Atleast, nakasama ulit kitang maligo sa ulan.. Sabi niya. Nakangiti siya at para bang may luhang bumalong sa mga mata niya. Hindi ako sigurado kasi basa na ng ulan ang mukha niya. Pero may himig ng lungkot ang tinig niya. Napahigpit ang hawak namin sa isat-isa. Hindi ko mawari kung ako ba ang humawak ng mahigpit o siya. Bigla naalala ko tuloy ang isa sa mga lyrics ng kantang nai-cover ko na ang I love the way you love me habang nakatitig ako sa kanya na eneenjoy ang ulan.

And how you convinced me to dance in the rain with everyones watching like we we're insane...

Natigilan ako nang bigla niya akong hilahin para magenjoy rin sa ulan. Napapasulyap ako sa paligid. Maraming tao ang nastranded sa ulan at pansamantalang nakisilong sa mga establisyementong naroon. Lahat sila ay nakuha namin ang atensyon,malamang iisipin nila para kaming mga batang nagtatampisaw sa ulan. Bakit ba? Eh sa masaya kami. Nakakahawa ang kasiyahan ni Yassi. Maya-maya lang ay nagpalakpakan ang mga nasa paligid.

Ansaya o! Naliligo sila sa ulan! Sabi ng isang estudyante. Kaya naman napa-oo din ang iba. At napangiti sila sa gawi namin. Nagkatinginan kami ni Yassi, sabay ngiti at nag-aper.

Nilalamig ka pa ba? Tanong ko kay Yassi sabay abot ng kape na binili ko sa vending machine na katabi ng laundry shop kung saan pansamantala kaming nagpatuyo ng damit. Sakto namang pinahiram kami ng roba na maisusuot habang nilabhan at tinutuyo ang mga damit namin.

Salamat.. tipid ang ngiti na sabi niya,sabay inabot ang kape sa kamay ko. Maganda si Yassi kahit wala siyang make-up. Lumingon siya sa labas ng glass wall ng laundry shop. Ako man ay napalingon din,sabay naming pinagmasdan ang malakas pa rin na buhos ng ulan.

Sa tingin mo? Ano ang hugis ng butil ng ulan. Pabilog o parihaba? Bigla ay tanong niya. Habang nakatingin pa rin sa labas sabay higop sa kapeng hawak niya. Napatingin din ako sa kanya at nakangiting sumagot sa tanong niya.

Pabilog.. simpleng sagot ko.

Tinapunan niya ako ng matamis na ngiti.

Salamat. sabi niya. Salamat sa sagot mo Kaye, at dito sa kape. Sabay taas ng konti sa cup na hawak niya.

Ang weid talaga. Minsan kailangan ko lang talaga intindihin ang pabago-bago na mood ni Yassi. Kasi kapag ok na siya ulit. Ok na ulit kami at masaya na ulit. Pagkatapos naming makapagpatuyo ng damit ay niyaya niya ako bumalik sa ospital pero hindi mismo doon sa ospital kundi sa waiting shed sa kabilang lane. Nagtataka man ako kung saan kami pupunta ay ni u-turn ko nalang ang kotse. Bumaba siya ng kotse at sumunod nalang din ako. Gamit ang jacket ko na siyang pinangtalukbong ko dahil malakas pa rin ang ulan at kakapatuyo lang namin ng damit. Lumapit siya sa isang matandang pulubi,at nagulat naman ako ng yakapin niya ito. Wari namang naramdaman ng matanda kung sino ang yumakap sa kanya.

Ikaw yon, yong kauna-unahang tao na niyakap ang abang katulad ko at nagtiyagang kausapin ako sa mga tanong na kahit na sino ay wala pang nakakasagot Bakit ka bumalik? Narinig kong tanong ng matanda kay Yassi. Napalingon naman sa akin si Yassi, at hinila ako palapit sa kanya. Hawak niya ang kamay ko. Bakas sa mukha niya ang saya.

