Haynaku ewan ko sayo! Umuwi ka na nga!Nandito ka lang ba para guluhin ang buhay ko?! Iritable na ako.

Nginitian niya lang ako at wala siyang pakialam sa mga sinasabi ko. Inilibot niya ang paningin sa paligid na para bang nagsu-survey.

Ano ba kasing ginagawa mo dito? tanong ko ulit.

Kumalma ka nga, hindi ako makikipag-away sayo andito ako para sa isang trabaho mo, para sa akin..

Ha?

Di ba photographer ka?

So?

May gagawin kasi akong cover ng kanta na iiupload ko sa youtube, gusto ko sana ikaw ang magvideo..

Ayoko nga! Iba nalang ang kunin mo!

Eh ayaw ko nga gusto ko ikaw?!

Ano to pilitan eh ayoko nga diba?!

Nagpapataasan na naman kami ng boses.Napatingin sa amin si Rita at gulat na gulat ang mukha nito. Lumapit si Kaye sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Please... sabi niya. Tiningnan ko siya at nakita kong nakangiti siya sa akin.Hindi ko tuloy malaman kung ano gagawin ko o isasagot ko sa kanya. Bigla naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko. Naalarma ako baka isa na naman ito sa mga trick niya.Isa naman sa mga pang-asar niyang taktika.

Ah pwede bang bitawan mo na ang kamay ko?nauutal ko pang sabi. Tiningnan niya muna ang mga kamay namin bago niya binitawan. At nagiwan iyon ng mainit na pakiramdam.

Totally Strange.

Ay sorry haha, kaw kasi pumayag ka na... Uhm. Ngapala first time ko makipag-holding hands..

Inirapan ko siya.

First time daw makipag-holding hands? Mukha mo? Niloloko mo ba ako?

Ikaw naman hindi ka na nga naniniwala sa akin. Barado pa ako sayo.!

Kaya hwag mong sasabihin sa akin na first time mo lang makipag-holding hands?

Marami nga akong fans pero hindi naman ako nakikipagholding hands ng matagal tulad ng ginawa natin.

Pilyo ang mga ngiti na sabi niya sa akin. Pakiramdam ko namumula ako.

Talaga lang ha? kapagdaka ay sabi ko.

At alam mo ba,, ipinangako ko sarili ko na kung sino man ang unang humawak ng kamay ko, kailangan panagutan niya ako.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Lakas naman makagwapo nito.! So ibig sabihin ako ang unang humawak ng kamay niya papanagutan ko siya? Tsk.baliw talaga.!

O napaisip ka na naman,, haha.

Sabi niya. Tumatawa na naman siya. Tinalikuran ko nalang siya.

Napaka-pikonin mo talaga. Sabi pa niya, pero hindi ako umimik.

Pwede ka bang ayaing kumain sa labas.?

Tiningnan ko siya. Ano naman kaya ang trip ni Kaye. Sa twing ganyan kabait ang ipinapakita niya sa akin, mamaya may pasabog na naman na talagang ikakainis ko.

Hindi ayoko! Tinalikuran ko na siya at bumalik na ako sa loob,baka mamaya magbago pa isip ko at maisipan ko pang sumama sa kanya na kumain sa labas... Tapos ang ending magaaway na naman kami.

========================================================

bayo_toopsie

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now