Turn Back Time

4.1K 106 6
                                    

AnseRa xx AlDub wrapped in one!!! Pa-late weeksary gift ko na sa inyo. Hahahaha. Lamyuuuu.

Wala ko maisip na title so ginamit ko yung nasa HT. Hehehehe. Ps. Dumugo ilong ko sa one shot na 'to. Alright, basa!

-

"Malubha na ang sakit ng iyong irog, binibini. Kung hindi pa siya maipapagamot sa lalong madaling panahon, maaari niyang ikamatay ang sakit niya." Sabi ng Doktora kay Nidora na lalong nagpabigat sa kaniyang dibdib.

"Kung matatanggal po ba ang tumor sa kaniyang utak, maipapangako niyo po ba sakin na mabubuhay pa siya ng matagal?"

"Magkakaroon ng malaking tyansang maging maayos ang kanyang kalagayan gayong ang tumor lamang ang nagpapahirap sa kaniya."

Pagkatapos ng mga narinig sa doktora, umuwi sa kanilang mansyon si Nidora. Nakita niyang nagbabasa ng dyaryo ang kaniyang Mama.

"Mama, pumapayag na po akong layuan si Anselmo at sumunod sa nais niyo."

Ibinaba ni Donya Ariana ang dyaryo at sumipsip ng kape bago hinarap ang anak. "Mabuti pala ang nagawa sa iyo ng iyong pagtakas kasama ang hampas-lupa at nalinis ang iyong utak! Anong nakapagpabago ng iyong isip Nidora? Napagtanto mo bang hindi mo kayang manirahan sa barung-barong at dumaan sa mabahong eskinita?"

"Mas gugustuhin ko pong tumira sa maliit na barung-barong na malaya kaysa tumira sa napakalaking mansyon ngunit hindi naman ako makagalaw." Tumaas ang kilay ng kanyang Mama. "Ngunit may mas mahalaga pang bagay na dapat akong isa-alang alang ngayon. Pumapayag na akong sundin kayo sa isang kondisyon."

"Isang kondisyon?"

"May malalang karamdaman si Anselmo." Panimula niya habang pinipigilan ang kanyang luha. "Kailangan niyang maipagamot sa lalong madaling panahon at-"

"At gusto mong ipagamot ko siya? Pano ako nakasisiguradong tutupad ka sa ating pinag-usapan na lalayo ka na sa kaniya?"

"Kapag naging matagumpay ang operasyon, sasama na ako sa inyo sa Amerika. Doon na tayo maninirahan kasama ang aking mga kapatid."

"Sige. Pumapayag na ako sa gusto mong mangyari. Pero sa oras na ika'y magtaksil sa ating pinag-usapan, ako mismo ang magpapapatay sa Anselmo na 'yan at alam mong hindi ako nagbibiro Nidora."

***

"Mahal! Sinabi ng Doktor sa akin na may nagmagandang loob na tustusan ang aking pagpapagamot! Gagaling na ako! Magsasama pa tayo ng matagal!" Labis ang galak na sambit ni Anselmo kay Nidora. "Pero bakit ka umiiyak mahal ko?"

"Masayang-masaya lang ako Anselmo. Mahal na mahal kita."

"Ako din Nidora, pagkatapos ng aking operasyon ay magsisimula tayong muli Nidora. Haharapin ko ang iyong Mama. Tatanggapin ko ang kaniyang pag-aalipusta mahingi ko lamang ang kaniyang pahintulot na tayo ay magsama "

"Sana Anselmo.. sana."

***

"Nidora! Nanditio na ako mahal ko! Nidora!" Isang linggo matapos ang matagumpay na operasyon, agad na nagtungo si Anselmo sa tahanan ng mga Zobeyala para hanapin si Nidora at tuparin ang pangako nito sa kanya.

"Ginoo, paumanhin ngunit wala ng tao diyan sa loob."

"Anong iyong sinasabi? Dito nakatira ang iniirog kong si Nidora at ngayon ko hihingin ang pahintulot ng kanyang Mama upang kami'y magsama."

"Isang linggo na mula ng umalis ang kanilang pamilya kasama ang isang dalaga na kung di ako nagkakamali ay ang irog mong si Nidora." Bumagsak ang balikat ni Anselmo sa narinig. Nakita naman siya ni Beyonce na ikinatuwa din niya dahil ilang araw na rin siyang naghihintay na masilayan siya dito.

Behind The CamerasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon