"Ano naman ang balak mong ipalit dyan? "

"Gusto ko ho sana yung Volvo!"

Natawa ng malakas si Adolfo sa tinuran ng anak na si Yasmin. Sabay ginulo ng bahagya ang buhok ng anak.

"Minsan talaga, anak palabiro ka no!? Ang mahal ng kotseng yon, mga isa't kalahating milyon ang presyo non! Wala akong ganoong kalaking pera!"

Napapikit si Yasmin, dati nga palang ahente ng mga sasakyan ang ama kaya malamang alam nito ang sasakyang tinutukoy niya. Napapailing nalang siya na sinipat ang sasakyan niyang sirang-sira na. At napansin naman ni Adolfo ang pagkalungkot ng mukha ni Yasmin.

" Siguro anak, Honda Civic nalang ang ipalit mo dyan! Mas mura pa yon, kaysa sa Volvo!"

Napabuntong-hininga si Yasmin, ok na sana ang Honda Civic kung siya ang gagamit. Kaso mukhang hindi naman nagmamaneho ng Honda Civic si Volvo. Hindi niya alam ang pangalan ng lalaki kaya iyon nalang ang naisip niyang ipangalan dito.

"Pangarap ko talagang makabili ng Volvo, Tay, eh!" sabi nalang niya samantalang noong hindi pa siya nakakabangga ay hindi niya alam na may ganoon palang brand ng sasakyan. Hindi naman kasi siya car enthusiast katulad ng kanyang ama.

" Kaso nga kasi wala tayong pera na ganoon kalaki anak,, saka isa pa medyo mahina ang kita natin ngayon sa bentahan ng gulay at prutas dahil nabubulok na ang iba dahil hindi na pinapayagan ang mga truck ngayon sa Maynila." malungkot na saad naman ni Adolfo. Para namang nalungkot si Yasmin sa narinig. May sariling problema ang ama tapos dumagdag pa siya.

May sarili silang lupain sa Baguio na taniman ng mga gulay at prutas.At sa tuwing anihan ay inaangkat naman ito sa Maynila at sa mga karatig na bansa. Doon sila kumukuha ng kabuhayan nila. May mga taong pinagkakatiwalaan ang ama roon na siyang nagaasikaso doon dahil hindi na kaya ng ama ang trabaho doon dahil na rin sa karamdaman nitong sakit sa puso hindi siya maaaring mapagod. Mabuti na lamang at ang mga tauhan ng ama doon ay tunay na mapagkakatiwalaan. Kahit nga hindi na siya magtrabaho ay ok lang. Kaso gusto niya talaga ang ginagawa niya sa Lifestyle Magazine kahit na para bang laging mainit ang ulo sa kanya ng Editor-in-chief nila. Lahat ng ito ay lingid sa kaalaman ng kanyang ama. Ayaw niyang mag-alala pa ito at malaman na medyo nahihirapan siya sa trabaho baka patigilin pa siya nito sa pagtatrabaho. Ayaw naman niya ng trabaho sa bukid kahit na totally hindi naman talaga siya ang gagawa. Magsusupervise lang at monitoring ang tanging ginagawa niya roon. Ayaw niya kasi ng pakiramdam na nabibilad sa araw. Hindi na siya nagsalita pa, at iniwan na ang ama na sinisipat pa rin ang sirang sasakyan.

Sa sala ay naabutan niya ang nakakabatang kapatid na si Jhema. Nakaharap na naman ito sa laptop niya at kinikilig habang nanonood ng video sa youtube. Para makuha ang atensyon ay isinara niya ang laptop dahilan para magulat ito at asik ang tinging ipinukol sa kanya.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now