Blessings

3.4K 167 29
                                    

Kelan ba ko huling nagupdate dito? Hahahaha. Sorry naman!!!

Dahil sabi ni Meng kanina at the age 23 e magkakaasawa na sya, bat di natin totohanin? Hahahaha.

Welcome to the married life of Mr. & Mrs. Faulkerson!

-

"Mahal.. Uy mahal. Gising ka pa ba? RJ. Richard. Alden. Tisoy. Faulkerson. Shokoy. Yuhoo."

"Ano ba Meng wag mo nga dutdutin yung mukha ko. Matulog ka na. Anong oras na oh."

"Nagugutom kasi ako mahal. Bili mo naman ako ng durian.."

"Durian? Anak ng tupa naman Meng san tayo hahanap ng Durian ng ganitong oras?"

"E anong magagawa mo e durian ang gustong kainin ng anak mo? Anak oh ayaw kang bilhan ng Tatay mo ng durian!" Tumalikod si Maine at di na pinansin si Alden.

"Mahal naman sorry na. E kasi san tayo kukuha ng durian ng ganitong oras?" Alden glanced at the clock on the bedside table. "2am palang Meng oh. Mangga na lang kainin mo. Ipagbabalat pa kita."

"Ayoko ng mangga! Sino ba nagsabi sayong gusto ko nyan at ang dami dami mong binili?"

"E kasi tinanong ko si Sam kung ano madalas kainin ng buntis sabi mangga daw. Kaya bumili ako ng madami para may makain ka pag gusto mo. Ayaw mo ba yung manggang nabili ko? Maasim ba?"

"Mapait. Ayoko ng mapait na mangga."

"Mapait na mangga? Mahal naman san ka nakakita ng mapait na mangga?"

"Sa tv. Kumakanta pa nga e. Pagsabihan mo nga si Inday na wag manunuod ng tv sa tanghali. Naiirita ako."

"Sige.." Naguguluhang sagot ni Alden. "Pero bukas na yung durian na sinasabi mo ha? Kahit isang basket pa bibilhan kita. Wala kasi talagang mabibilhan ngayon e."

"Ha? Hahayaan mo bang magutom yung mag-ina mo? Bahala ka dyan at di ka namin kakausapin ng anak mo! Labas!"

"Meng naman.."

"Lalabas ka o ako ang lalabas?"

Napabuntong hininga nalang si Alden at humalik sa noo ng asawa bago lumabas ng kwarto. "Babalik ako teka lang. Hahanapan ko kayo ni baby ng durian. I love you, Meng."

Isasara na ni Alden yung pinto ng magsalita si Maine. "Mag-ingat ka sa labas ha. I love you too. Pero galit parin kami ng anak mo."

Napailing na lang si Alden sa sinabi ni Maine. 5 months ng buntis ito at nasasanay na sya sa kung anu-anong hinihingi ng asawa. Yun nga lang may mga times na di nya alam kung saan kukuha ng mga gusto ni Meng lalo na pag madaling araw kaya humihingi sya ng tulong sa mga kaibigan nya.

Tumawag sya sa kaibigan nyang alam nyang makakatulong sa kanya.

"Hello? Kuya?"

"O ano namang kelangan ni Meng ngayon?  Alas dos na ha. Tagal mo tumawag matutulog na sana ako."

"Ako nga din Kuya Jose e. Akala ko makakaligtas ako ngayong gabi."

"Ano naman daw gusto nya ngayon? Grapes? Isaw? Balot? Santol?"

"Kuya.. Durian. Durian ang hinahanap ngayon ni Meng."

"Anak ng tipaklong naman Alden. Sa dami ng prutas sa mundo na kelangan ng mag-ina mo, durian pa talaga? Feeling ko di pa lumalabas yung anak mo, may galit na sakin e."

"Gulat ko nga din Kuya e. Ayun nga nung sabi kong mahirap maghanap ng durian ng gantong oras e pinalabas ako ng kwarto."

"O sige. Magkita tayo sa may kanto nyo at tutulungan kita maghanap."

Behind The CamerasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon