Ano ba ito? Nakakainis!! Nakakagalit!! I hate it!!

Protesta ni Andrei sa utak nya. Napahawak pa ang isang kamay nya sa ulo nya habang ang isa ay nakatuon sa tuhod nya.

"Ser andrei."
"Ano hong gusto nyong kainin?"

Tanong ng isang katulong. Maedad na ito dahil mapapansin ang hibla ng puting buhok sa ulo nito. Inangat ni Andrei ang ulo nya.

"Wag na ho."
"Aalis na din po ako."
"Pasabi na lang po kay Joanna na umalis na ako."

Wika ni Andrei. Tumayo sya at inabot ang bag na nakalagay sa may sofa. Tumango lang ang katulong kay Andrei at naglakad na ito paalis.

Napatingin si Andrei sa may hagdan pataas sa ikalawang palapag. Inilagay nya ang kaliwang kamay nya sa bulsa ng pants habang ang isa naman ay nakahawak sa strap ng backpack bag nya.

Nagbuntong hininga muna sya bago nya hinakbang ang paa nya. Saktong paglabas nya sa pinto ng bahay ay nakita nya si Jacob na masayang naglalakad papunta sa direksyon nya.

"Hi Kuya."
"Andito ka pala."

Ikinaway pa ni Jacob ang kamay nya habang sinasabi yun. Malawak din ang kanyang pagkakangiti.

"Tara sa loob."

Aya pa ni Jacob ng tuluyan na syang makalapit dito. Hinawakan nya si Andrei sa may pulso at hinigit papasok ng bahay

"Next time Jacob."
"Paalis na ako."

Wika ni Andrei. Nanatili sya sa kinatatayuan nya. Napalingon si Jacob dito. Nangunot din ang noo nya dahil sa pagtanggi nito sa alok nya.

"Ayaw mo bang pumasok muna?"
"Laro muna tayo."

May lungkot sa boses ni Jacob. Nakalabi din ito. Nagpapaawa sya kay Andrei. Napangiti si Andrei. Hinawakan nya ang ulo ni Jacob at ginulo ang buhok nito.

"Ano ba?!!! Kuya naman e."

Inis na inilayo ni Jacob ang ulo nya kay Andrei. Dumistansya din ito ng konti.

"Nakapasok na ako sa loob."
"At tyaka nagpapahinga na ang kapatid mo sa kwarto nya kaya paalis na ako."

Wika ni Andrei. Inilagay na din nya ang kamay nyang nakahawak sa strap ng bag nya sa bulsa ng pants nya.

"Bye kiddo."

Paalam ni Andrei kay Jacob. Kunot noo lang ang isinukli niJacob. Mabilis din itong pumasok sa loob ng bahay.

Seryoso ang mukha na nagpatuloy sa paglalakad si Andrei patungo sa sasakyan nya na nakapark sa labas. Pinindot nya ang alarm ng sasakyan kahit medyo malayo pa sya dito.

Pagbukas nya ng pinto ng sasakyan nya ay binigyan nya muna ng isang sulyap ang kwarto ni AJ bago sya pumasok sa loob. Inistart na nya ang makina at saka umalis.

---

"Hello handsome."

Mapangakit na bati ng isang babaeng naka black dress kay kinneth. Di yun pinansin ni Kinneth. Nagpatuloy lang sya sa paginom ng alak.

"Alam kong gwapo ako."
"Di kita kailangan para sabihin sa akin yun."
"Makakaalis ka na."

Sa inis ng babae, padabog itong umalis sa tabi ni Kinneth. Inikutan nya din si Kinneth ng mata.

Muling hinawakan ni Kinneth ang bote ng alak na iniinom nya. Pinagmasdan nya ito maging ang alak na nasa loob noon.

Abala si Kinneth sa pagsuri sa alak ng may tumapik sa balikat nya. Tiningnan nya ang gumawa noon.

My Dream GayOù les histoires vivent. Découvrez maintenant