Sinigang na HIPON

300 6 2
                                    

By:Jelica Manuel 


Mga Sangkap:

Hipon

Mga gulay

Sinigang Mix

sibuyas at bawang


Paraan ng Pagluluto:

Una, magpakulo ka ng tubig, tutal diyan naman nagsimula ang pagkagusto mo sa kanya- sa kumukulo mong libido nang makita mo ang hita niyang walang pekas. Hype ka!

Pangalawa, ilagay mo ang mga rekado gaya ng sibuyas at kamatis. Hintayin mong lumambot ang texture kasi ganun naman talaga, hihintayin mo naman talagang mapalambot ang babae para sa balak mong hype ka!

Pangatlo, lagyan mo ng sinigang mix o di kaya natural na pampaasim gaya ng sampaloc or kamias. Pili ka lang. Diyan naman kayo magaling di' ba? Kung sino ang mas maasim, 'yon ang gustong- gusto niyo! Dahil kung wala ng asim humahanap kayo agad! Hype.

Pang- apat, ilagay na ang hipon- paborito mong hipon to be exact. Ayaw mo ng karne dahil may taba, ang gusto mo talaga hipon. Gusto mo 'yung perpekto ang kurba dahil sa perspektib mong katawan ang magdadala sa'yo sa cloud nine, hindi mukha. Kaya kadalasan nakapikit ka, hindi ko alam kung nauulol ka na o talagang hindi mo masikmurang makita ang ulo. Kaya pala laging lights-off kung magmilagro! Hype!

Panghuli, ilagay ang pechay. Tapos iwanan mo muna. Balikan mo 'pag okay na. Kasi 'di ba kayong mga lalaki pagkatapos ng lahat, iiwanan mo muna parang patay- malisya kang hindi lumigaya, hype talaga! Babalikan mo lang kapag medyo ayos na siya. Kapag medyo tanggap na niya, para nga naman madali kang makahingi ng tawad! Sarap mong murahin! Hype.


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now