Maruya

251 6 0
                                    

By: Glezen Marie Becerro

MGA SANGKAP:

Saging na saba

Asukal

Harina

Mantika


PARAAN NG PAGLULUTO:

1.Bumili ng mga ingredients na gagamitin. Piliin mo yung swak sa budget mo at safe ka. Katulad ng pagmamahal mo sa kanya swak na at lagi ka pang safe pag andiyan s'ya.

2. Apat  lang naman ang main ingredients na gagamitin mo. Oo apat lang, Please lang wag mo nang dagdagan, ang sakit na eh. Kala ko ako lang ang comfort zone mo,  pero "apat" pala kami.

3. Ihanda mo na ang sarili mo, este yung mga gagamitin at yung mga ingredients. Kasi yung akala mong handa ka na sa pinasok mong relasyon , iyon pala ay hindi  pa.

3. Kumuha ka ng lalagyan, yung kayang sumalo sa nawarak mong puso. Tunawin mo yung harina sa lalagyan gaya ng pagtunaw nya sa puso  mo. Maglagay ng konting tubig, yung tama lang. 'Wag mo nang pasobrahin dahil ang sakit na. YOU BROKE MY HEARTH INTO PIECES.

4. Haluin, bola-bolahin hanggang makuha mo loob ko. Pag malapot na yung harina isa-isantabi mo muna kasi alam naman nating hindi lang ako iisa. Ganyan ka naman, pag sawa ka na sa isa, sa akin ka naman lalapit.

5. Bigyan mo ngayon ng atensyon yung saging. Balatan mo at hiwain sa gitna, gaya ng paghiwa mo sa puso ko. Ganyan naman kayong mga lalaki, ang hilig sumira ng puso ng mga babae. Buti pa ang Saging may PUSO hindi tulad mo BATO.

6. Matapos mong gawin iyon ilagay mo na sa pinaglagyan ng malapot na harina yung saging. Ganyan naman kayo mahilig magsabay-sabay.

7. Kunin mo yung kawali. Ilagay mo ito sa kalan kasi puro ka naman KALANdian. Buksan mo ito at painitin para naman hindi ka naman lumamig.

8. Lagyan mo ng mantika yung kawali. Piliin mo yung mantikang hindi natalsik para hindi ka masaktan. Pati ba naman mantika nanakit na.

9. Ilagay mo na yung saging na may halong harina sa kawali. Pag dumikit sa kawali iyon, masasaktan ka na dahil alam mong 'di pa handa, dumikit ka na sa kanya. Mahirap na syang tanggalin dahil alam nating masisira din ang iniingatan mong puso.

10. Maglagay ka uli sa kawali. Okay lang masaktan ka sa una, basta alam mo na ang tama at mali sa pangalawang pagsubok mo. Pag luto na ang maruya, ilagay mo sa plato at budbudran mo ng asukal nang tumamis naman hanggang dulo ang pagmamahalan ninyo.

11. Tikman mo yung ginawa mo para masabi mong perfect na ang  inyong pagsasama. Ipatikim mo rin sa iba para marami kang maging kaagaw.


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now