His Personal Slave - 20.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Neil anak... oh! Andito na pala pinsan ni Yen... Daniel iho?!" tumayo si DJ nun at lumapit kay mommy saka yumakap.

"Hello po tita. Musta na po?" umupo na sila ulit parehas. Hays, plastic din 'tong si DJ! Ako iniignore niya... si mama, wow!

"Okay lang ako iho. Coincidence ha. Ikaw pala ang pinsan ni Yen."

"Ah... yes po. Di po ba halata?" sabay ngiti ni DJ.

"Hahaha! Ikaw talaga Daniel, magpinsan talaga kayo dahil pareho kayong may magagandang lahi!"

"Salamat mommy." sabi ni Ate Yen. Bakit parang feeling ko ako lang na-oop! -_-

"Uhm... tita? Matanong ko lang, si Kathryn... siya ba yung kasama namin sa outing?" tanong ni DJ. Ehhh?

"Wait lang Daniel, kilala mo little sister ko?"

"Neil anak, ano ka ba, siya yung study partner ni Kath!"

"Siya ba? Oh. Hey dude! Ayos na pala ang introductions since magkakakilala na naman tayong lahat." sabay ngiti ni kuya kay DJ.

"That's nice!" sabi pa ni Ate Yen... seriously, bakit ganun? Sila-sila lang yung nag-uusap. Daniel is really ignoring me... TT_TT

"Pero, where is she?"

"HAHAHAHA!" sabay na tawa ni mama at ni kuya. Don't tell me...

"Teka, bakit kayo tumatawa?" nakakunot na tanong ni Ate Yen... shit! Hindi talaga ako na-recognize ni DJ?!

"Kaharap mo siya iho! Hahaha!" tawang sagot ni mama. Tumingin naman sakin si DJ habang umiinom siya ng tubig. Maya-maya... nabuga niya yung iniinom niya. Tumingin siya sakin with wide eyes. 

"K-kathryn? *cough* i-ikaw na yan?! *cough*"

FACE PALM!

Kaya pala iniignore niya ako. Hindi niya din ako narecognize! "Oo ako nga. Hindi mo talaga ako nakilala?!"

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon