Pancake

370 6 0
                                    

By: Ly Seven WP

INGREDIENTS:

Flour

Eggs

Margarine o DariCreme

Water

Baking Powder


1. Paghalu-haluin lahat ng sangkap sa isang bowl. Madali lang yan. Kasi ganyan ka naman eh diba? Lahat naman kami pinagsabay-sabay mo at pinaghalo o pinaikot mo sa mga salitang akala namin totoo.

Ang tubig ay dapat na sapat lamang sa dami ng harina... Kailangan 'yon! Dapat laging sapat. Hindi dapat sobra. Dahil lahat ng sobra masama. Pag nagmahal ka ng sobra, tandaan mo masasaktan ka at magmumukha kang tanga

2. Patuloy lang ang paghalo hanggang sa pumino... Oo, ipagpatuloy mo lang. Ganyan naman yung ginagawa mo lagi eh diba? Pinagpapatuloy mo lang kaming paikutin kahit alam mong nakakasakit ka na at at kahit alam mong maling mali ka!

3. Pag pino na, pwede na itong iprito.. Sanay ka naman diyan eh. Pag sawa ka na kaming paikutin ipapasa mo kami sa iba. Ipapamigay mo na parang di mo kami pinakinabangan at parang pusa na ipamimigay mo kung kani-kanino at ililigaw mo kung saan saan

isukat sa isang tasa ang bawat ipi-pritong pancake gamit din ang margarine o DariCreme sa halip na mantika. Dapat sukat, para maganda ang kalalabasan. Kaso dahil sa ginawa mo, hindi maganda ang kinalabasan... Alam mo kung ano 'yun? Lahat lang kami nasaktan.

4. Baligtarin ang pancake pag nag-golden brown na ang isang side ng pancake. Maaari nang hanguin mula sa kawali ang pancake.

Ganyan ka naman eh, babaliktarin mo na kami pag nakuha mo na lahat ng atensyon na gusto mo. Lilipat ka naman sa kabila , tama 'di ba? Hampas-lupa ka.

5. Lagyan ulit ng margarine o DariCreme ang ibabaw ng pancake para sa mas masarap na lasa. Paglalaruan mo na naman kami. Gagawin mo na naman kung anong gusto mo . Ang sakit ng feeling ng pinaglalaruan ka ng taong mahal mo.

6. Tusukin mo ng tinidor ang gitna, para malaman mo kung luto na. 

Pero alam mo kung ano yung di mo alam? Sa bawat segundo na sinasaktan mo yung damdamin namin, unti unti kaming gumaganda tulad ng di mo inaakala. At sa oras na iyon, di na kami babalik sa 'yo dahil minsan mo na kaming niloko.


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Where stories live. Discover now