"Miss Joanna?"

Napalingon si AJ sa kanilang gilid ng may tumawag sa kanya. Nakita nila si Doctor Razon, ang doktor na nagtingin sa paa nya. At gumamot dito. Lumapit ito sa kanila.

"Hi po doc."

Nakangiting bati ni AJ. Nginitian sya ni doktor Razon. Bumaba ang tingin ni doc. Razon sa paa ni AJ na may cast.

"Buti at nakarating ka. Kanina pa kita iniintay."
"Follow me."

Sinundan nina AJ at Kinneth si doc. Razon. Nakaalalay pa din si Kinneth kay AJ. Nang makarating sila sa dulo ng daan ay lumiko sila. Nakita nina Kinneth na pumasok ang doktora sa isang kwarto doon. Sinundan nila yun at pumasok din sa loob.

Pagkapasok nila sa kwarto ay nadatnan nila ang doktor na nakaupo sa upuan nito at may tinitingnan na papel.

"Please seat down."

Alok ng doktora kina AJ. Lumapit sila sa lamesa. May dalawang upuan doon na magkaharap. Unang pinaupo ni Kinneth si AJ sa upuan na nasa kaliwa. Kinuha nya ang saklay kay AJ at sya na ang naghawak noon. Umupo sya sa upuang nasa kanan. Kaharapan nya si AJ.

"So.... Miss Suarez."
"How you feeling?"
"May sakit ka pa bang nararamdaman sa paa mo?"

Tanong ng doktora kay AJ. Nakapatong ang siko ng doktora sa lamesa at pinagsaklop nya ang dalawang kamay nya.

"I'm  feeling  better po doc."
"Wala na din po akong nararamdamang sakit sa paa ko."
"Feeling ko lang po ay naluom na ang paa ko dahil nakasimento ito."

Napatawa si AJ dahil sa huling sinabi nya. Napangiti naman si doktora razon. Abala naman si Kinneth sa pagtitig sa mukha ni AJ.

Ang ganda nya lalo pag ngumingiti.

Usal ni Kinneth sa kanyang utak.

"Okay."
"Are you ready?"
"Aalisin na natin yang cast mo."

Wika ng doktora. Napalabas ng ngipin si AJ dahil sa sobrang pagkakangiti. Tumango-tango din ito.

Tumayo ang doktora sa upuan nya at nagpunta sa isang hospital bed sa may gilid. Tumayo din sina AJ. Agad syang dinaluhan ni Kinneth. Di na nya ginamit ang saklay. Inalalayan na lang ni Kinneth si AJ papunta sa kama. Pagkaupo ni AJ sa may kama ay may dalawang nurse na pumasok. Isang babae at lalaking nurse. May dala silang mga gamit. Gamit yun para sa pagtatanggal ng cast sa paa ni AJ.

Pinagmamasdan lang ni AJ ang ginagawa ng doktora at ng dalawang nurse. Napatingin sya kay kinneth ng maramdaman nya ang kamay nito sa likod nya.

"Wag kang matakot."
"Andito lang ako."

Mahinang sabi ni Kinneth. Napataas naman sya ng kilay dahil sa sinabi nito.

"Sino bang may sabing natatakot ako?"

Mahinang pero mataray na saad ni AJ. Napapailing ng ulo na lang si Kinneth. May lumabas ding mumunting tawa sa bibig nya.

Tumayo na lang sa may gilid ng kama si Kinneth. Pinagmasdan lang nya ang ginagawa ng doktora sa paa ni AJ.

"Ayan."
"Miss Suarez pwede bang igalaw mo ang paa mo?"

Utos ng doktora kay AJ. Naalis na nila ang cast. Nagtagal lang ang pagaalis ng cast ng ilang minuto.

Agad na sinunod ni AJ ang inutos na yun ng doktora. Dahan-dahan nyang iginalaw ang paa nya. Pataas at pababa tapos ay dahan-dahan nyang iniikot iyon.

"Anong pakiramdam mo?"

Tanong ni Doc. Razon kay AJ habang inaalis ang gloves sa kanyang kamay.

"Mabuti na po."
"Di sya masakit."

My Dream GayWhere stories live. Discover now