Hindi ko na namalayan kung anong oras na. Kanina pa ako umiiyak. Pero kahit anong pagod ang nararamdaman ko ay hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko. Dahil sa tuwing gagawin ko yun nakikita ko si Nath. Nakikita ko na nasasaktan siya sa pagkawala ko. Nakikita ko ang bawat patak ng luha niya.

--Kinabukasan--

10 am na pero hindi pa rin ako lumalabas ng room. Alam ko pumasok na si papa sa work niya. Tapos may kumatok sa pinto.

"Erin anak?" Si tita Beth pala.

"Pasok po." Sabi ko tapos umupo ako mula sa pagkakahiga.

"Anak alam ko hindi ka okay. Gusto ko lang malaman mo na nandito ako. Kahit ano pa yan sabihin mo lang at makikinig ako." Sabi niya habang hawak yung kamay ko.

Hindi ko na napigilan yung iyak ko. Kahit na wala akong ginawa sa buong magdamag kundi umiyak ay wala pa ring tigil ang pagtulo ng mga luha ko.

Niyakap ko na siya at pinagpatuloy ang iyak.

"Ilabas mo lahat ng sakit. Nandito lang ako. Kung ayaw mong sabihin ayos lang. Alam kong hindi ka pa ready." Sabi niya habang hinahagod ang likod ko.

"K-kkasi po mama ang sa-sakit sakit. Hi-hindi ko po kk-kaya." Sabi ko n umiiyak pa rin. Hindi ko alam pero bigla ko na lang naramdaman na gustong gusto ko ng tawaging mama si tita Beth.

"Kaya mo yan anak. Nandito kami ng papa mo. Ng mga kaibigan mo. Kung ano man yang nararamdaman mo nandito kami na pwedeng sumalo sa bigat niyan." Sabi pa rin niya.

"Mama mm-mahal nnna m-mmahal ko ppo siya. Aayyokko po siyang iwanan." Sabi ko ulit.

"Is there a way na pwede mo siyang makita? Sa tingin mo ba may magagawa ka para hindi na kayo mahirapan? Kung mahal mo siya hindi mo dapat inuubos ang lakas at oras mo sa pagiyak. Ituon mo ang pansin mo kung paano kayo magkakalapit para hindi na kayo magkahiwalay." Sabi niya na yakap pa rin ako.

Kahit na umiiyak ako pinagisipan ko ang sinabi niya. Tama siya! Nandito rin si Nath sa present. Kaya ko nga siya pinuntahan dahil gusto ko siyang makilala at mapalapit sa akin para ngayong present time ay iparealize sa kanya na bata pa lang siya mahal na namin ang isat isa.

Lahat ng lungkot at sakit ay inilabas ko na sa pagiyak ko. Tapos pinunasan ko yung mata ko.

"Mama tignan mo yung letter at message niya sa akin." Sabi ko sabay abot sa kanya.

Binasa niya yung letter at ilang minuto rin siyang tahimik.

"Tignan mo nga at kung gaano ka niya kamahal. At nangako siya na maghihintay sayo. Yan ang panghawakan mo. Kaya tapusin mo na ang pagiyak ha?" Sabi niya.

Sinunod naman niyang pakinggan yung message sa giraffe.

"I bet maganda itong si Nath. Aba boses pa lang maganda na." Sabi ni mama Beth na nakangiti.

"Opo. Salamat mama Beth." Sabi ko.

"Salamat. Kasi nagopen ka sa akin at masaya ako dahil mama na ang tawag mo sa akin." Sabi niya na naluluha na.

Nagtawana na kami sa kadramahan namin. Tama si mama Beth. I will make sure to make Nath mine sa time na ito.

Tapos may narinig kami sa labas ng sumisigaw.

"Erin! Im here! Asan ka?!" Sabi ni Anne.

Itong babaeng ito wagas makasigaw parang kanya ang bahay namin. Dumiretso na siya sa room ko.

"Sorry late ka na sa iyakan. Okay na ako." Sabi ko.

"Asar ka naman. Dapat hinintay mo ako." Sabi niya na nakapout. God! Naaalala ko si Nath at naiiyak ako.

"Oh akala ko bang tapos na?" Sabi niya ng mapansin na naiiyak ako. Nagpaalam naman na si mama Beth na lalabas ng room ko at maghahanda ng food.

Kinuwento ko lahat kay Anne. Mula umpisa hanggang sa nangyari sa time ni mama Irene.

"Grabe Erin! Nakakakilig naman! Tara lusubin na natin si Nath para ipagpatuloy ninyo ang love story niyo!" Sigaw niya.

Grabe talaga itong babaeng ito. Pero tama siya. Bukas na bukas pupuntahan ko na si Nath sa office. Syempre beauty rest muna. Ayokong makita ako ng mahal ko na haggard.

Lumabas na kami ng room. Nagulat ako kasi nasa bahay na si papa eh ang aga pa. Sabi niya nagwoworry siya sa akin. Pero ngumiti lang kami.

"Mama Beth kain na nga tayo. Itong si papa baka paiyakin lang ako ulit." Sabi ko.

"Teka, tama ba ang narinig ko sa ginawag mo kay Beth?" Sabi niya na nagtataka.

Tinawanan lang namin siya kasi nangungulit sa mga nangyari.

"Mahal hayaan mo na si Erin. Wag mo na itanong baka umiyak pa yan." Sabi ni mama Beth.

Masaya kaming kumain at syempre kasama si Anne. Feeling kasi niya bahay na niya ang bahay namin.

Habang nagpapahinga ay may dumating na tao.

"Tao po! Sulat po para kay Erin Reyes!" Sigaw nung tao.

After I received the letter ay tinanong kung saan ang bahay nila Anne. Since nasa bahay siya ay kinuha na rin niya yung letter.

Wow! Swerte dahil pinapabalik na kami sa office. May bagong account na raw para sa amin. Signed by Nathalie Belle Cruz pa. Hays...

Nath just wait for me! Here I come! ^_^

End of chapter

Sabi ng writers:

Paano kaya ang diskarte ni Erin ngayong nasa present time na siya? Paano niya ipapaalala kay Nath ang pagmamahalan nila? At paano mawawala sa eksensa si Dave?

See you sa next chapter!

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Where stories live. Discover now