Ginisang Sardinas

226 7 0
                                    

By: Denalyn Baltazar Goimco

MGA SANGKAP:

Sardinas

Sibuyas

Mantika


PARAAN NG PAGLULUTO:

1. Ihanda mo muna ang sibuyas. Ganun naman di ba? Dapat maging handa ka sa lahat ng mga haharapin mo sa mundong ito. 

2. Balatan mo na ang sibuyas. Gaya ng pag-let go mo sa mga pangyayari sa nakaraan ng buhay mo.

3. Tadtarin mo na ang sibuyas. Ilabas mo na ang lahat ng galit mo para hindi ito makulong.

4. Painitin mo na ang kawali mo. Matuto kang maghintay.

5. Ibuhos mo ang mantika. Huwag lahat. Magtira ka ng para sa sarili mo. Huwag mo ibibigay ang lahat kung hindi naman nila kayang suklian.

6. Ilagay na ang lahat ng mga tinadtad mong sibuyas. Lahat ilagay mo! Di ba kapag mahal mo siya kaya mo mag-sacrifice kahit mawalan ka na? Ihalo-halo mo. Diyan naman sya magaling eh sa pagpapaikot.

7. Kapag mabrown-brown na ang sibuyas saka mo ilagay ang sardinas. Make sure nabuksan mo na. Parang puso mo. Kung hindi mo i-lelet go ang lahat ng bitterness ay ikaw lang din ang mahihirapan at hindi maiilabas ang lahat ng yun.

8. Ihalo mo ulit. Ang galing nya talaga ano? Hindi ka na nagsawa! Paulit-ulit nalang ba?

9. Kapag nakita mong umusok-usok na, ayos na yun at patayin mo na ang apoy. Pero kung hindi ka makuntento gaya ng ex mo na hindi marunong makuntento, dagdagan mo pa ng ng tubig na mainit para may dagdag kang sabaw. Hay naku! Hindi s'ya talaga marunong makuntento. Nagdagdag pa talaga. Huwag mong patayin ang apoy. Gaya ng buhay mo, huwag mong tapusin dahil lang sa isang problema. 

10. At haluin mo. Di ka talaga nagsawa ano? Then, patayin mo na ang apoy. Lahat kasi may limitation. Walang forever sa mundo. 

11. Isalin mo sa bowl. LAHAT. Ganyan ka naman, di ba? LAHAT BINIBIGAY MO at wala kang tinitira sa sarili mo.


--WWG APPROVED--

The Hugot Recipes  | #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon