Mabuti naman at tinanggap mo agad sa sarili mo na gusto mo yong taong kinaiinisan mo, mas ok yon kesa naman kung sino sino pang doktor quack quack ang hinahanap mo.!

Napabuntong-hininga ako.

Kapag nalaman niyang may gusto ako sa kanya baka pagtawanan ako non!

Nag-aalala kong sabi.

Tiyak yon! Kapag nalaman ni Kaye na may gusto ka sa kanya malamang aasarin ka nga non! Eh anlakas mo kasi magsalita ng tapos!

Salamat ha! Suportado mo ako at pinalakas mo pa ang loob ko, kaibigan nga kita! Sarkastiko kong sabi. Nakakainis talaga minsan tong bunganga ni Sheena.

Tinawanan lang niya ako.

Ganon talaga ng magkaibigan nagdadamayan, and i feel you.

Inirapan ko siya at pinukulan ng masamang tingin.

Pagkatapos ay sumeryoso ang mukha ko. At hinarap ko si Sheena.

Si Kaye ba may girlfriend?

Maganda ang pagkakangisi ni Sheena sa tanong ko.

Oo..ako..! Haha! Joke lang!

Sheena naman puro ka kalokohan, eh!

Tumatawa-tawa ito.

Ok ...base sa research ko wala! but...meron siyang lihim na iniibig..

Napatingin ako sa kanya. Parang naging interesado ako sa narinig.

Sino.?

Well,hindi niya sinabi sa interview sa kanya,, pero sabi niya more than three years na ata niya mahal yung babae, at kaya hindi siya nagmamahal ng iba kasi sobrang mahal niya yung girl...

Nasasaktan ako sa mga naririnig ako. Ganon? May babae na palang nakakuha ng puso niya. Ansakit sakit naman, hindi pa man broken hearted na ako agad.

Ganon? Kaya pala may suot na siyang ring...nalulungkot kong sabi.

Ay ..yung about sa ring sabi niya noon sa myx live chat niya ,na napanood ko bigay daw yon ng friend niya from abroad...

Tumango-tango ako.
Daming alam ni Sheena, ha. Fan nga siya ni Kaye Cal. Parang gusto ko ngayon magpasalamat na kaibigan ko siya. Hehe 😁

Pero feeling ko, galing sa girl yung ring na yon,, lagi niya kasing suot yon! Kung friend lang ang nagbigay why, effort isuot always,, di ba?

Napaisip tuloy ako.

Ang swerte naman nong babae.Kung sino man siya.

Well, sa gwapo ni Kaye deserve niya mahalin ng isang babaeng tapat magmahal nagkataon na hindi pala ako yon. So Sad..😔

So dapat pala, kalimutan ko na itong feelings ko para sa kanya.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tnx for this wonderful people na nagvote sa story ko.Much appreciated.

@monskie11 erikamartinez22 bangs0117 bhudsiAron cherrieElaineRamos

keep on reading.
keep on voting
lovelots

========================================================

bayo_toopsie

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now