Aray ko naman, Yassi!

Narinig kong reklamo ni Sheena mukhang napalakas ata ang hampas ko sa bola ng volleyball. At mukang tinamaan ko ito sa muka. Lumapit ako sa kanya.

Alam mo kung galit ka kay Kaye Cal hwag mo naman ako idamay, oo na crush ko siya pero hindi naman tama na ibunton mo sa akin ang galit mo sa kanya! sabi pa ni Sheena.
Nag-init na naman ang muka ko. Hindi ba pwedeng magusap kami na hindi napapasali ang taong yon!

Aba, hindi ko kasalanan na hindi mo masalo ang tira ko! Puro kasi Kaye Cal yang utak mo! Iritable kong sagot. Tumayo nalang ako at naupo sa bench. Kumuha ako ng bimpo at uminom ng tubig na dala -dala namin. Tumabi rin naman ng upo sa akin si Sheena, wala siyang imik, malamang nainis din sa akin,, hmmpp. Nakakainis din siya!

Oy si Kaye o! Biglang sabi niya sinundot pa niya ako sa tagiliran. Napalingon naman ako sa dako na tinuturo niya. At nakita ko nga si Kaye, mukang galing sa jogging teka! Akala ko ba may praktis ng maaga ang banda o eh bakit nagjojogging? Sinulyapan ko si Sheena, parang tanga na naman ang mukha nitong nakatitig kay Kaye. Napapailing nalang ako. Ano bang nakita niya sa Kaye na yan at inlove na inlove siya dyan?

Oy, Yassi tingnan mo si Kaye nga, o! sabi niya ulit sabay sundot ulit sa tagiliran ko.

Pakialam ko!! Sagot ko.

Ay ang KJ mo friend ha, halos lahat ng babae at yung mga fans niya ay humaling na humaling na sa charm niya, ikaw nalang ang hindi pa nakaka-appreciate sa pamatay niyang charm!

Charm? Saan banda? Bakit hindi ko nakikita? Nakaaasar kaya ang mukha nyan! Lalo na kapag nakangiti!nakakairita!

Ha? Ang ganda kaya ng ngiti nya! Bulag ka ata, eh! Saka ang gwapo niya talaga, o!

Gwapo?? Parang hindi naman. Ok lang,, .sabad ko naman. Hinampas niya ako sa braso.

Bakit ba galit na galit ka kay Kaye? Alam mo may nabasa ako na kapag sobrang asar ka daw sa tao, inlove ka daw sa kanya.!

Namilog ang mga mata ko sa kanya. Praning na naman itong kaibigan ko. Kung ano -ano na ang naiisip.

Ha??? Ansabi?

The more you hate the more you love daw

Ha? Never akong akong naiinlove dun At never in my entire whole life na magkakagusto ako sa kanya! Nunca!

Ganun? Oh eh bakit andami mo ng sinabi. Kaw ha hwag ka nga magsasalita ng tapos! Masama yan.!

Inirapan ko nalang siya. Siya na si Sheena 'ng madaming alam. Napaisip tuloy ako sa sinabi niya.Natatawa nalang ako ng lihim, ibang iba talaga mag-isip itong kaibigan ko ako? Maiinlove kay Kaye Cal? Hwag na no? Baka magpatayan pa kami in the end..

Hi, Sheena!

Napalingon kami ni Sheena sa bumati sa kanya,, nakita ko na naman ang pilyo niyang ngiti. Maganda nga ang ngiti niya pero bakit nakakairita ang dating sa akin.

Ay ...hi Kaye!!! wagas makaganti ng bati itong si Sheena!all out! Ngising ngisi pa,, halata ang pagpapacute niya kay Kaye.

Hi Yassi! bati rin ni Kaye sa akin. Tumayo ako sa kinauupuan ko para pumantay naman ako sa height niya. Sa taas nitong 5 feet and 9 inches di hamak na mas matangkad ito sa akin sa height kong 5'6 pero bakit ba.? Nakapamewang ako na humarap sa kanya. Umiinit na naman ang ulo ko sa kanya lalo na kapag nginingitian niya ako ng ganyan.

Hanggang dito ba naman bibwisitin mo ko! Aba Kaye kotang-kota ka na!

Wooohh... Yassi, kalma ka lang.Ayan ka na naman eh, tinatakot mo na naman ako.

Pwes! Tigilan mo na ako kasi sawang-sawa na ako makipag-away sayo!

Teka hindi naman ako nakikipag-away sayo binati nga kita ng "HI" di ba?

I-hi mo yang muka mo! Mukhang sabog.

Sabog?? Hindi ako gumagamit non ha, hwag ka nga nagsasalita ng ganyan, mamaya may makarinig sayo ma-issue pa ako.

Mabuti nga yong maissue ka para mabawasan yang confidence mo!

Eh ikaw ata ang sabog eh!

At bakit ako?

Bakit hindi,? Tingnan mo nga yang mata mo, nangingitim! Haha,, ikaw ang sabog kitam may ibedinsya!

Akma sanang hahawakan ni Kaye ang mata ko pero tinabig ko ang kamay niya. Matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya.

Halika na nga, Sheena sayang lang ang panahon natin dito! sabi ko sabay dampot ng bag ko at hinatak ang kanina pa natutulalang si Sheena, mukha pang ayaw pa niyang umalis.

Ayyy.. bye Kaye,, papanoorin kita sa tv.!! Byeee... paalam pa niya sa ngising-ngisi na si Kaye.

Bwisit talaga ang kumag na yon! Bakit ba lagi niya akong natatalo sa sagutan! Panalo na naman siya. Nakakainis talaga! Grrrr.

========================================================
bayo

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Where stories live. Discover now