Malakas po ulit ang ulan.. bumalik po ako para tuparin na po ang pangarap nyo, alam ko na po ang sagot sa tanong.. garalgal na ang boses na sabi ni Yassi. Nagtataka man ako kung ano yon pero parang nahahaplos ang puso ko sa nakikita ko. Walang arte na hinawakan ni Yassi ang maduming kamay ng matandang pulubi. Napangiti ang matanda. Nakatuon pa rin ang paningin nito sa kalsada.

Ano ang sagot? Sabi niya. Hingilap ni Yassi ang kamay ko, at ipinadaop niya sa palad ng pulubi. Wala akong naramdamang pandidiri bagkus ay naramdaman ko ang kapayapaan ng puso ng matanda habang magkahawak kamay kami.

Sino siya? Tanobg niya. Pero hindi pa rin siya sa gawi ko nakatingin. Iwinasiwas ko pa ang kaliwang kamay ko sa kanyang mga mata. Huli na para mapagtanto kong hindi pala siya nakakakita. Napangiti akong napatingin kay Yassi. At bahagya siyang tumango.

Kaibigan ko po siya, at ang sagot niya. Pabilog po. Pabilog po ang hugis ng butil ng ulan..sabi ni Yassi. Nakita kong bumagsak ang luha ng matanda at masuyong hinaplos ang mukha ni Yassi. Ako man ay napaupo na rin at hinawakan niya rin ang mukha ko.

Salamat sa inyo. Ngayon alam ko na. Hindi parihaba ang hugis ng butil ng ulan. Ngayon o Bukas pwede na akong mamatay.. salamat. Dahil may isasagot na ako sa anak ko  sa kabilang buhay.

Nagkatinginan kami ni Yassi. Sinabi ng matanda na nagkaroon siya ng anak na isa ring bulag katulad niya. Noong nabubuhay pa raw ito ang tanging laging tanong ay ano ang hugis ng butil ng ulan.Kaya naman ng mamatay ang bata ay iyon pa rin ang huling katanungan niya. Kaya pala naging kaisa-isang pangarap ng isang Ina na bulag din na malaman ang kasagutan sa pagtatanong sa mga taong nakakakita. At ngayon nga sinabi niya na pwede na siyang mamatay, dahil sigurado siyang magkikita sila ng kanyang anak sa kabilang buhay at sa pagkikita nilang muli ay maisasagot na niya sa bata ang hugis ng butil ng ulan. Nakakaiyak naman. Nakakainspire. Sa loob ng mahabang panahon ng buhay niya iyon lang ng tanging pangarap niya.

Humugot ng malalim na paghinga si Yassi nang makasakay ulit kami ng kotse. Tumigil na sa pagbuhos ang malakas na ulan. Napangiti si Yassi nang masilayan ang bahaghari. Tama nga ang sabi nila. Sa bawat pagbuhos ng ulan ay may susungaw na bahaghari.
Nagulat ako nang yakapin niya ako bigla. Napakasaya ng mukha niya.

Salamat Kaye.. sabi niya. Nagbabye siya sa matanda kahit hindi naman siya nito nakikita.

Pinaandar ko na ang kotse. At napaisip ulit ako tungkol sa pinagusapan namin kahapon. Tungkol sa kabilang buhay at sa reincarnation.Kapag ang tao namatay hindi ito basta-basta nawawala na parang bula. Lilipat ito marahil sa ibang bagay, lugar o Tao,iyon marahil ang reincarnation. At ang kabilang buhay, siguro kapag namatay tayo doon tayo pupunta, at maghihintay sa mga mahal natin sa buhay.Napatingin ako kay Yassi. Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti niya sa mga labi habang nakatingin sa labas ng bintana. Ngayon ko lang nalaman na napakahalaga sa kanya ng buhay. Bawat araw mahalaga. Ngayon siguro naintindihan ko na kung bakit bigla nalang siya nagalit kahapon. Maiksi lang ang buhay. Kaya dapat lang na pahalagahan ang bawat minuto at segundo nito.

============================

Salamat sa pagbabasa.

abangan ang mga susunod na chapter, magkakaroon tayo ng guest starring..
an open request from one of my readers.

bayo_toopsie

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Место, где живут истории. Откройте их для себя