"No. Drei. I'm sorry. Ako dapat ang magsorry sayo." Ipinikit ni AJ ang mga mata nya. "I'm really really sorry". Mahinang ulit nya. At sa puntong yun ay may naglandas na luha sa kanang mata nya.

Huminga ng malalim si AJ bago nya iangat muli ang ulo nya. "Sana mapatawad mo ako."  Wika nya habang patuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata nya. May lungkot sa mga mata ni AJ.

"Wala kang kasalanan."
"Ako ang may kasalanan."
"Don't blame your self."

Pinahid ni Andrei ang luhang naglalandas sa pisngi ni AJ gamit ang kamay nyang nasa pisngi pa din nito.

Umiling-iling si AJ para sa pagtutol sa sinabi ni Andrei.

Habang patuloy ang luhang lumalabas sa mga mata ni AJ ay di nya pa din inaalis ang tingin nya sa mata ni Andrei. Nanlalabo na ang paningin nya dahil sa luhang patuloy na lumalabas sa mata nya.

"I love you and I'm sorry." Pabulong na sambit ni AJ. Dahan-dahan nyang ipinikit ang mata nya habang palapit ng palapit sya  sa mukha ni Andrei.

Ilang saglit lang ay naramdaman na ni Andrei ang labi ni AJ. Nakaramdam sya ng kuryente mula sa halik na yun.

Sa paghalik na yun ni AJ ay bumilis ang tibok ng puso ni Andrei. Damang-dama nya ang pag-ibig sa halik na yun. At dahil doon ay hinayaan nya ang oras na yun na maramdaman ang pag-ibig sa pagitan nila. Unti-unting ipinikit ni Andrei ang mata nya.

Gumalaw ang labi ni Andrei at tuluyang dinama ang labi ni AJ. Maging si AJ ay sumunod sa paggalaw ng labi ni Andrei.

Shit. I like you Joanna.

Wika ni Andrei ng mas idiniin nya ang labi nya dito. Pakiramdam ni Andrei ay sasabog ang puso nya dahil sa bilis ng tibok ng puso nya.

Naguguluhan man sya sa totoong nararamdaman nya para sa bestfriend nya pero di nya maipagkakaila sa sarili nya ang kakaibang pakiramdam sa tuwing magkalapit sila ng ganito.

"Ate!! Kuya!!!"

Nagkalas sila sa halik ng biglang kumatok si Jacob sa pinto. Malakas din ang boses nito.

Nagkatinginan sa isa't-isa si Andrei at AJ pero nagiwas din sila ng tingin ng maalala nila ang halik na pinagsaluhan nila. Nakaramdam sila ng matinding hiya.

"Ano?!"

Sigaw ni AJ habang tumatayo sa kanyang kama. Naglakad sya palapit sa pinto para buksan yun.

Pagkahawak ni AJ sa doorknob ay bigla syang napahawak sa ulo nya dahil nakaramdam sya ng hilo.

Agad namang tumalima si Andrei.  "Okay ka lang?" Tanong nya habang palapit dito

"Nahihil---"

"Joanna!!!"

Sigaw ni Andrei ng may pagaalala habang salo-salo si AJ. Nawalan ng malay ito.

"Ate?!"
"Anong nangyari!?"
"Kuya!!"

Nagpapanic na kumakatok si Jacob sa may pinto.

Binuhat naman ni Andrei si AJ at dinala sa kama para maihiga.

"Ate!!"

Muling sigaw ni Jacob. Nilingon ni Andrei ang pinto. Iniwan muna nya si AJ sa kama at mabilis na tinungo ang pinto.

"Ate!!"

Sigaw ni Jacob ng tuluyan ng mabuksan ni Andrei ang pinto. Tatakbong lumapit si Jacob sa kapatid na nasa kama.

"Kuya."
"Anong nangyari?"

Lingong tanong nito kay Andrei. Nagkibit balikat si Andrei dito. Naupo sya sa dulo ng kama at kinuha nya sa bulsa ang phone nya.

My Dream GayWhere stories live. Discover now