Better Half

4.7K 145 10
                                    

Here's the update! The songs used here were the one's you suggested. Don't worry yung mga kantang wala dito, I'll use them for the next updates.

Happy heart's day. Enjoy!

-

"Oy Meng bumangon ka nga dyan."

"Hmmmm."

"Ay so tinotoo mo ngang makikipagdate ka sa kama mo ngayon? Hapon na Meng oh! Bumangon ka na dyan daliiiii." Pilit na ginising ni Coleen ang kapatid pero ayaw pa rin nito.

"Sige ka si RJ paaakyatin ko dito. Tignan lang natin kung di maturn-off sa'yo yun."

Biglang napabangon si Maine. "Nandito si Faulkerson ngayon?"

"Joke lang. Sinabi ko lang yun para tumayo ka na dyan." Inis na bumalik sa kama si Maine. "Tumayo ka na dyan may inuutos si Nanay."

"E bat di nalang ikaw gumawa. Inaantok pa ko oh."

"Hoy Menggay kanina ka pa tulog ng tulog dyan. Bukas mo na ituloy 'yan. Dalian mo may date pa kami ni Mike mamaya. Kayo ba ng shokoy mo meron?"

"Wala. Busy yun ngayon. Tsaka dinate nya na ko kahapon diba? Sige na bababa na ko. Istorbo ka talaga. Sana di matuloy date niyo ni Mike."

"Bitter ka lang! Dali na at kanina ka pa iniintay ni Nanay dun."

Labag man sa kalooban, pinilit na bumangon ni Maine at dumiretso sa banyo. Wala talaga siyang balak kumilos sa araw na 'to pero wala naman siyang magawa dahil may inuutos si Nanay.

"Hi 'nak! Happy Valentines!" Sinalubong siya ng yakap ng Nanay niya. "Busangot 'yang mukha mo?"

"Inaantok pa kasi ako nay. Pero happy valentine's din. San kayo magdedate ni Tatay? Tsaka bat parang walang tao dito?"

"Dito lang sa bahay nak. Yung mga Ate mo may date. Si Nico umalis din tapos si Dean nagpaalam kanina. Nagtataka nga ako bat naiwan ka dito eh. Wala ba kayong date ni Richard?"

"Busy yun 'nay eh." Lumungkot na naman siya. "Ano nga pala yung iuutos niyo?"

"Malay mo meron siyang surpresa sayo. Imposible namang wala." Nanay Dub gave her a smile. "E si Ninang Christine mo tumawag kanina. May ibibigay daw siya. E kaso sabi ko may date nga kami ng tatay mo. Sabi niya kung pwedeng ikaw nalang daw ang kumuha. Okay lang ba 'nak?"

"Matitiis ko ba naman kayo? Nasan po ba siya?"

"Eto yung lugar nak. I-google map mo nalang kasi di ko alam 'yan."

"Okay po. Punta na ko baka kasi gabihin ako. Pasabi nalang kay Tatay. Love you." She grabbed her keys and kissed her Mom goodbye.

"Eto na ba yun?" She carefully parked her car and checked kung nasa tamang lugar ba siya. She saw the sign. The Greenery. "Eto na nga yun."

Pagpasok niya, may lumapit sa kanyang staff ng hotel. "Welcome po, Ma'am."

"Thank you. Uhm, alam nyo ba kung nasan dito si Mrs. Babao? Pinapunta niya kasi ako dito and.."

"This way po." Naweirduhan naman siya dun sa staff na parang alam ng dadating siya. Habang naglalakad, naamaze na naman siya sa ganda ng view ng lugar. Sa Bulacan lang naman ito pero bakit ngayon nya lang ito nakita?

"Nandito na po tayo. Enjoy your date Ma'am."

"Oy teka Kuya san ka pupunta!" Iniwan na siya nung staff. Date? Wala naman siyang kadate dito. Inutusan lang naman siya na pumunta dito. At panong magkakaroon siya ng date eh busy nga yung dapat sanang ka-date niya.

Behind The CamerasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon