Ysabella Nicole

3.6K 123 6
                                    

A #LifeWithTheFaulkersons short fic. Pa-teaser ko to sa bago kong story!!!

(Okay awayin nyo na ko andami ko ng on-going. Malapit na matapos offline yung Unsent Letters, ipopost ko din kalma lang!)

-

"So thank you kasi finally sumama ka na sakin na lumabas na tayong dalawa lang.."

"Buti nga pumayag si Nanay e. At saka alam mo namang pag nalaman ni Tatay 'to baka balatan ka ng buhay nun."

"Gets ko naman si Ninong Richard kung bakit sya ganun ka-overprotective sayo e. You really are lucky to have loving parents like them."

"E ikaw din naman kaya ang swerte mo kela Ninong Je at Ninang Valeen."

"Kaya nga e. At pag nalaman nila 'to na finally pumayag ka ng sumama sakin na magdate e aasarin nila ko mamaya. Biruin mo, finally naka-date ko din ang nag-iisang Ysabella Nicole Faulkerson! Swerte ko."

"At ako naman ang malalagot sa Tatay at Kuya ko pag nalaman nilang may date ako ngayon. At ikaw pa talaga! Ay nako simulan mo ng magbalot-balot. Hahaha."

-

"RD where the hell is your sister?"

"Love, calm down. Wag mong sigawan yung anak mo!"

"It's okay Nanay. Tay, di ko po talaga alam kung nasan si Nicole. Sinundo ko sya kanina sa school tapos sabi ng mga kaibigan nya umuwi na daw po.."

"But it's already late! Kanina pa ang labasan nila pero bakit wala pa sya dito?"

"Hoy Ricardo wag ka ngang OA dyan. Alas-sais palang kung maka-react ka kala mo madaling araw na at wala pa yung anak mo. Pano magkaka-boyfriend yun kung-"

"At sino nagsabing magboboyfriend na yung prinsesa ko? Walang mag-aasawa hangga't di pa umaabot ng kwarenta!"

"Oh God. E pa-menopausal na yung anak natin nun ha? Napaka-manong mo talaga. Ang ganda-ganda ng anak natin tapos ayaw mo naman pag-asawahin."

"Kaya nga e. Ang ganda ganda nung prinsesa ko tapos kung kaninong lalaki lang mapupunta! Aba, iilan nalang kami ng mga anak mo na natitirang matino ano." Alden went to his son for a high five.

"Mga kalokohan nyong mag-ama e no." Maine was interrupted with the ringing of her phone. "Teka tumatawag na yung baby girl ko!" Maine was about to answer it when Alden snatched the phone from her.

"Baby? San ka na? Bat di ka pa umuuwi? Nag-aalala na ang Tatay. Sinundo ka daw ng Kuya mo pero nakauwi ka na daw sabi ng mga kaibigan mo. E wala ka naman dito! Saan ka na?"

"Hoy andami mo namang tanong sa anak mo. Amin na nga yan! Sakin tumawag e nang-aagaw ka ng phone ng may phone."

Maine took back her phone and talked to her daughter. "Ysabella? Pauwi ka na ba?"

"Yes Nanay pauwi na kami ni Gab.. Nanay ihahatid nya daw ako dyan sa bahay. I'm scared of what Tatay would do if he sees him.."

"Don't worry about it. Just be home safe, okay? Ako na bahala sa Tatay mo."

"Oy anong pinag-uusapan nyong mag-ina dyan?"

"Ang daldal mo RJ tumahimik ka nga dyan!" Sigaw nya sa asawa at saka bumalik sa telepono. "Basta baby siguraduhin mo lang na makakauwi kayo ng safe ha?"

"Yes Nanay. Malapit na din naman po kami e. I'll hang up the phone now, pasabi din po kay Tatay na pauwi na po ako and he shouldn't worry about me."

"O RJ sabi ng anak mo pauwi na daw sya. At may pahabol pa, kasama daw nya yung boyfriend nya.."

"Nanay!"

"Susmaryosep. Maine pakausap nga!" Maine handed him the phone and laughed at her husband's reaction.

"Ysabella, baby, wag ka munang mag-uuwi ng boyfriend. Hindi pa kaya ng Tatay. Wala ka namang kasamang boyfriend diba? Ako pa rin tsaka ang Kuya mo ang boyfriend mo diba?"

"Wala po Tatay. S-si Gab po yung kasama ko.."

"Gabriel? Bakit hindi mo sinabi kaagad na sya pala yung kasama mo edi sana di na ko nagalala. Basta uwi na anak ha, hintayin ka namin dito."

"Opo Tatay. Love you po."

-

"Tatay andito na po ako!"

"Ysabella!" Alden hugged his daughter and kissed her forehead. "O asan na yun si Gab? Diba sya naghatid sayo?"

"Oo nga po. Pero nauna na sya kasi hinahanap na sya nila Ninong. Pero binilhan nya po kayo ng pasalubong."

"Yun oh, toasted siopao. Teka, nung isang linggo pa ko may supply ng siopao dun ha. Intsik ba yun?"

"Favorite nyo daw kasi yan, Tay."

"Kung ganun, sabihin mo salamat. O sige na pasok ka na dun.. Ay teka ang sweet naman ng anak ko yumakap!"

"Salamat Tay. Sa lahat. Kahit na minsan ang OA mo na sa pagiging protective sakin, alam ko naman na ginagawa mo yun kasi mahal mo ko. I want you to know how grateful I am to be your daughter kasi ang swerte swerte namin sayo. Love you, Tatay kong iyakin."

"Naku mukhang nagdadrama yung mag-ama dun oh? Tara Kuya sali tayo sa kanila."

"Alam nyo, hinding hindi ko to ipagpapalit sa kahit ilang awards na natanggap ko nung wala pa kayo sa buhay namin ng Nanay nyo. Thank you. Thank you for this, Meng." Alden hugged his family tighter placed a kiss on his daughter and wife's forehead.

"Sige na po Tay akyat muna ko sa taas para makapagdinner na tayo."

"O sige, baba ka agad ha? Mamiss kita."

"Nanay si Tatay o, clingy masyado!"

Ysabella made her way on her bedroom and left her family on their porch.

"Okay lang sayo na si Gabriel ang kasama ng anak mo?" Maine asked her husband.

"Oo naman. Inaanak ko yun e tsaka alam kong mabait yun e. Iniisip ko lang talaga kung si Jerald ba yung tatay nun. Ang gwapo eh!"

"So Tatay okay lang po kung manligaw siya kay Nicole? Ang alam ko kasi crush ni Gab si Nicole e." RD asked his father.

"Tsaka, nagpaalam pala yun sakin si Gab. Balak yata ligawan yung prinsesa mo.. Hoy teka Faulkerson san ka pupunta!"

"Akala nyang si Gabriel madadaan ako sa pa-toasted siopao nya ha! Tignan natin kung sino ma-toasted ngayon."

-

© Samantha Cleofas is the girl in the picture! Kahawig talaga ni Meng diba? Gandara ng lola mo.

Ysabella Nicole means God's beautiful creation. Wala nabanggit ko lang. Hahahaha.

Behind The CamerasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon