Jealous

6.7K 169 0
                                    

"Pack up na guys. Next mall show na tayo!"

Sigaw ng handler ni Alden na si Nate. Meron pa silang next mall show sa Taguig at isa pa sa Fairview at gustong gusto ng makita ni Alden ang girlfriend na si Maine.

Samantala, nasa isang shoot naman ng commercial si Maine kaya't hindi sya makapagreply. Bago palang sa showbiz si Maine kaya't iilang projects palang ang nasisimulan nito. Di kagaya ni Alden na sobrang in demand sa mga mall shows at mga endorsements.

"Huy Alden ano na hinihintay na nila tayo sa baba! Ano bang ginagawa mo dyan?"

"Si Maine kasi hindi sumasagot kanina ko pa tinatawagan." Sabi ni Alden habang dina-dial ulit ang number ni Maine.

"Hala siya. Kakahatid mo lang kanina sa kanya bago ka mag-mall show tapos miss mo na kaagad? Kayo talaga oh! Tara na at sa sasakyan ka na tumawag sa kanya."

Sumunod naman sa sasakyan si Alden at tumuloy na nga sila sa susunod nyang mall show.

"Alden, hindi mawawala ang girlfriend mo dun. Wag kang paranoid." Sabi ni Alden sa sarili. Ilang buwan palang kasi ng tuluyang pumirma si Maine sa kontrata sa network kaya't unti unting nadadagdagan ang mga projects nito. Isang buwan kasi matapos na sagutin na sya ni Maine mula sa 6 na buwan niyang panliligaw sa dalaga ay napagpasiyahan nitong pumirma ng kontrata sa parehong network na pinagtatrabahuan niya.

"Sabi sakin ni Oreo mamaya pa daw ang tapos ng TVC shoot ni Maine. Kakasimula lang daw kasi nalate ng konti yung production at mayroon pang mga inayos."

"Okay."

"Wag ka ng masyadong mag-alala sa girlfriend mo. Kayang-kaya nya yun! Sabi nga ni Direk kahapon sa shoot nila e parang di nauubusan ng energy yun. She's like the life of the shoot kahapon. Without her funny jokes and witty personality, mabobored lang daw sila sa set."

True enough, ganun din ang nararamdaman ni Alden sa 5 buwan nilang relasyon ni Maine. Sabi nga niya sa ilang interviews dati, "No dull moments". Enjoy lang silang dalawa. Sobrang nakakalift ng energy si Maine. Kaya no wonder gustong gusto siya ng mga nakakatrabaho niya.

Natapos ang mall shows ni Alden sa araw na iyon. Pagkatapos na pagkatapos ay tinawagan niya si Maine na kakatapos lang din ng shoot.

"Hi love, tapos na kayo?"

"Yup tapos na kami kanina pa! Ikaw ba?"

"Kakatapos lang din ng mall show. Dinner tayo? I'll pick you up."

"No need kasama ko pa naman sila Ate Pat at Chester. Let's meet nalang. San ba tayo kakain?"

Chester? Sinong Chester? Wala namang nabanggit si Oreo kanina na kasama nilang Chester ha?

"Hey love who's Chester?"

"Haven't I told you na may kasama ko sa TVC na to? Si Chester! Anyways, I'll hang up na. Just text me where we'll meet. I love you, ingat!"

Pumunta naman agad sa service nila si Alden. Tumabi sya kay Nate na busy sa pagi-instagram.

"Tara na? San tayo?"

"Maine and I will have dinner. Baka same place nalang." Sagot ni Alden sa kanya. Tinext nya si Maine kung san sila kakain. Tumango naman si Nate at sinabi sa driver kung san sila ihahatid.

"Ah Nate, kilala mo ba yung Chester?" Nagsscroll padin at naglalike si Nate pero agad na sinagot ang tanong ni Alden.

"Chester? Ah yung kasama ni Meng sa TVC. Model daw yun. Gwapo nga eh! Sana pala kela Meng nalang ako sumama hahaha. Bakit?" Tumingin si Nate kay Alden na halatang di alam ang sunod na sasabihin. "Teka, selos ka no? Hahaha!"

"Ha? Hindi ah! Natanong ko lang. Ang sabi mo lang kasi may kasama si Meng sa TVC nya. Di mo sinabing lalaki yung kasama."

"Uuuy, si Alden Richards threatened? Hahaha! Wag ka mag-alala. Mas gwapo ka dun, pero yung abs nun? Ay hayahay!"

Tinawanan lang ni Alden si Nate pero aaminin nya na sa loob nya e medyo nagseselos sya. Bukod sa hindi sinabi ni Maine ang tungkol kay Chester, e buong araw pang magkasama ang dalawa habang busy sya sa mall shows nya.

"Tapos alam mo ba love, nakakatawa si Chester kasi pilipit magtagalog! Hahahaha! Tapos- teka nakikinig ka ba?" Tanong ni Maine kay Alden na kanina nya pa kinekwentuhan tungkol sa araw niya. "Huy Alden!"

"Ha? Ano nga ulit yun?"

"Nagpapakwento ka tapos di ka naman pala makikinig! Kainis to." May pagtatampo namang sabi ni Maine.

"E kasi naman, kanina ka pa puro Chester, Chester, Chester. Nag enjoy ka talagang kasama yun no?"

Kumunot naman ang noo ni Maine at natawa sa reaksyon ni Alden. "Uyyy, selos ka? Hahaha."

"Nagseselos na nga tinatawanan mo pa ko. Nakakapagod na nga na yung araw ko tapos nagkwento ka pa na nagenjoy ka kasama yung ibang lalaki. Umuwi na nga tayo." Sabi ni Alden na animo'y batang nagtatampo dahil inagawan ng kendi.

Natatawa namang sinundan ni Maine ang nagtatampong boyfriend. Isstart na ni Alden ang sasakyan ng pigilan sya ni Maine.

"Uy sandali lang eto naman! Wag ka ngang magselos. Hahaha. Ang cute mo."

"Wag mo na nga kong asarin. Dun ka na sa Chester mo."

"Ganun? O sige. Sa kanya nalang ako sasama. Tutal mas may taste naman siya sa pagpili ng damit ko at ng mga make up."

Naguguluhan namang tumingin si Alden kay Maine. "Ha? Mas may taste sa damit at make-up?"

"Oo! Bading, bayot, girlaloo, juding, bakla si Chester no! Kanina ko pa nga sinasabi sayo e. Di ka nakikinig."

"Panong bading? E bat sabi ni Nate gwapo daw tsaka model pa nga e."

"Naniwala ka naman sa PA mong echuserang palaka? Hahaha! Niloloko ka lang nun syempre. Hahahaha!"

Natawa naman si Alden ng narealize nya na sa bading sya nagseselos.

"Nakakahiya. Sorry." Sabi ni Alden at tumingin kay Maine na nagpipigil ng tawa.

"Ang cute mo magselos, in fairness ha! Hahahaha."

"Wag mo na nga kong asarin."

"Hay nako Richard Faulkerson Jr, eto lagi ang tatandaan mo okay?" Hinawakan ni Maine ang kamay ni Alden at nilagay sa tapat ng puso nya.

"Nararamdaman mo ba yan? Ang bilis ng tibok diba? Wala ng ibang nakakagawa nyan. Ikaw lang. Kaya wag na magselos okay? I love you."

"I love you too. Sorry kung nagselos ako. Hahahaha. Uwi na tayo?"

"Uwi na tayo at hatid mo na ko samin dahil lagot tayo kela Tatay!"


Behind The CamerasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon