang pinaguusapan. Sa sandaling oras lang na nakaupo sila sa mesang iyon ay para bang naging kampante na sila sa isat-isa. Mabilis na nagkapalagayang loob at para bang matagal na silang magkakilala. Tahimik lang si Nykieh pero lumalabas ang pagkadaldal niya dahil sa kausap na si Yasmin. Panay ang tawanan nila. Nasa ganoon silang ayos nang tumunog ang phone ni Yasmin. Kapwa sila natigilan ni Nykieh at napatingin sa nagriring na cellphone.

"heto ako basang basa sa ulan! walang masisilungan walang malalapitan.. "

Agad na kinansela ni Yasmin ang tawag na nakita niyang nagflash sa screen ang pangalan ni Volvo. Sabay humarap kay Nykieh.

"Sorry.. ----" hindi na naman naituloy ang sasabihin ni Yasmin nang magring ulit ang phone niya. At agad muli ay kinansela niya ito.

"I think palitan mo na yang ringtone mo, agaw-pansin eh!" natatawang sabi ni Nykieh. Magsasalita pa sana si Yasmin nang magring ulit ang phone niya sa pangatlong pagkakataon.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon