Possibilities

4.1K 122 14
                                    


I got this from Marcelo Santos III twitter, "Bakit kami nagbreak?" Bitin ba kayo sa last chapter? Madami ba kayong tanong? Let's hear it from Alden. Again, thanks for reading! Feel free to comment or message me, I'd love to answer them. All the love! :)

PS. Ihanda ang tissue. Yung huling update e kagat ng langgam, eto naman kagat ng bubuyog. Hahahaha. Break muna sa kilig sa dalawa. Enjoy!

***

3 months. Hindi alam ni Alden kung pano siya nakasurvive ng 3 buwang wala si Maine. 3 buwang walang nangungulit sa kanya, 3 buwang walang nagagalit kapag nalate siya sa pagsundo dito. 3 buwang walang nagtetext sa kanya ng umaga para dalhan niya ng paborito niyang kape. 3 buwang walang maingay na nagkakalat at nanggugulo sa condo niya. Hindi niya alam. Dahil sa talong buwan na yun, nawalan siya ng buhay. Nawalan siya ng direksiyon, nawalan ng patutunguhan. Kung paano niya nairaos ang tatlong buwan na yun, hindi niya alam.

"Bakit kami nagbreak?" Ito ang ilang ulit na tanong ni Alden sa sarili nang napagpasiyahan ni Meng na makipaghiwalay sa kanya. If there is something he figured out for the past three months that Maine was gone, it was the 5 possibilities why they broke up and their relationship didn't work.

1. Siguro, hindi sapat ang I love you at I miss you. Siguro hinanap ko yung I TRUST YOU, I UNDERSTAND at yung I'M SORRY.

"Meng, mahal mo ba ko?" Alden asked.

"Of course RJ! What made you ask that?"

"Then why are you doubting me?" Hinawakan ni Alden ang kamay niya. "Kapag sinabi kong wala kang dapat ipag-alala, wala. Magkaibigan lang kami. Hanggang dun lang. Whatever we had in the past, everything was left there. You understand?"

"It's just that..."

"Maine, how many times do we need to argue about this? Di mo ba talaga ko kayang pagkatiwalaan? Kasi kung di mo kaya, kahit sa pagmamahal ko na lang sayo ka magtiwala. Kahit dun na lang."

2. Siguro, wrong timing. Marami tayong gusto sa buhay na sa sobrang eager nating tuparin ang mga ito, nakakalimutan na namin ang isa't isa. May priorities siya, mayroon din naman ako. Wrong timing lang siguro.

"I don't want to go."

"What? Napag-usapan na natin 'to diba? Ilang beses kitang tinanong. Now you're backing out?" 

"RJ... Hindi pa ko ready. Madami pa kong gustong gawin."

"Edi sasamahan kitang gawin yun!"

"Ang dami ko pang issues, magulo ako. Sobrang gulo. Alam ko mali na pumayag kaagad ako kahit hindi pa talaga ko handa para hindi ka masaktan at-"

"O talaga? Alam mo pala edi sana pinagisipan mo muna. Di naman kita pinressure diba? Ayaw masaktan? Pakshet naman Meng, tingin mo di ako nasaktan? Tangina, ang sakit sakit na."

3. Siguro, baka hindi ako. O baka hindi rin siya. Baka hindi talaga kami para sa isa't isa. Baka kahit ilang beses naming ipagpilitan ang sarili namin sa isa't isa, hindi talaga kami compatible.

"Gets ko naman siya paps eh. Handa kong sabayan lahat ng toyo niya. Handa kong maghintay hanggang maging handa siya. Handa kong ibigay lahat ng kailangan niya. Handa kong intindihin yung magulo niyang mundo. Simula pa lang ginagawa ko naman na eh. Pero bakit ganun? Bakit ang dali lang sa kanya na iwan ako habang ako patalikod pa lang siya humahabol na ko?"

"Paps iba kasi kayo ng gusto. Baka din masyado lang tayo naoverwhelm na bagay kayo sa isa't isa. Parang pagpili ng gamit sa online shop, gustong gusto mo ng bilhin kasi tingin mo bagay sayo pero nung nabili mo na, hindi pala kasya."

Behind The CamerasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon