Subukan mo lang ulit, sige na.

Pamimilit ni Sheena.

Wala namang mawawala Ms. Yassi, subukan niyo lang po ulit. Gusto niyo samahan ko pa po kayo.!sabad naman ni Rita.

Napapailing ako. Bakit ba ang kulit nila. Napalunok nalang ako. At tumingin ulit sa dalawa.

Ok sige, basta ba tao yan ha!

Nakangiti ko ng sabi. Minsan siguro kailangan talaga lumandi ka paminsan-minsan, hehe. Mahabang panahon na ang ginugol ko sa pagburo sa sarili ko. Naging abala ako sa negosyo hanggang sa kasalukuyan kaya naman wala naman sigurong masama kung i want to break free.

Alright!! Tuwang-tuwang sabi ni Sheena. Iseset ko na kayo, tiyak matutuwa yon! Promise...

Lumayo na ito sa akin at naging busy na sa phone niya. Napapailing nalang ako sa kakulitan niya. Bumuntong hininga ako at itinuon ulit ang isip ko sa ginagawa.

Natext ko na siya. Mamaya ng 7:o clock ng gabi.Susunduin ka daw ni Andrei sa bahay.. Parang kinikilig na sabi ni Sheena. Mukhang mas excited pa ito sa akin.

Mamaya na agad.. Hindi ba pwedeng bukas nalang..

Hindi na pwede nakapagset na ano ka ba? Kaya dapat umuwi ka na ngayon at magbeauty rest ka muna,, para mamaya ready ka na.

Tinitigan ko siya.

Pagkuway tumayo nalang ako sa kinauupuan ko. Ayoko nang makipagtalo kay Sheena.Hindi naman ako nanalo sa kakulitan nito.

Naghabilin na lamang ako kay Rita sa mga gagawin sa shop. Maasahan ko naman ito at wala naman dapat pang ipagalala.

Nagbeso ako kay Sheena, bago ako lumabas ng shop.

Magpahinga ka, ha! Nakangiti pang sabi niya. Inirapan ko nalang siya. Kapag hindi successful ito hindi na talaga ako makikinig kay Sheena kahit kailan.

******

Sa kanto nalang ako nagabang ng masasakyan pauwi.Dahil wala naman akong kotse kaya magtataxi nalang ako.

Bawat taxi na pinaparahan ko ay hindi ako hinihintuan. Medyo naiinis na ako. Magbabayad naman ako, ah. Kung sana mapadaan man lang sana si Kaye.Lihim kong usal. Nakakatawa.Mukhang inposibleng mapadaan yon sa ganitong araw.

Hi Yass,!!

Natigilan ako sa kotse na huminto sa tapat ko.Nagulat ako. Hindi ko inaasahan na magkakatotoo agad ang lihim kong hiling.

Pauwi ka ba?

Hindi ako makapagsalita kaya tumango nalang ako.

Sabay ka na!

Ay hindi na Kaye, magtataxi nalang ako..

Halika na! Magiinarte ka na naman ba? Kelangan ba buhatin uli kita para lang sumakay ka..

Napatingin ako sa paligid masyadong madaming tao na naglalakad tapos may mga dumadaan pang sasakyan. Nakakahiya naman kung bubuhatin na naman niya ako.

Matalim ang tinging ipinukol ko sa kanya..

Oo na! Sasakay na! Sabi ko at nagmartsa na papunta sa kotse niya.

Pagkapasok ko sa loob ay nakangisi si Kaye.

Ngiting tagumpay? Sarkastiko kong tanong. Pero aminin ko natuwa akong makita na naman ang nakakainlove niyang ngiti na sinasabayan pa ng kislap ng kanyang mata.

Mag-seatbelt ka.!utos niya.

Hinagilap ko ang seatbelt at isinuot ito. Samantalang nakatingin lang siya sa akin. Medyo mali pa nga yong kabit ko, kaya inayos ko nalang ulit.

Pati ba naman sa pagseseat belt hindi ka marunong? Sabi niya.

Ano ka ba, inaayos ko nga di ba? Akala naman nito..!!!

Nakakaasar talaga. Anong akala niya sa akin tanga. tsk.! Nginitian lang ako ni Kaye. Inirapan ko siya at umayos na ako ng upo. Hindi na din ako umimik. Parang gusto kong bawiin yong wish ko kanina na sana makadaan siya para makasakay ako ng libre. Bonus na makikita ko pa siya. Nakalimutan kong hindi pala nabubuo ang araw namin nang hindi namin naaasar ang isat-isa.

Dahil sa sobrang traffic ay nagsoundtrip nalang muna si Kaye. Binuksan niya ang player niya at nagsimulang kumanta.

Samantalang ako ay sa labas ng bintana nakatingin. Ayoko tumingin sa kanya pakiramdam ko mamumula ako.

Ang ganda ng boses ni Kaye. Kaya naman nilingon ko siya at nakita kong nagvivideo siya.

I wanna know by Joe ang kinakanta niya. Kinanta niya na rin ito noon kaso hindi ko pa alam noon yung song. Nalaman ko nalang na iyon pala yon noong nagbrowse ako sa mga video niya sa Youtube. I admit nagustuhan ko ang kanta.

Nasurvive namin ang traffic na hindi na kami nagimikan. Kumakanta kanta kasi si Kaye habang ngdadrive kaya nakakahiya namang abalahin pa siya isa pa wala naman akong sasabihin.

Napatingin ako sa kanya nang bigla niyang ihinto ang kotse sa tapat ng Caudal Tea Shop. Pagkatapos wala man lang imik na lumabas ng kotse. Mukhang nakalimutan niyang kasama niya ako. Lumabas nalang din ako at sumunod sa kanya.

Nagorder siya pagkatapos ay bumalik din. Nanatili lang akong nakasunod sa kanya.

Bakit bumaba ka pa,?

Ah eh kasi..

Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko.Bakit naman kasi bumaba pa ako?

Pagkapasok sa loob ng kotse ay inabot niya sa akin ang isang baso ng infinity tea.

Salamat... Sabi ko.

Dapat kasi hindi ka na bumaba.. Ibibili lang naman kita ng maiinom...

Napatingin ako sa kanya. Saka ngumiti.

O eh bakit parang galit ka? Tanong ko.

Hindi na siya sumagot.
Hmmpp!!! Moody..!

Itinuon ko nalang ang sarili sa byahe habang sinisipsip ang inuming bigay niya. Nakakakilig na nageffort siyang ibili ako ng maiinom kahit hindi ko naman sinasabi kaso nakakainis ang kasungitan niyang gesture kanina.

========================================================

bayo_toopsie

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now