Tatay

3.7K 161 12
                                    

Father's Day special! Happy Father's Day sa Tatay ko, sa Tatay nyo at sa Tatay ng mga anak ko. Hi bebe Jake. Hahahaha!

Tweet me @kyemeeeh

-

"Mench. Tawag kayo nila Nanay sa baba." Coleen knocked at her door where Maine and her 1 year old son, RD were staying. "Meng. Huy.. Ano bang.." Natigilan si Coleen pagbukas ng pinto ng nakita nya yung mag-ina na tutok na tutok sa harap ng tv.

"Kaya naman pala di sumasagot 'tong dalawa na kanina pa tayo tawag ng tawag. Busy pala sa pagfafangirling ang mga Faulkerson." Coleen told her sister Niki.

"Oy Mench masira naman mata mo dyan at ng anak mo katititig sa tv."

"Sshhh. Ang ingay nyo di namin marinig." Pinatahimik ni Maine ang mga kapatid at inilapit sa kanya si RD.

"Baby, look at Tatay sa TV oh! Gwapo gwapo ng tatay mo! Tawag mo si Tatay dali!"

"Tay! Tay!"

"Mamaya uuwi na si Tatay! Miss mo na ba sya, anak?"

"Miss! Miss!"

"I miss your dad too, sweetheart. Babatiin natin si Tatay pag-uwi nya mamaya ng Happy Father's Day tapos yayakapin natin sya tapos ikikiss natin sya? Parang ganitoooo..." Maine showered her son with kisses and RD's laugh echoed over the room.

"Picture-an mo yung mag-ina Coleen. Pakita natin kay Alden mamaya pagsundo nya dito. Pang Father's Day."

"Pipicture-an ko talaga. May papabili kasi akong lipstick kay Den eh. Hahaha."

"Alam mo ikaw talaga pag nalaman ni Mench 'yan!"

"Kaya nga secret lang diba. Tsaka si Meng din naman sobrang spoiled kay Mike, ako naman kay Alden. Hahahaha."

"Ay nako ikaw talaga Coleen." Niki glanced at the TV and Alden's show already ended. "Uy tara na Mench. Buhatin mo na si RD. Dun na kayong dalawa sa baba mas maluwag dun."

"E Ate mukhang inaantok na si RD eh. Patulugin ko muna tsaka ako bababa. Wala pa din naman si RJ eh."

"Ay nako sige na nga. Bumaba ka agad pagkatulog nya ha. Buksan ko na yung aircon para lumamig din naman dito."

"Salamat Ate."

Iniwan na ni Coleen at Niki ang magina sa kwarto at saka bumaba.

-

"Hello po, Nay, Tay, Happy Father's Day po. May dala ko para sa inyo. Yung mag-ina ko po pala nasaan?" Alden made courtesies to his in laws and looked for his son and wife.

"Uy salamat RJ. Happy Father's Day din sayo. Tinawagan ko na si balae kanina."

"Ay nandun sila sa kwarto ni Coleen. Nanunuod kanina ng tv. Teka, Coleng! Nasan ang kapatid mo?"

Coleen with a pitcher of juice in her hand greeted Alden and prepared the snacks on the table.

"Ayun nasa taas pinatulog si RD. Nakatulog na din yata kasi di pa bumababa e kanina pa yun. Happy Father's Day pala. Meryenda ka muna oh."

"Uy salamat. Mamaya nalang siguro akyatin ko muna yung dalawa. Miss ko na eh."

"Kayong pamilya talaga ang ki-clingy sa isa't isa. Pero miss ka na talaga nung dalawang yun. Tutok na tutok nga sa tv kanina habang nanunuod sa show mo e. Nakita mo yung sinend kong picture sayo?"

"Anong picture?"

"Sinend ko sayo sa viber. Check mo dali. Tas akyat ka na dun ng makapag-meryenda muna kayo bago umalis."

Behind The CamerasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon